Rizaleños Gymnasts, tumukod sa controlled game ng Gymnastics Exhibition Match
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
ni PARKER AYAAY 4 hours ago
Maghanda ka na kapag Rizaleño ang nagkaroon ng solidong ensayo.
Hatawa sa katawan ang mga Rizal Gymnasts ng Rizaleños Gymnastics and Dance Company matapos maglatag ng jumping, turns, at balances sa Rhytmic Gymnastics at Aero Gymnastics sa Gymnastics Exhibition Match na ginanap sa Bernardo F. San Juan National High School, Gymnasium, Pebrero 26.
Tumikada naman ang Rizaleños nang maghulma ang elementarya at sekondarya ng iba’t ibang powerful stances sa hoop, ball, at clubs apparatus sa kabila ng walang opisyal na puntos dahil sa controlled game.
“Kung walang medal or trophy, mahala naipakita ko ‘yung best,” pahayag ni Cristalin Zoe Valencia, kalahok sa Gymnastics training.
Kumalawit naman ang former Sea Games Representative na si Valencia ng ilang jumping sabay turns upang painitin ang laro.
Sumegunda ang elementary gymnast na si Arya Glizcelle Reyes ng solidong balance para paigtingin ang laban sa hoop apparatus training.
Umalagwa rin ang lalaking gymnast na si Christian Dylee Monreal matapos irehistro ang ilang leap at balances sa kabila ng ilang challenging stances.
Nagsilbi namang “training ground” ang Gymnastics Exhibition Match para sa lahat ng kalahok sa laro.
Inaasahan din na magkakaroon ng magandang dwelo at preperasyon ang Rizal Gymnasts sa opisyal na laro.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH