SI ANNE NG GREEN GABLES
I. Awtor
Si Lucy Maud Montgomery ay isang kilalang manunulat sa Kanadyanong may mga pinagmulan sa Scotland na kinilala sa kaniyang mga serye ng mga nobela na nagsimula pa noong 1908 sa akdang Anne of Green Gables na isa sa mga sumikat niyang akda. Isinilang siya noong Nobyembre 30, 1874 sa Clifton, Prince Edward Island, Canada. Lumaki siya na kasama ang kaniyang lolo at Lola sa Cavendish, Prince Edward Island. Noong 1911 ikinasal siya kay Reverend Ewen Macdonald at nagkaroon ng tatlong anak. Noong 1942 namatay si Montgomery sa Toronto at inilibing sa Cavendish.
Si Lucy Maud Montgomery ay nagsimula magsulat ng "Anne of Green Gables" matapos niyang mabasa ang isang tala sa kanyang journal tungkol sa isang mag-asawang magsasaka na nagkamali sa pagpapadala ng batang babae sa halip na batang lalaki mula sa isang bahay ampunan. Ang ideyang ito ay nag-udyok sa kanyang imahinasyon at nagbigay inspirasyon sa kanya na isulat ang kwento ni Anne.
II. Uri ng Panitikan
Ang Anne of Green Gables ay isang halimbawa ng nobelang pampanitikan o nobelang pambata. Nasabi ko ito dahil sa mga sumusunod na katangian:
- Mahabang salaysay: Mayroon itong malawak na kuwento na sumasaklaw sa paglaki ni Anne at sa kanyang mga pakikipagsapalaran. Hindi ito isang maiksing kwento.
- Pag-unlad ng tauhan: Ang kwento ay nakatuon sa pag-unlad ni Anne bilang isang tao. Nakikita natin ang kanyang pagbabago mula sa isang masigla at imahinatibong bata hanggang sa isang responsableng babae.
- Malikhaing pagsasalaysay: Gumagamit ito ng malikhaing wika at mga imahe upang mailarawan ang mga pangyayari at damdamin. Ang istilo ng pagsulat ay nagbibigay buhay sa mga tauhan at sa kanilang mundo.
- Temang pang-adulto: Bagamat isang nobelang pambata, tinatalakay din nito ang mga temang pang-adulto tulad ng pag-ibig, pagkakaibigan, pagkawala, at paghahanap ng sarili.
- Komprehensibong balangkas: Ang kwento ay may malinaw na simula, gitna, at wakas, na may mga pangyayaring magkakaugnay at nagtutulungan upang mabuo ang kabuuan ng kuwento.
Dahil sa mga katangiang ito, masasabi nating ang Anne of Green Gables ay isang nobelang pampanitikan na may apela rin sa mga bata dahil sa nakakaengganyong kuwento at mga tauhan.
III. Buod
Sa munting bayan ng Avonlea, ang magkapatid na sina Matthew at Marilla Cuthbert ay napag-isipang kumupkop ng isang batang lalaki. Ito ay upang may makatulong sila sa Green Gables, ang kanilang lupaing sakahan. Isang araw, sa hindi inaasahang pangyayari nang tumungo si Matthew sa estasyon ng tren upang salubungin ang ipinadalang batang lalaki, hindi inaasahang batang babae ang kaniyang natagpuan sa halip na lalaki. Napagpasyahan niya na iuwi na lang ang bata at kausapin ang kapatid niyang si Marilla tungkol sa hindi sinasadyang pagkakamali ng bahay ampunan. Habang nasa daan pauwi, tila gumaan na ang pakiramdam ni Matthew sa madaldal at palatanong batang na nangangalang si Anne Shirley. Subalit sa pagdating naman nila sa Green Gables, hindi nagawang itago ni Marilla ang pagkagulat at ang halong pagkadismaya nang makita niyang batang babae ang kasa-kasama ng kaniyang kapatid. Nang malaman ni Anne na hindi siya ang inaasahang aampunin ng magkapatid, tumangis ito dahil sa labis na lungkot. Sinubukan ni Marilla na ibalik sa bahay ampunan si Anne ngunit sa huli ay nahulog na rin ang loob at napamahal na kay Anne sa mga sandaling tumira siya sa tahanan ng magkapatid, kaya tuluyan na nilang kinupkop si Anne. Nakatulong din ang pangungumbinsi ni Matthew kay Marilla sa pananatili ni Anne sa piling nila sa kondisyon na hindi siya makikialam sa pagpapalaki ni Marilla kay Anne. Si Anne ay mayroong katangiang madaldal, masiyahin at batang may malaking imahinasyon ngunit kulang sa kaalaman sa mga mabubuting-asal. Hindi siya marunong manalangin, dahil nga sa pagkakataong ito, napagtanto ni Marilla na dapat niyang ipadala si Anne sa isang paaralan. Dito niya nakilala ang matalik niyang kaibigang si Diana Barry pati na rin ang lagi niyang kinaiinisang si Gilbert Blythe.
