Samu’t saring mga proyekto ang isinagawa ng Sangguniang Kabataan (SK)na tumulong sa pag-iipon ng kanilang badyet bilang pandagdag sa mga kailangang bayaran at bilhing kagamitan para sa mga estudyante.
Nagsagawa ito ng mga proyekto upang magbigay ng saya sa mga sumasali, at kasabay na nito ang pagbibigay rin ng tulong sa mga kabataan.
Ayon sa SK Chairperson Gimarl Garrovillas, iba’t ibang pakulo ang kanilang ginawa upang madagdagan ang kanilang pondo habang hindi pa dumadating ang kanilang 10% na badyet galing barangay upang tuloy-tuloy lamang ang pamamahagi ng kanilang tulong.
“Iba’t ibang pakulo ang aming ginawa para nang sagayon ay madagdagan ang ating badyet habang hindi pa dumarating ang badyet natin na 10% galing barangay, para tuloy-tuloy din ang pagbibigay ng tulong,” ani Garrovillas.
Samantala, kabilang ang “cakes for a cost” at “dance for a cost” sa kanilang mga isinagawang proyekto sa kanilang barangay.
Sa kabilang banda, ang mga kinita mula sa “dance for a cost” ay inilaan para sa pamimigay ng mga bag packs na mayroong kasamang gamit pampaaralan na ipinamahagi sa mga kabataan.
Hanggang sa kasalukuyan, handa pa rin silang gumawa ng mga proyektong makadadagdag sa kanilang badyet, ngunit wala pang pondong nakalaan para dito.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH