Ang kalayaan ay maaaring limitado ngunit kung iisipin mo ay ito ay panghabangbuhay. Ito ay isang regalo mula sa itaas na kung saan ang mga bagay na ginagawa natin at gustong gawin ay walang limitasyon, tayo ay mayroong karapatang gawin ang kahit anumang gusto natin at hindi lamang kalayaan natin ang nararapat nating isipin maging ang karapatang kalayaan ng iba na dapat nating bigyan ng halaga upang tayo rin ay mabigyan ng kagalangan at halaga sa ating mga ginagawa.Â
Ang pananaw ko sa kalayaan bilang kabataan ay isang napakahalagang usapin pagkat napapaloob dito ang pagpili ng sariling desisyon at malayang pagpapahayag ng ideya at saloobin. Para sa mga ibang kabataan ang kanilang deskripsiyon sa kalayaan, kaya nilang magtakda ng sariling landas sa kanilang sariling pamumuhay gaya sa usapin ng edukasyon, relasyon o di kaya'y sa mga munting bagay na kinakailangang pagdesisyunan. Bilang kabataan napakahalaga ang pagiging mulat at malayang paghahayag ng mga opinyon sa iba't-ibang isyu sa realidad ng ating buhay tulad ng politika at lipunan, na ang layunin ay mabigyan ng pansin at marinig ang mga boses mula sa mga kabataang tulad natin.