May panahong hindi pinayagang makipag-kaibigan si Diana ng kaniyang ina kay Anne dahil sa mga hindi sinasadyang nagawa nito. Isang tanghali, nang inimbitahan ni Anne ang kaniyang kaibigan, nabigyan niya ito ng alak imbis na inuming raspberry. Napatawad at nabalik naman muli ang tiwala ng ina ni Diana kay Anne nang mailigtas nito ang buhay ng isa pa niyang anak nang magkasakit ito.
Si Gilbert naman ay ang kina-iinisang kamag-aral ni Anne. Inaasar siya nito palagi, pagkat kaniyang hinihila ang tali ng buhok ni Anne at tinatawag pa niya itong ‘Carrots’. Sensitibo si Anne sa kaniyang buhok sapagkat ito ang sa tingin niyang nagpapapangit sa kaniyang itsura.
Si Gilbert at si Anne ay kapwa matatalinong mga estudyante. Sila ay palaging magkatunggali sa paaralan at parehas din naman nilang nakukuha ang unang karangalan. Sa katunayan, nang sila ay kumuha ng pagsusulit upang makapasok sa Queen’s Academy, pareho nilang nakuha ang pinakamataas na marka.
Sa pagdating ng pagtatapos ng kanilang pag-aaral sa Queen’s Academy, iniisip ni Anne na ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral sa Redmond College. Subalit dahil pumanaw si Matthew sa atake sa puso at sa tuluyang paghina ng mga mata ni Marilla, naisipan ni Anne na magturo na lamang siya upang kaniyang maalagaan ang nag-iisang si Marilla. Kagustuhan sanang magturo ni Anne sa Avonlea ngunit ito ay nakatalaga na kay Gilbert. Pero nang malaman naman ni Gilbert ang nangyari kay Anne at ang kagustuhan nitong magturo sa Avonlea, pinaubaya na lang niya kay Anne ang paaralang kaniyang dapat na turuan. Sa ginawang ito ni Gilbert, siya ay napatawad na ni Anne upang magkabati na at nagdulot ng isang napakagandang pagkakaibigan.
IV. Paksa at Tema
- Ang paksa ng "Anne of Green Gables" ay ang coming-of-age story ni Anne Shirley, isang batang ulila na napagkamalan na ipinadala upang manirahan kasama ang isang nakatatandang kapatid na lalaki at babae sa Prince Edward Island.
- Ang tema naman ng "Anne ng Green Gables" ay nakasentro sa ideya ng personal na paglago at pag-unlad. Sa kabuuan ng kuwento, si Anne ay nag-mature at natututo ng mahahalagang aral sa buhay tungkol sa pagkakakilanlan sa sarili, pagkakaibigan, pag-ibig, at pagtitiyaga. Itinatampok din ng kuwento ang kahalagahan ng pamilya, komunidad, at kapangyarihan ng imahinasyon.
V. Tauhan
Anne Shirley
Ang hindi inaasahang babaeng inampon nina Matthew at Marilla. Si Anne ay pials na matalino at mayroong angking kagandahan.
Gilbert Blythe
- Ang karibal ni Anne mula sa kanilang klase at nanunudyo sa kanya.
Matthew Cubert
- Ang may edad na tauhang nais mag-ampon sana ng lalaki, ngunit isang batang babae ang dumating sa kanya.
Marilla
- Ang kapatid ni Matthew na nag-alaga rin kay Anne.
Diane
- Isa sa mga matatalik na kaibigan ni Anne.
VI. Tunggalian
Si Anne Shirley, ang bida ng Anne of Green Gables, ay nahirapang itugma ang kanyang imahinasyon at romantikong mga paniniwala sa mahigpit na "social norms" ng konserbatibong lipunan ng Avonlea dahil sa pagkakaiba sa pagitan ng kanyang personalidad at mga kaugalian at tradisyon ng komunidad. Si Anne ay isang indibiduwal na malikhain at maraming pangarap, patuloy na gumagawa ng mga kuwentong haka-haka at nakakahanap ng kagandahan sa mundo. Sa kabaligtaran, pinahahalagahan ng lipunan ng Avonlea ang pagiging praktikal, kahinhinan, at pagiging masunurin. Ang kanyang mga kakaibang ugali ay madalas na tila walang kabuluhan o hindi tama para sa mas matanda, mas karaniwan sa mga taong-bayan. Ang paghihirap ni Anne ay nagmula sa pangangailangan na manatiling tapat sa kanyang sarili habang sumusunod sa mga "social norms" na sa simula ay hindi nauunawaan ang kanyang personalidad. Ito ay sentro sa kanyang pag-unlad at ang kagandahan ng nobela.
