Dahil sa dami ng gastos na kailangan para sa board exam, naghatid ng tulong pinansyal ang Sangguniang Kabataan (SK) sa Baras, Rizal para sa mga kukuha ng pagsusulit para dito.
Nagpaabot ng tulong ang SK upang masolusyonan ang mga kailangang bayaran bago pumasok sa board exam na hindi kayang sabay-sabay ibigay ng ibang estudyante.
Ayon kay Youth Advocacy Rose Anne Gimenez, ang mga importanteng bayarin muna ang prayoridad ng SK na bayaran upang hindi na ito maging problema pa sa mag-aaral.
“Una palagi naming binabayaran ay ‘yung importanteng bayarin nung students, ‘yung pinakamalaki talaga kasi syempre, ‘yung iba hindi kayang bayaran ‘yun ng buo, para wala na silang isipin pa bago mag-exam,” saad ni Gimenez.
Samantala, dagdag pa niya, ang kanilang tinutulungang mga kabataan ay ang mga rehistrado na sa SK na malapit na ang pagkuha ng board exam.
“’Yung mga registered SK students po natin ang ating tinutulungan, lalo na po ‘yung mga malapt ng magbayaran,” ani Gimenez.
Samantala, naghihintay na ng mga board exam takers ang SK ngayong 2026 para maasikaso na ang mga papel nito.
TRENDING NGAYON ↑
1 #SANGGUNIANGKABATAAN
2 #YOUTHENVOLVEMENT
3 #YOURVOTEMATTERS
4 #YOURVOTEMATTERS
5 #SPORTSPH