Ang salitang "Talakudong" na hango sa salitang "kudongs" ay nangangahulugang "salakot." Ito ay sinisimbolo ng compass, isang bagay na gagabay sa isang tao upang hindi mawala sa tinatahak na landas.
Tulad ng isang compass, ang "Ang Talakudong" ay magsisilbing daan upang hindi mapalayo sa katotohanan.
Sa ganitong paraan, ang parehong salita ay nagpapakita ng kakayahang magbigay ng bagong buhay at pag-asa sa gitna ng mga pagsubok at paghihirap.
Isang bagong publikasyon ang lumitaw sa mga online platforms noong Pebrero 2023 na nagsimula sa tawag na "Ang Bagong Pluma." Buwan ng Abril nang ito'y palitan ng "Ang Lilang Lunduyan" at kalaunan ay ginawang "Hiraya." Muling pinalitan ang pangalan ng publikasyon matapos ang pitong buwan. Ito ay kilala ngayon bilang "Ang Talakudong."
PATNUGOT SA BALITA
PATNUGOT SA OPINYON
PATNUGOT SA LATHALAIN
PATNUGOT SA ISPORTS
TAGA ANYO, DEBUHISTA, LITRATISTA