VII. Simbolismo at Tayutay
• Pagmamalabis
"Ang pagbaha ng labis ng emosyon at pagdadalamhati ni Marilla na hindi inaasahan sa isang tulad niyang malamig at kontrolado ang emosyon kaysa sa tahimik na pagdadalamhati ni Anne", ang sambit ni Diana sa kaibigan niyang nalulungkot pa rin sa pagkawala ni Matthew. Ang salitang "pagbaha ng labis ng emosyon at pagdadalamhati" ay isang uri ng tayutay na pagmamalabis.
• Personipikasyon
"Hindi ako masasaktan ng aking nga luha" , ito ay isang uri ng tayutay na personipikasyon dahil sa pagbibigay buhay sa isang bagay na wala namang buhay tulad nito, binigyang buhay ang luha na hindi siya kayang saktan nito.
• Pagtanggi
"Hindi ako natatakot", iyan ang saad ni Anne kay Diana. Ditong bahagi ay gusto lamang ni Anne na mapag-isa pagkatapos na pagkamatay ni Matthew. Pagtanggi ni Anne na hindi siya natatakot.
• Pagtutulad
"Huwag mo sanang isiping hindi kita minahal na tulad ng pagmamahal sa iyo ni Matthew", ito ang naging saad ni Marilla kay Anne na siyang inihahalintulad niya ang pagmamahal niya kay Anne sa pagmamahal rin ni Matthew kay Anne.
VIII. Aral
Ang Anne of Green Gables ay isang kuwento na nagtuturo ng mahahalagang aral sa buhay tulad ng pagpapahalaga sa positibong pananaw, kahit na sa gitna ng mga pagsubok at pagkatalo. Ipinapakita nito na ang mga pagkakamali ay hindi hadlang sa paglago, kundi isang pagkakataon para matuto at magbago. Ang karakter ni Anne ay isang halimbawa ng katapangan at determinasyon na mangarap at magsikap para sa mga pangarap, kahit na may mga hamon sa daan. Bukod dito, itinuturo rin ng kuwento ang kahalagahan ng edukasyon at ang walang kapantay na halaga ng mga relasyon sa pamilya at mga kaibigan, na siyang nagbibigay ng lakas at suporta sa kabila ng lahat ng paghihirap. Sa kabuuan, ang kuwento ay nagpapakita ng isang masayang paglalakbay ng pagkatuto, paglago, at ang pagtanggap sa sarili, na nagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng mga mambabasa.
IX. Mga Realidad sa Lipunan
Responsibilidad sa Pamilya Ipinapakita sa kabanatang ito ang malalim na tungkulin ni Anne na alagaan si Marilla matapos ang pagkawala ni Matthew. Inilalarawan ang pananagutan ng isang tao sa pamilya, na madalas ay isinasabuhay sa mga tradisyunal na kultura.
Pakikipagkapwa at Komunidad Ipinapakita rin dito kung paano ang suporta ng mga kapitbahay at kaibigan ay mahalaga, lalo na sa mga sitwasyon ng krisis. Ang pagbibigayan at pagkakaisa ay sumasalamin sa mga makataong aspeto ng isang lipunan.
Ang Pag-ampon ni Matthew. Marami sa mga magulang ngayon ay umaampon dahil maaring may komplikasyon. Sa pamamagitan ng pag ampon, nabibigyan ng mga tahanan ang mga nawalan ng magulang at nagkakaroon ng "Parental Figures".
X. Mga Pandulog o Pananaw
Moralistiko
-Sa kwento makikita natin na si Marilla ay tinuturuan si Anne kung paano umasal at ipinasok niya rin ito sa Sunday School upang ito ay matuto tungkol sa relihiyon.
Sikolohikal
- Si Anne ay malayang ipinapahiwatig ang kanyang damdamin, katulad na lamang noong pinuna siya ni Ginang Lynde, siya at gumanti at naniniwalang tama ang kanyang ginawa.
Imahismo
- Ginamit ang imahismo sa pamamagitan ng paglalarawan kay Anne at sa kanyang mga pisikal na katangian.
Humanismo
- Binigyan pansin na kahit kakaiba si Anne sa karaniwang bata, siya ay minahal at inalaagaan pa rin siya ng tunay nina Matthew at Marilla.
Feminismo
- Sa una ay hindi tanggap nila Matthew at Marilla si Anne dahil siya ay babae, ang sabi nila ay wala raw itong maitutulog sakanila kaya't mas gusto nila ang lalaki. Ngunit, si Anne ay lumaki bilang isang babaeng may paninindigan at may ipagmamalaki
Eksistensiyalismo
- Si Anne ay naiiba sa mga kababaihan sa panahon niya, siya ay gumaganti at hindi nagpapa-api
Realismo
- Ang kwento ni Anne ng Green Gables ay malapit sa totoong buhay, may nangyayari hindi pagkakaintindihan, sigalot, kasiyahan, at kalungkutan.