Latest Books

56 ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo


56 (2018)

(Nonfiction)

Ayon nga sa mga paulit-ulit na paalala ng mga magulang mo, hindi ka dapat nakikipagkuwentuhan sa hindi mo kakilala; at mag-iingat ka sa mga taong sinasamahan mo, pinakikinggan, at pinaniniwalaan. Pero dahil hindi ka naman nakikinig sa mga magulang mo at hindi ka rin nila kinakausap dahil busy sila sa Facebook, hayaan mong salisihan ko muna ang apps, gadgets, online games, Netflix, yosi, at alak bilang bestfriend mo. Teenager ka na, kaya dapat ay mayroon kang mapa ng tatahakin mong landas. Na tinahak ko na kaya ako ang magiging gabay mo. Pagkatiwalaan mo ‘ko sa isang mahabang kuwentuhan, at pangako ko sa’yong susulitin ko ang pagka-cutting classes mo para lang magbasa nito. (Dear Mom and Dad, huwag matigas ang ulo. Hindi para sa inyo ang mga nakasulat dito.)

Si ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo


Si (2014)

(Fiction)

"Maaari bang malaman ang iyong pangalan?"
"Victoria."
"Kailan kita masisilayan, Victoria?"
"Sa iyong pagsilang."

Lumayo Ka Nga Sa Akin ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo


Lumayo Ka Nga Sa Akin (2011)

(Fiction)

Mula sa kasumpa-sumpang kahirapan at kalunus-lunos na kaignorantehan sa mundong kanyang kinagisnan, namulat si Marie sa tunay na mukha ng matamis at mapagpakasakit na pag-ibig. Ngunit makakayanan nya ba ang mga hamon ng bukas? Ano ang kanyang magiging kapalaran? Huwag na huwag palalampasin ang mga tagpo ngayong gabi sa telesineseryenobela na kumpleto sa mga pang-aapi, paghihiganti, impostor, amnesia, kasal, at diary!

Lumayo Ka Nga sa Akin
Para sa mga alagad ng sining na may makabagong pag-iisip, maka-Diyos na puso, malikhaing kaluluwa, at makapigil-hiningang kuwento ng pakikipaglaban sa mga kontrabidang walang ibang iniisip kundi ang kumita.

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo
Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan.mp4

Ang Mga Kaibigan ni Mama Susan (2010)

(Fiction)

Isang mag-aaral. Isang talaarawan. Isang matanda. Maraming kaibigan.

Ikaw ay pinili.

Kapitan Sino ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo
KapitanSino.mp4


Kapitan Sino (2009)

(Fiction)

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; naglanding nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

Kapitan Sino.
Ang pinakabagong superhero noon.
Mas matibay pa sa orig.
Sa mas mahabang panahon.

MacArthur ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo
MacArthur.mp4


MacArthur (2006)

(Fiction)

Merong matigas. Merong malambot. Merong tuwid. Merong kulot. Merong buo. Merong durog. At merong mga taong hindi basta-basta lumulubog.

Batung-bato ka na ba? Rock-rockan na!