Alamat ng Gubat

Alamat ng Gubat ni Bob Ong - bit.ly/sibobpo

Welcome to the jungle!

Samahan si Tong at ang kanyang mga kaibigan sa napakasayang alamat ng kahayupan sa Saging Republic. Makibahagi sa kuwentong garantisadong hindi kapupulutan ng aral. At salubungin ang napakagandang bukas na naghihintay sa ating lahat!

Alamat mo.
Alamat ko.
Alamat ng gubat.
Ang librong pambata para sa matatanda
.

Goodreads Reviews:

"Itong libro ito ang dahilan bakit nakilala ko si Sir Bob. 'Yong kapatid ko na grade 2 pa noon, ang nagdala nito sa bahay namin, sa kaklase niya daw. Meron kasi silang project na magdala raw ng alamat hahhaa. tapos nung binasa ko na, grabe yung tawa ko. Medyo di ko pa gets yung mensahe ng 'alamat' dahil grade 4 pa ako nun. pero ngayong 3rd year college na ko, binasa ko ulit. ayon di na ko natatawa (na kaunti hahaha) seryoso pala ang mensahe ng kuwentong 'to." - J. Lastimado

"Malikhain talagang manunulat si Bob Ong. Dito mo matututunan na hindi humusga sa mga pamagat lang. Kung titignan akala mo pambata pero hindi. Yung mga hayop na ginamit niya talagang mapapaisip ka kung nirerepresenta nito ang Pilipinas, ang mga Pilipino at ang mga maimpluwensyang tao." - G. Zaleta

"Ang librong pambata para sa matatanda!

"Grabe lang! Sa una talaga aakalain mo na pambata ang libro na 'to dahil sa istura niya at mga larawan sa bawat pahina. Ngunit sa bawat salitang binibitawan ng mga karakter, mapapaisip ka... Bawat banat, may malalim na pinaghuhugutan! Sumasalamin sa matagal nang bulok na sistema sa ating lipunan. Nakakasuka!

"Ang pinakamainam na paraan para maging dukha ay ang maging matapat!"
"Hindi dahil sa wala kayong pagkakataong magnakaw ay matapat na kayo."
"Kaya ka lang naman matapang ay dahil sa wala namang mawawala sayo."
"Walang mangyayari sa buhay mo hangga't hindi ka tumitigil sa paninisi sa naging kapalaran mo."
"Paggawa na ba ng kabutihan ang hindi paggawa ng kasamaan?"

"Tulad ng ibang libro ni Bob Ong, Ang Alamat ng Gubat ay isa sa pinakamaganda at isa sa mga paborito ko." - PJ Giray

"As a BO fan, I think this is one of his best books. It's a superb satire that captures the comedy-romance-melodrama-tragedy that is Philippine society. If he wrote this more recently, I guess the only thing that he needs to change is our bida logging out of Friendster." - Faradi

"I read this with a friend during class. A teacher even reprimanded us because we were giggling while she was teaching some stuff I don't care about. I didn't care. I won't trade what I learned from this to any subject I was being thought that time at school. Because despite the laugh that this book offers (abundantly) there is the blatant truth of being Filipino, its almost black comedy at its finest! Bob Ong, the modern Pilosopo Tasyo!" - K. Maramot