Sintang paaralan nagsisilbing gabay
Ikaw ang liwanag at aming patnubay
Inspirasyon ka naming mga kabataan
Patungo sa'ming tiyak na tagumpay
Lakas at talino’y makakamtan natin
Dahil sa sama-samang mga adhikain.
CHORUS
Bignay National High School ika’y maasahan
Naglilingkod nang tapat para sa bayan
Tulay ng tahanan at ng pamayanan
Bignay National High School, kaakibat sa kaunlaran
BRIDGE
Kaagapay ang Maykapal sa mga layunin
Pagkakaisa ang nasa puso natin.
(Repeat Chorus)
Bignay National High School ika’y maasahan
Naglilingkod nang tapat para sa bayan
Tulay ng tahanan at ng pamayanan
Bignay National High School
Bignay National High School
Bignay National High School, kaakibat sa kaunlaran