Napurnadang Pagkakataon
Sa bawat parangal at tagumpay na nakamit ng mga atleta ay mayroon palang bahagi ng kompetisyon kung saan makikita ang pait at paghihinagpis ng manlalarong bigong makamit ang pangarap na panalo. Ang pinakamasaklap na parte ng pagiging kampeon ay ang masira ang pangarap ng ibang tao na hindi mo naman intensyon.
Isa sa mga rason kung bakit natatalo ang mga atleta ay dahil kampante na ito sa kaniyang ipapamalas sa laro. Katulad ni Andrei Fritz Justine Alcarioto na naglaro sa Labanan Pinweight SRAA Meet Championship Game na nagpakita ng malamyang laro dahil para sa kaniya ito ay laro-laro lamang.
Sa larangan ng pampalakasan ay hindi palaging ikaw ang panalo, may mga panahon talagang may katunggali kang mas malakas o mas preparado. Sa kalagitnaan ng laban ay ramdam ni Alcarioto ang bawat hampas na binibitawan ng kalaban at hindi niya mawari kung bakit hindi niya ito kayang tapatan, sambit pa niya ay kulang siya sa ensayo at preparasyon para sa laban.
Maraming atleta ang nililimitahan ang kanilang laro kung ang kanilang kalaban ay kakilala nila o kaibigan. Kagaya ni Alcarioto na laro na, nilaruan pa sapagkat katunggali niya ang kaniyang matalik na kaibigan at kasabay niya noong nakaraang taon sa Palarong Pambansa sa Marikina City.
Kahit ano pa ang mangyari ay kailangan nating magsumikap at ibigay ang ating buong kakayanan sa laban na gusto nating ipanalo. Hindi sa lahat ng panahon ay pabor sa panig mo ang laro at ikaw ang pinakamalakas kung kaya’t dapat nating bigyang-pansin ang ating mga kamalian at buksan ang puso’t isipan na ang pagkatalo ay sumisimbolo ng panibagong pagkatuto.
PAGHAMBALOS!
Tizon pinisak si Alcarioto; sinelyuhan ang ginto sa SRAA Meet Championship Game
BALITANG ISPORTS
Batang Batak
ISPORTS LATHALAIN