Himpilan at Sandingan: Ang Sangguniang Kabataan at Pribadong Samahan tungo sa Kinabukasan
ni ABRAHAM AVENDANO 4 hours ago
ni ABRAHAM AVENDANO 4 hours ago
Ang mga makasariling nasa itaas ay unti-unti na ring nalalagas. Dahil ang mga nasa laylayan ay natututo na rin tumindig at lumaban.
Sa mundong laganap ang katiwalian at korapsyon na walang aksyon ang katagang ‘’ Kabataan ay Pag-asa ng Bayan’’ ay gasgas at wala ng bisa. Binabantas ng mga kabataan mula sa kanilang mumunting hakbang ang edukasyong salat sa pondo, ngunit sagana sa kakulangan.
Boses ng Kabataan
Ngunit mula sa mga katagang iyan binigyang diin ni Gimarl Garrovillas, isang guro at kasalukuyang naglilingkod bilang SK Chairperson ng Baras Rizal Brgy. Santiago na sa kabila ng katiwalian siya’y naninindigan na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan sapagkat mula sa pagiging kasapi at lingkod bayan sa pamamagitan ng SK ang kaniyang katungkulan ay isang instrumento upang ipalaganap ang boses ng kabataan . Sa kaniyang panunungkulan inihayag niya na ang SK ay may mga proyekto at programang inihahain kada taon upang matugunan ang mga pangagailangan ng kabataan. Isa sa mga proyektong kaniyang inilatag ay ang ‘’ Katipunan Kabataan Profilling o KK Profilling’’ isang sarbey na isinasagawa ‘online’ kung saan maaring ilahad ng mga kabataan ang kanilang inaasahan at kailangan sa pamayanan na maaring tugunan ng sanggunian, mula sa mga sarbey na ito malinaw na nakikita ng samahan ni Garrovillas ang mga interes at pangangailangan ng kabataan sa pamamagitan ng pagsasagot na ito na bukas para sa lahat ng kaniyang nasasakupan.
Ang Nagbabahagi at Ibinabahagi
Idinagdag niya pa ang taunang programa tuwing kapaskuhan na tinatawag nilang ‘’Paskong may handog na pag-asa, saya, at kalinga’’ na isinasagawa sa bahaging ‘upland’ ng Santiago, kung saan namimigay sila sa mga kabataan ng laruan, saya at mga regalo, hindi lamang sa bulubunduking bahagi sila nagpapa-abot ng tulong bagkus pati na rin sa mga bahay ampunan, isa rito ang ‘’Bahay Aurora’’ isang piling ampunan na pinagdarausan nila ng ‘gift giving’ at sa mga regaling ito kalakip ang mga tsinelas, laruan, at proper hygiene kit kontra ‘foot and mouth disease’.
Hindi lamang sila nagbibigay, bagkus, nagtuturo rin sila ng mga pangaraw- araw na kasanayan at kabilang dito ang paggawa ng mga lambat sa tabing kalsada.
Isa itong ‘’skill development’’ dahil sa pamamagitan ng paggawa ng mga lambat at basahan nakagagawa sila ng mga produktong sinusubok ang kakayahan mula sa bawat pisi ng mga lubid na maaring maging isang libangan o isang pagkakakitaan.
Hindi lamang ang Sangguniang Kabataan ang nagsisilbing sadigan ng kabataan kasama rin nila ang Junior Chamber International, isang ‘non-profit organization’ kung saan nakapokus sila sa koordinasyon ng mga kabataan sa gawaing pang pamayanan at isa sa programang ito ay ang ‘’5000 Seedlings’’ kung saan nagtanim sila ng mga puno sa bulubunduking bahagi ng Teresa Rizal upang higit na mas mapa-igting ang koordinasyon ng mga kabataan ginagawaran din nila ng parangal o pagkilala ang ilang mga mag-aaral na kiakikitaan ng kagalingan kung saan makakatanggap sila ng medalya at sertipiko upang masiguro ang koordinasyon ay may kalakip din na motibasyon.Hindi lamang sa Baras Rizal ang mga proyekto ng JCI ito rin ay laganap mula sa tinatawag nilang ‘’Area Level, National, Asia Pacific, at International, kung saan ang tulong sa kabataan at ang promosyon ng pakikisama at pakikibahagi ng kabataan ay para sa lahat.
Pera-Paraan
Ngunit sa kabila ng mga ito, ang mga nasa itaas ay hindi gaanong binibigyang pansin ang mga nasa laylayan at ang kakulangan sa pondo ay isa pa rin na malaking problemang kinakaharap ng dalawang samahan.
Bumubuo sila ng tinatawag na ‘’Income Generating Project’’ kung saan sa mga proyektong ito maaring makalikom ng pera upang magamit sa kanilang mga proyekto at programa tungo sa kinabukasan ng kabataan. Ang pagsasagawa ng ‘’concert’’ ay nagsisilbing ‘’fund raising’’ kung saan nag-iimbita sila ng mga lokal na artist upang ipamalas ang galing sa pag-awit at pag sayaw, umaani ito ng mga pera na maaring gamitin sa kolaborasyong proyekto ng dalawang samahan na ‘’Bag for School Project’’ kung saan nagbibigay sila ng mga kagamitang pamparaalan . ‘’Cannot stand alone kailangan sama-sama’’ masasalamin na mula sa kagustuhan na matugunan ang pangangailangan ay kinakailangan gawan ng paraan upang tugunan ang mga kabataan.
Sa kabuoan, hindi nakikita ng dalawang samahan na isang hamon ang kakulangan ng mga pondo upang magsilbing himpilan at sandigan ng mga kabataan. Dahil sa kanilang pagkalagas ang mga kabataang hinubog ng dalawang samahan ay ang mga kabataang marunong lumaban at manindigan na sila pa rin ang lagi’t lagi at mananatiling pag-asa ng bayan.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH