Kung tayong mga kabataan ay walang balak magparehistro para maging botante at aasa na lang sa serbisyo na puro naman perwisyo—malamang sa malamang iisa lang ang ating kahahantungan kung hindi ang maging alipin ng mga taong hindi makatarungan at walang awa sa bayan.
Unang-una, kailangan talaga nating aminin na sa ating bansa, maraming kabataan ang salat ang kaalaman patungkol sa ganitong bagay dahil sa kahirapan, ngunit tatandaan naman natin na hindi naman ibigsabihin nito na hahayan na lang natin silang hindi magparehistro para sa pagbabago.
Sa isang panayam kay Gimarl Garrovillias, Sangguniang Kabaataan Chairperson ng Baras, Rizal sa Barangay Santiago, naibahagi niya na ang bawat isang boto ay mahalaga. ‘Di umano, nasa higit 4000 lamang ang tao sa kanila at 998 dito ang botante. Dito pa lang, makikita mo na ang laki ng deperensya ng taong may sapat nang kaalaman sa politika sa taong salat ang kaalaman tungkol dito.
Dito, hinikayat niyang magparehistro na ang mga kabataang nasa edad na 15 anyos dahil sa nalalapit nitong eleksyon sa Nobyembre 2, 2026 para sa Sangguniang Kabataan. May punto naman, hindi lang tinta ang naiambag ng bawat isang kabataan sa ganitong klase ng eleksyon kung hindi maging ang kamalayan at pag-asa ng kinabukasan na nasa kani-kanilang palad.
Idinagdag pa niya, “Everything is Political, sa pagpasok mo pa lang ng 8:00 a.m. sa klase dahil sinusunod mo ang policy na ibinigay sa atin, politika na iyon.” Tama nga naman, mahalaga ang ambag ng kabataan sa mga eleksyon bilang nagsisilbi silang natatanging liwanag ng pag-asa sa bayan sa kabila ng madilim at nakapanlulumo nitong sistema.
Mapalad na lang talaga ang mga kabataan dahil nasa kanila ang pagbabagong ating minimithi, kaya kahit simpleng pagboto ng matalino at pagboto nang matalino ay malaking pagbabago na sa ating bayan. Kaya para sa mga kabataan, nasa mga palad niyo ang pagboto sa pagbabago kaya piliin natin ito. Para sa bata. Para sa bayan.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH