"WHAT'S THE PROBLEM???" ang tanong ng boss ko sa isang katrabaho. Kasama ako sa sasakyan na hindi makaalis-alis dahil sa red tape. Mukhang naghihintay pa ng pampadulas ang mga kinauukulan. Kuripot ang amo kong banyaga. Hindi nagbitiw kahit singkong duling. Makakalabas daw kami sa gate nang hindi nagbabayad ng kung anu-ano dahil yun daw ang legal. Ma-prinsipyo. Bilib ako.
"That's why the Philippines remain so poor!" sabi n`ya. Mainit, pagod kami, at medyo bwisit. Doon nag-umpisa ang bwisit na kwentuhan.
Na-culture shock daw s`ya sa Pilipinas pagtapak n`ya dito anim na taon na ang nakalipas. Laganap daw ang lagayan... at hindi sa pamamaraang patago. Hindi n`ya maintindihan kung bakit pumapatol daw tayong mga Pilipino sa ganito, gayong tayo rin ang nahihirapan. Kaya may mga nangongotong, dahil may nagpapakotong.
Tinahak namin ang Navotas papuntang pier. Akmang-akma ang lugar para lalo akong balahurain ng employer ko.
"(Metro) Manila is one of the dirtiest cities in the world," sabi n`ya. Parang musika sa tenga ko ang sinabi n`ya. Muntik ko na nga s`yang ilaglag sa sasakyan. Pero mas malakas ang sipa ng katotohanan. Madumi nga yung lugar na `yon. "And it stinks, too!" dagdag n`ya.
Maganda nga ang tanawin sa aming paglalakbay. Mga batang walang panty at nilalangaw ang mukha. Mga kalalakihang walang t-shirt at bagsak ang katawan sa droga. At mga kababaihang abalang-abala sa pagpapasuso sa sampung anak. Ayos din ang mga tenement. Sa malayo mukhang mga rectangular na smokey mountain. Sa malapit mukhang bangungot.
`Yan ang view sa kaliwa namin. Gusto ko sanang tukuran ang mukha ng boss ko para wag nang makalingat sa kanan kung saan mas maraming peklat ang Pilipinas, pero nakita n`ya pa rin: mga basura, bahay, at bata na hindi mo malaman kung ano ang alin dahil sa kapal ng itim na usok ng mga sasakyan. Marami s`yang komento, sinabi ko na lang, "Well, what do you expect from a third world country?" Talo na `ko. Tama na ang yabang.
Pinag-usapan namin ang tungkol sa negosyo n`ya... na nauwi na naman sa gobyerno natin. Sandamukal daw ang mga buwaya, red tape, graft, at corruption dito. Tinanong ko kung baka dahil lang sa dayuhan s`ya kaya s`ya ginagatasan. Ang sagot n`ya: "No, Filipinos do it even to other Filipinos!" Kitang-kita ko ang pagbagsak ng bandera ng Pilipinas sa sinabi n`ya, naramdaman ko pa ang pagtama ng flag pole sa ulo ko!
Maiintindihan n`ya raw kung mahihirap ang magnanakaw. Pero sa bansa natin, mga mayayaman ang malilikot ang kamay... mga edukado, titulado, at nasa gobyerno. No, Filipinos do it even to other Filipinos... No, Filipinos do it even to other Filipinos... No, Filipinos do it even to other Filipinos... Patuloy ang pagtugtog nito sa isipan ko.
Ikinuwento n`ya rin ang ginawa sa kanya ng isa n`yang empleyadong Filipina. Pinagbalakan s`yang pikutin nito. Oo nga naman, instant fortune `yon kung saka-sakali. Mahahango sa hirap ang pinay na `yon at ang kanyang pamilya. Aba, andami na nating success stories na ganyan! Kahit ang dating leader ng bansa, ganyan ang konsepto ng pag-unlad.
Napag-usapan ang kultura, ang sex. Mababa rin ang tingin n`ya sa mga Filipina. Sabi ko e marriage before sex ang kultura sa Pilipinas. Umiling s`ya, Pinoy daw mismo ang nagsabi sa kanyang pakawala ang mga babae dito at mag-e-enjoy s`ya. Sabi ko, "Those are whores and the guy who told you that is a pervert." Professional at kakilala ko pa pala ang nagkwento sa kanya. Asshole.
Totoo ang mga kwento ng boss ko. Nakakangilo sa ngipin, pero totoo. At bagama't nakakapikon s`ya minsan e mabait at mabuti s`yang tao. Sa bayan nila, hinihikayat ang mga tao na umunlad. Dito raw sa atin, pag umuunlad ang tao, hinihila pababa. Nakakatakot mag-negosyo kasi yari ka sa mga "tauhan ng gobyerno.” Pag nakitang namumunga ka, babatuhin ka nang babatuhin hanggang sa malaglag ang mga prutas mo. Walang pinagkaiba kung legal o ilegal ang negosyo mo, maglalagay at maglalagay ka rin sa mga kinauukulan. Bakit ka pa magli-legal???
Hindi na importante kung ano ang negosyo at bayan ng amo ko. Hindi na rin pinag-uusapan dito kung "racist" s`ya o mas maraming kapintasan ang bansa nila. Ang issue dito ay "tayo." Hindi ako naiinis sa mga sinabi n`ya. Naiinis ako dahil TOTOO ang mga sinabi n`ya.
Sa pag-uwi ko sa bahay naisip ko, bakit ang Hong Kong at Singapore, hindi naman gaanong nabiyayaan ng likas na yaman pero maunlad? Bakit ang mga Hapon, bobo mag-English pero mayaman? Sa Pilipinas kahit bawal magtinda sa sidewalk, may nagtitinda. Kahit bawal magtapon ng basura kung saan-saan, meron pa ring tapon nang tapon. Paano pa kaya uunlad ang bansa natin n`yan?
Disiplina lang kaya talaga ang problema sa `tin? Sigurado akong kahit sa mga sandaling `to, may isang Pilipino na bumabasa ng nakasulat dito kahit na sinabi nang bawal ito basahin. Tigas talaga ng ulo!
- Bob Ong, The Philippine Post
May 28, 2000
Siguro alam mo na kung ano ang africhado, kung saan ang Ganges River sa Pilipinas, at kung bakit may mga taong umaakyat ng overpass pero hindi naman tumatawid. Pero alam mo na rin ba kung bakit sa ilalim ng overpass tumatawid ang mga Pilipino? Kung ano ang lasa ng Toning Water? Kung sino sila Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima? Kung paano makipagkaibigan sa mga bangaw? Kung ano ang nagpapaalat sa itlog na maalat? Kung ano ang alam ni Claire Danes na hindi mo alam? Talaga bang "best buy" ang mga Pinay? Pagod ka na bang maging Pilipino? At bakit ka nga pala baliktad magbasa ng libro?
Nang isulat ko ang ABNKKBSNPLAko?! Mga Kwentong Chalk ni Bob Ong, ipinakilala ko sa mga dating mambabasa ng Bobong Pinoy Dot Com ang tao sa likod ng nasabing website. Sa wakas, nasagot na rin ang makulit na tanong na "Taga-U.P. ba si Bob Ong?" ...Yun nga lang, hindi pa rin doon nagtapos ang usapan. Dahil para naman sa mga ngayon pa lang nakabasa ng mga kwentong barbero ni Bob Ong, umikot lang ang tanong sa pinagmulan nito: "Ano ang Bobong Pinoy Dot Com?"
A SEQUEL is needed because a good thing should have a follow-through. So Bob Ong is back with his sequel to "ABNKKBSNPLAko?! (Aba, Nakakabasa na Pala Ako)." "Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?" is a collection of Ong's kuwentong barbero from the "Bobong Pinoy" website. It is a haunting book that every Filipino should read. It takes the reader on a roller-coaster ride of emotions, leaving him annoyed and exasperated, but also determined to make things a little better than they are now.
Carrying this book around for people to see is one thing, but reading it in public is another story. Unless you want to be seen by people reading a book upside-down, I suggest you read it in your own room. But then you will have to explain to your mom why you are laughing so hard.
Nearly everything that is humorous about Filipinos and the Philippines is portrayed in the book. It tests your "Jologs Quotient," or your knowledge of Filipino scientific terms. What is the accurate Tagalog term for electricity, aside from the Spanish-based elektrisidad? It's dagitab. My ignorance makes me feel ashamed.
After reading half of the book, one should not take Bob Ong's silly yaks too seriously. After all, he himself calls them kuwentong barbero. They are small shoddy talks and gossips from several overheard pseudo-intellectual conversations here and there, and from the discussions in his "Bobong Pinoy" website.
However, the concluding part of the book is no longer funny. It recounts the sometimes embarrassing behaviors of Filipinos here and abroad. I got hurt, offended and undeniably upset. And though it is embarrassing to admit that I did cry a little, well I did. Was it shame? Was it pity for my fellow Pinoys? I cannot clearly point out why, but all I know is that what the last, yet best part of the book has to say is no longer funny.
It's no longer amusing how strangers and foreigners describe our people and our country. It's no longer amusing when a lot of educated, more privileged Pinoys describe the future of our country as discouraging, bleak and doomed to failure. It's no longer amusing how we, Filipinos, describe our people and our country. It's no longer funny!
Cowards believe that some things should be left unsaid. But I believe every Filipino should read what Bob Ong and what most "Bobong Pinoys" have to say in this book. They are truths most of us won't even dare to whisper to fellow Filipinos without risking a heated banter. It's not enough that we know and wake up to those shameful realities. We might as well take the challenge Bob Ong left for us at the end of the book.
So what is his answer to his very own question, bakit baliktad magbasa ng libro ang mga Pilipino? Is it because bobo ang Pinoy? Bob Ong never did actually answer this question, but he never implied that it's because we're idiots.
It's because majority of Pinoys haven't read him yet.
-Michelle C. Pino, The Pinoy for Dummies
Inquirer News Service
August 14, 2002
Ilang comments, E-mail, at guestbook entries mula 1998-2001
(Yung iba hindi kamag-anak ni Bob Ong)
Janet Rodriguez:
Na-ulat sa Philippine Daily Inquirer ngayon itong website ninyo. Sinilip ko at napatagal na akong nagbasa! Actually hindi pa nga ako tapos magbasa, pero naisip ko, kailangang malaman ninyo na merong isang taong natuwa at nalibang sa website na ito! If ever I matter ...... But it's really very interesting. Pinagkalat ko na sa mga kaibigan at kamag-anak ko sa states!
Andres Bonifacio:
I guess this web is really great, being recommended to me 100dth time. Keep up the good work. Mabuhay ang Pilipinas, mabuhay ang mga manlilikhang Pilipino.
Emil aka Polgas:
Ok to ah... Ngayon lng ako nakakita ng website na tagalog ang text ah ..tuloy mo yan pare ...lam mo sa dami ng kalaswaan ngayon sa net ..yung site mo na lng yung isa sa mga socially relevant at talagang mauutot ka sa katatawa... More power na lng pare.. Tuloy mo yang maganda at kwelang layunin mo...
Alphonsus C. De alban:
Nabasa ko sa isang article sa Manila Times ang tungkol sa site na ito nung una akala ko puro "toilet humor" ang makikita ko sa site na ito. Nagkamali ako sana wag kayong mapagod. More power ipagpatuloy nyo ang pagiging Bobong Pinoy :)
Tazma:
Kewl....Pinoy na Pinoy! Nawa'y may matutunan ang inyong mga mambabasa. Naisalibro na ba to? Kakandidato ka ba? Nagtatanong lang.
Nique:
Ang lupit, sa totoo lang ngayon lang ako sumulat sa isang guest book, taas ang kamay ko pati na rin paa at kung ano pa man sayo o kung sino man ang bumubuo ng web site na ito. Sana ay pagpalain pa kayo ng nasa itaas, at sa mga napapasyal dito sana ay magising tayo sa totoong nangyayari sa ating bansa, yan ay kung tayo ay tulog ngunit, dadapwat, subalit huwag nating kakalimutang ngumiti dahil yan ang tatak ng isang tunay na Pinoy. Mabuhay ang web site nyo at hanggang sa muli... mabuhay ang Pinoy!
Jojo:
I can’t help coming back on your site. When I first saw it in the newspaper (yung baliktad at tungkol sa sourgraping ninyo on what happened sa Webby Awards), sabi ko, "matesting nga". Ayun, bobo na rin si ako. Hehehe. Anyways, just continue your propaganda. I really enjoy reading your site, keep up the goodwork!!!
Mendz:
Informative, creative, smart (excuse me globe), entertaining, honest, moving, provocative, revealing (excuse me Ina Raymundo), sensible, edible, digestible, intelligent, brave, strong, clear, twisted (excuse me Jessica Zafra), crazy, wild, true, right, Filipino.
Raoul E. Espedido:
Bob, tumanda na ako't lahat pero ngayon lang ako nakatagpo ng mga kasulatang punung-puno ng katotohanan tungkol sa ugaling Pinoy - lalo na mga kabobohan. Putang ina, ang ganda!!! Putris ka, sabik na ako sa susunod na update!!! Walanghiya ka, bilisan mo!!! Hane?
Manggang Matamis:
Nakakatuwa at nakakaaliw and website mo!!! Ang galing mo naman... Kakaiba sa lahat ang style... Unique!!! Sana ay pagandahin mo pang mabuti para hanap-hanapin at balik-balikan ng mga kababayan... Salamat....
Gringo:
Sa totoo lang, tama lahat ang sinabi mo. OK ang web site mo. I hope marami pa ang magbasa nito at sana madagdagan pa ang mga articles na gaya nito. See you again!
Romee:
Sa tingin ko kung hindi ka aktibista eh isa kang journalist. Talagang ang tapang mo. Di ka natatakot sa mga pinagsusulat mo dito. Pero okey, ang ganda ng mga istorya mo dong... keep up the good work! Sana di ka magsawa sa pagsulat ng makabuluhang istorya. Pang Pinoy talaga ang taste mo! Sige basta ba banat ka lang ng banat and I hope na mapansin ito ng buong Pilipinas at gawing kang isang bayani (I wish)! Hehehe
Nina:
The best!!! Ang galing!! Have you read the book "You know you're a Filipino if..."? You could include excerpts from that book! Bagay na bagay sa website mo.
Tequila:
Hayyyyyyy layp! Sa wakas! May naglakas loob ren na gumawa ng ganito! Hanep naman.. Magiging regular visitor na ako dito..*hik* sandaaleeh ha humihikot ata ang keyboard at monitorhh..*hik* kef af da gud work! Este baka nais mong idagdag traffic sign sa may Makati, "No parking at both sides." Eh pare, ano ba namang kotse ang kayang okupahin ang buong daan? Ano yan, tangke? Heniweis sa uulitin *pffft*
Kaye:
Galing!!! Grabe!!! Sumakit yung chan ko non sa kakakatawa ha... thanx for informing me sa update nitong site mo... Ito lang ang pinupuntahan ko eh, pag nag-o-online ako. Galing talaga kasi... nakakaaliw! As in! Galing, galing, galing!!! Sorry kung paulit-ulit, pero super galing talaga... Tsk... Basta! Keep up the excellent work!!!
Ivy Lagman:
This is really good. You get to analyze every little thing about the Philippines and its people. Congratulations on a job well done! I wish I could do what you’re doing. You are very gifted. Enough with the accolades already, you must be feeling "high" right now, but you deserve it!
Michael:
Ang galing na page mo! Right on target ang sinabi mo! Geez! While I was reading, I could not stop laughing... Good luck! And keep up the good work!
Chi Marasigan:
Helloooooo, aliw na aliw ako sa iyong mga pinagsasasabi habang nanananghalian sa office. Ang mga jokes mo ang aking dessert for today. Mabuti na lang nasa luob ng mga kuarto nila ang mga boss ko... baka akalain nalipasan ako ng gutom. Keep up the good work and take care!
Cris:
First of all (for the serious part) I would like to congratulate you for the successful page you've made. I really envy you for being "gifted" enough to turn every filipinos' way of life into something humorous but direct enough to let someone who reads them stop & think about what's going on. Right after i've visited your page, I included you to the likes of Yano, Pol Medina Jr., Jess Abrera, Mon Tulfo, Noli de Castro, & the others who in one way or another bravely(?) faced & challenged (& some even dared) the situations (we filipinos are facing everyday) & the people behind them (the corrupt officials, the goons, the th actors & actresses, the magnanakaws, the manyakis, etc).
Esc-m:
Hello Bob Ong, I even kiss my hubby when he showed me your site. Ang galing ng website mo! Super... Super talaga, kung may mighty Erap dapat may super Bob Ong rin (at ikaw yon!). Just continue your good work, reading your webpage is one of our means to be with our fellow filipinos, bobo man o hindi.
Noemi:
Did anybody tell you you are the best??? You are the best... keep up this funny, interesting website. More power.
Jameel Christopher Aquino:
Tunay na masaya at makatotohanan ang inyong lugar. Ako ay sadyang nabighani sa taglay ninyong kagalingan sa pagpili ng mga kasaya-sayang mga salita. Salamat at nahanap ko ang lugar ninyo para maiba naman ang pinupuntahan ko. Nakakasawa na kasi ang Persian Pussy eh! Anyways, magaling kayo. Iba ka talaga Pinoy!
Bongie:
Hay naku... Ewan ko ba kung bakit karamihan sa atin e balat sibuyas natotorete ang utak (kung meron man) sa salamin ng katotohonan sa lipunan.. Nagagalit pagsinabihan ng bobo.. Kasi totoo naman! Ang matinong tao, pag-katotohanan ang pinag-uusapan, ay di makuhang magalit! D ba d truth will set us free, ika nga. More power ha!!!
Ramon:
This is so cool man, you never fail to make me laugh, hope you could give a talk somewhere someday somewhen, (hmmmm kanta yun ah) anyway, I hope I can meet the man behind this website. One day... Later.
Bitoy:
Nice page. Ingles yon ah, galing mo, Bob. Kip ap da gud work. Dagdagan mo ng marami pang articles, nakakaadik ang site mo eh. Hehehehe! Lol!
Tantan:
Tangina, ok tong ginawa mo. Dapat lang na malaman natin, ng nakakarami ang mga katangahang nangyayari sa lipunan. Nagbubulagbulagan kasi tayo sa mga katotohanan. Hindi tayo umuunlad, katunayan walang nangyayari sa lipunan natin.
Mackoy:
Ala lang... Trip ko lang talaga ang mga website na ganito... Bilib kasi ako sa mga taong walang takot sa pagsasabi ng katotohanan... Kesa sa mga taong makikitid ang utak... Di porke't Pinoy rin sila eh dapat na natin silang kampihan... Mas masakit ang masabihan ng hindi mo kabayan... Kasi pagganon na aakalain nila lahat ng Pinoy eh bulok... Bob, ala bang libreng ballpen? Hehehe...
Radialspangle:
Nalaman ko ang website mo sa isang kasama sa trabaho na kailan man hindi ko naisip na makakaya niyang mapansin ang "katalinuhan" ng mga artikulo at kung ano ano pang pueding basahin sa mga pages mo. Kung minsan mahirap sikumurain ang katotohanan, pero kailangan ipa-mukha ito sa ating mga kababayan upang magising na! Gusto ko lang ipaabot ang pagka-bilib ko sa site na ito. Itaguyod mo ang integridad na nasimulan nito. Mabuhay ka, Bobby Ong!
Rabeberna:
To Bob Ong, hi there! Isa ako sa mga milyon-milyon mong readers (naks parang totoo ah!) Bilib ako sa mga point of views mo, at hanga sa mga sinusulat mo. Pero mukhang last issue nyo na ata ngayon. Sana h'wag naman kasi bukod sa nakakatuwa eh! At the same time naliliwanagan pa ang mga katulad kong bobo. Well kidding aside, I want to congratulate u and all the people behind the success of Bobong Pinoy. More power to all of u.
“Tutok sa kabobohan ng Pinoy... institution na ang BP.”
- Gerry Kaimo, PLDT.com
“If there is such a thing as a site for the masa, bobongpinoy.com could be a good candidate.”
- Joel D. Pinaroc, Philippine Daily Inquirer
“A website proudly Filipino in content and style.”
- Benjie Villa, The Philippine Star
"The most fun I have reading the sad and honest truth!"
- Karen Kunawicz, writer/tv host
“One of my favorite sites... a Best of Cyber Pinoy selection...”
- Ken Ilio, Filipinolinks.com
“No-holds-barred, hemlock-laced, hilariously scathing humor... Pinoy satire at its best.”
- Gibbs Cadiz, The Manila times