Tatlong Panitik sa Sustainability: Ang Kapangyarihan ng Panulat tungo sa Pagbabago
ni ABRAHAM AVENDANO 4 hours ago
ni ABRAHAM AVENDANO 4 hours ago
Nasa ating mga kamay ang pagbabago at tangan natin ang kapangyarihan na makapagpabago.Mula sa bawat lapat ng mga kamay hawak ang panulat isinusulat nito ang lakas ng pagbabago mula sa mga panitik na ating binubuo at isinusulit ating iginuguhit ang ating kinabukasan bilang kabataan.
Sa mundo ng pamamahayag ang panulat at panitik, ayon kay Gimarl Garrovillas, isang guro at kasalukuyang naglilingkod bilang SK Chairperson ng Baras Rizal Brgy. Santiago ‘’ ang inyong mga hawak na panulat, ballpen man ‘yan ay may kakayahan na magpabago ng lipunan’’ na itinuring niyang ‘’sustainability’’ kung saan ang ‘sustainability’ na ito ay nahahati sa tatlong panitik, at sa bawat panitik na ito ay nagmimitsa ng pagbabago na binubuo ng
Truth- Sa unang panitik, kung saan ang paggamit ng panulat upang mag-ulat at sumulat ng katotohanan ay tanging pawang na katotohanan lamang at walang bahid na kasinugalingan.
Sa pamamagitan ng paghahayag ng katotohanan gamit ang mga panulat, iminumulat ang mga kabataan sa tunay na reyalidad ng lipunan. ‘’Namumutawi sa atin ang katotohanan’’ nagsisimula ang kapangyarihang pagbabago mula sa mga panulat na mumutawi ating mga labi.
Environment- Nag-iiba ang ihip ng hangin at nagbabago na ang bawat tanawin. Hindi lamang katotohanan ang pinangangalagaan ng panulat kundi pati na rin ang ating inang kalikasan kung saan mula sa ating mga isinusulat na balita at mga dibuho, sumisiklab ang pagkilos ng mga kabataan na umaksyon para sa bayan.
‘’Gamit ang panulat, gawing inspirasyon ito na magtanim ng puno’’ hindi lamang nakapaloob sa katotohanan kundi pati sa kalikasan inuudyok tayo ng katotohanan na kumilos at pangalagaan ang ating kapaligiran
Action- Isulong ang pagbabago mula sa mga dibuho, hindi lamang tayo iminumulat sa katotohanan at inuudyok na kumilos para sa kalikasan ngunit pati na rin ang kumilos para sa kinabukasan ng kabataan. Ipahayag sa pamamagitan ng pamamahayag ang katotohanan.
‘’Ituloy natin ang positive change’’, mula sa pag-askyon ito ay nagmimitsa ng positibong pagbabago na kinakailangan ng kabataan.
Sa huli, mula sa tatlong ‘’sustainability’’ ang katotohanan, kalikasan, at aksyon masasalamin na ang lakas ng pagbabago ay nasa kamay ng mga kabataan mula sa kanilang panulat. Ang tatlong ibinahagi ni Garrovillas ay isang katotohanang hindi maiwawaksi na walang halong kasinungalingan dahil pinatunayan niya na ang kapangyarihan ng mga salita ay may kakayahang makapagpabago ng mundo.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH