Stainless Longganisa

Stainless Longganisa ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo

Pagkatapos ng ABNKKBSNPLAko?!, Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?, Ang Paboritong Libro ni Hudas, at Alamat ng Gubat, ipinagpapatuloy ni Bob Ong sa librong ito ang kanyang ikalimang pagkakamali--ang magkwento tungkol sa sarili n'yang mga libro, bagay na di ginagawa ng mga matitinong manunulat. Ito ang Stainless Longganisa, mga kwento ng nagtataeng ballpen sa kahalagahan ng pagbabasa, pag-abot ng mga pangarap, at at tamang praan nG pagsususlat,

Kung saan ginaganap ang paglalaro ng Scrabble.

Ang importanteng diskusyon ukol sa
katumbas na points ng salitang langgonisa.

Mga opisyal ng The Imprenta na nangangasiwa sa
panonood ng
Bulagaan tuwing tanghalian.

Low tide aquarium kung saan isinasalin sa Pilipino ang bawat BO book mula sa salitang Griyego.

Mga mamahaling iPod na bumubuo
ng mga pahina ng bawat libro.

Lalaking naghihintay na masagasaan ng Giant Metal Uod habang pabaliktad itong minamaneho ni Dr. Octopus (#42).

Lutuan ng pitcha pie na syang pangunahing sangkap sa mga libro ni Bob Ong.

Ang jumbo typewriter na gumagawa ng mga libro.

Mga libro ni Bob Ong matapos ipa-Xerox.

Time machine. Ginagamit pambalik ng oras para
kunyari on time nabubuo ang bawat BO book.

Mga smuggled na libro mula China.

Masayang kababaihan na nagtutulong-tulong tumapos ng proyektong walang kinalaman sa mga libro ni Bob Ong.