Batang Batak
NATATANGING ATLETA. Isang estudyante ng Notre Dame of Tacurong City ang nangarap at nagpursige na makamit ang mga parangal na hinakot mula sa kaniyang sakripisyo at paghihirap na dinanas.
"Tanso, pilak at ginto, nangangarap din ako"
"Pagsusubok ng ilan, hirap, pagod ang daan"
"Sisikapin mo, aakuin ang
“Lahat ng sakripisyo, 'bigay lahat nang todo-todo."
Dapa, patid, hulog, babangon pa rin pasugod
Sampung taon ang inilaan ng arnisador na si CJ Carl Tizon upang makatuntong ng dalawang beses sa Palarong Pambansa. Ininda ang pagod at sakit sa katawang dinanas mula sa bawat hampas na kaniyang natamo sa ensayo at paligsahan. Tubong Tacurong City ang atletang batang musmos pa lamang ay pinangarap ng mamamayagpag sa larangan ng arnis at hinubog ng panahon at sa tulong ng mga batikan na tagapagsanay ng Notre Dame of Tacurong City.
Sabay natin abutin, ilabas ang husay at galing
Arnis ang nagsilbing inspirasyon ni Tizon upang makamit ang kaniyang mga pangarap sa buhay. Isa rin ito sa mga rason kung bakit siya nagsusumikap mag-aral dahil aniya ang mga paligsahan na kaniyang nilahukan ay ang rason kung bakit siya nakapagpundar ng sariling motorsiklo at mapaaral ang kaniyang sarili.
'Tataas ang noo, tanso, pilak at ginto
Nanatiling mapagkumbaba kahit mataas na ang nararating, humakot na ng mga parangal ngunit ang pagkatuto at mapahusay ang kaniyang laro ang palaging nasa isip. Nasungkit ang tansong medalya sa SRAA Meet 2020, pilak na medalya noong National Batang Pinoy 2023 at gintong medalya noong SRAA Meet 2023.
Matalo man, panalo, 'bigay pa rin nang todo-todo
Ilang beses mang nadapa ngunit hindi mapapantayan ang kaniyang determinasyon na magpursigeng manalo dahil para sa kaniyang ang pagkabigo ay parte ng proseso sa pagkapanalo. Patuloy na magbabatak ang batang nangangarap na makamit ang minimithing tagumpay hindi lamang sa larangan ng arnis pati na rin sa hamon ng buhay.
PAGHAMBALOS!
Tizon pinisak si Alcarioto; sinelyuhan ang ginto sa SRAA Meet Championship Game
BALITANG ISPORTS
Napurnadang Pagkakataon
ISPORTS EDITORYAL