"UNCONSCIOUS BIAS"
Let the public see you as bias — Attorney
Bilang parte ng Regional Schools Press Conference (RSPC), ibinahagi ng abogado at Sultan Kudarat State University (SKSU) College of Law debate team coach ang kaniyang paninindigan tungkol sa pagiging bias pagdating sa larangan ng pamamahayag.
Sa panayam na ginanap sa Notre Dame of Tacurong College (NDTC) ngayong ika-13 ng Abril, binigyang-diin ni Attorney Sandra Mae B. Bonrustro na nakadepende sa pananaw ng isang tao ang pagiging bias ng isang mamamahayag.
"What's important is you bring the actual truth," ani SKSU debate team coach.
Ayon sa kaniya, mayroong iba't ibang interpretasyon ang bawat mambabasa at mga nakikinig ng balita kaya't kailangang siguraduhin ng isang mamamahayag na tama ang mga balitang inilalahad nila.
"As a journalist, it's an unconscious bias. Let the public see you as bias," wika ng abogado.
Dagdag pa niya, mas mahalaga ang paraan ng paglalahad ng balita kaysa sa paraan ng pag-intindi ng mamamayan dito.
"You have to be very careful and make sure that what you are publishing or broadcasting is accurate," wika ni Atty. Bonrustro.
Iginiit niyang bilang bahagi ng komunidad, dalawa lamang ang maaaring mangyari— ang maging biktima ng fake news or mambiktima ng iba.
"The truth can only side to one party," paalala ng debate team coach.