1. PAGPASOK AT PAGLABAS NG PAARALAN
• Ang lahat ng mag-aaral ay inaasahang dumating bago ang opisyal na oras ng klase.
• Hindi pinapayagan ang late maliban kung may valid na dahilan at dokumento tulad ng kopya ng ID ng magulang/guardian at excuse letter na may kalakip na lagda.
• Sa pagliban ng bata, ay kailangan magpakita ng excuse letter at kopya ng valid ID na nilagdaan ng magulang o guardian.
• Bawal ang paglabas ng paaralan nang walang pahintulot mula sa class adviser/ subject teacher gamit ang gate pass or guardian pass.
• Bawal magpunta sa paaralan sa araw ng Sabado, Linggo, holidays, at kapag may suspension ng klase upang magsagawa ng praktis o anuman gawain na walang pahintulot ng principal.
2. WASTONG KASUOTAN AT KAAYUSAN SA SARILI
• Magsuot ng kumpleto at malinis na uniporme araw-araw.
• Ang mga mag-aaral ay kailangang magpakita ng malinis na personal na kaayusan (gupit, kuko, hygiene, atbp.)
• May angkop na gupit ng buhok ayon sa itinakda ng paaralan.
• Ipinagbabawal ang pagsusuot ng excessive accessories, make-up, at hindi akmang pananamit sa loob ng paaralan.
3. PAG –UUGALI SA LOOB NG PAARALAN.
• Magpakita ng paggalang sa guro, kawani, at kapwa mag-aaral sa lahat ng oras.
• Bawal ang paninigaw, pagmumura, pananakot, pangingikil, at pambu-bully sa sinuman.
• Sumunod sa mga tagubilin ng guro, prefect of discipline, at school personnel.
4. PAGDADALA NG DI-ANGKOP NA BAGAY
• Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng:
• Matatalas na bagay o armas, at four fingers.
• Alak, sigarilyo, vape, o ipinagbabawal na gamot.
• Gambling materials (e.g. baraha, teks, atbp.)
• Pornographic materials o malalaswang larawan at babasahin.
• Cellphone (kung di naman kailangan sa klase, maari lamang gamitin kung ito ay may emergency).
• Ang anumang bawal na gamit ay kukumpiskahin at maaaring isangguni sa magulang at ibalik sa bata pagkaraan ng buong klase sa umaga o sa hapon.
5. DISIPLINA SA LOOB NG SILID-ARALAN
• Maging attentive, tahimik, at handang makinig sa bawat aralin. Hindi pinahihintulutan ang pangongopya sa panahon ng pagsusulit (quizzes, unit o periodic test).
• Bawal ang paglabas ng silid habang may klase nang walang pahintulot mula sa subject teacher gamit ang necessity pass ( CR pass o Hall pass)
• Panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa classroom.
• Ipinagbabawal sa mga mag-aaral ang pagka – cutting, pag-iistambay at paglilisaw- lisaw sa loob ng paaralan habang may klase.
6. KALINISAN AT PANGANGALAGA SA KAPALIGIRAN.
• Ipinag-uutos ang pagtapon ng basura sa tamang basurahan.
• Bawal ang vandalism, paglalagay ng graffiti, o anumang paninira sa school property.
• Mag-ingat sa paggamit ng mga facilities ng paaralan.
7. PAGRESOLBA SA ALITAN.
• Bawal ang pisikal na pananakit o away, kahit na ito ay dulot ng personal na hindi pagkakaunawaan.
• Bawal ang paglahok sa anumang street gang or fraternity dahil idedeklarang “Persona Non Grata” ng Pamahalaan ng Valenzuela alinsunod sa City Ordinance No. 1262, s.2025.
• Ang mga hindi pagkakaunawaan ay dapat i-report sa Prefect of Discipline, Adviser, o Guidance Counselor.
8. PAGSUNOD SA MGA ALITUNTUNIN NG ONLINE/CLASSROOM CONDUCT (PARA SA BLENDED/DIGITAL LEARNING)
• Sumunod sa online etiquette: magpakita ng respeto, tamang salita at wastong damit kahit sa virtual setting.
• Iwasan ang cheating, plagiarism, at iba pang anyo ng dishonesty.
PAALALA:
Ang hindi pagsunod sa alinman sa mga alituntuning ito ay maaring magresulta sa verbal warning, written warning, parent conference, suspension (kung kinakailangan), o iba pang paglabag sa polisiya ng paaralan ay may angkop na parusa alinsunod sa patakarang nakasaad sa BNHS KODIGO NG DISIPLINA PARA SA MGA MAG-AARAL (Student’s Handbook).