"Kalayaan: Pribilehiyo o Karapatan?"
Ano ba ang kalayaan? Isa ba itong bagay na nakukuha natin, o isang bagay na nasa atin? Bago ko sagutin iyan, talakayin muna natin kung bakit ba ito nagiging pribilehiyo o karapatan. Paano ito nagiging pribilehiyo? Isa riyan ang mga sistemang itinatayo ng lipunan na minsan ay na mayroon sa pamilya, relihiyon, batas, ekonomiya, at antas ng pamumuhay. Isa pa ay ang economic at social inequalities. Madalas itong makikita sa mga kasarian gaya ng "patriarchy" o paniniwalang mas mataas ang mga lalaki kaysa sa mga babae. Hindi naman mawawala ang isa sa pinakamalaking dahilan mung bakit nagiging pribilehiyo na lamang ang kalayaan, at iyon ay ang mga global conflicts at ang kondisyonal na kalayaan. Isang halimbawa nito ay isang bansang nasa mga digmaan o mga kaguluhan sa kanilang mga bansa. Ang digmaan ay ang pinakamalaking dahilan ng pagkawala ng kalayaan, at minsan ay para sa kalayaan, gumagawa pa sila ng mga bagay na nakasasama o delikado sa kanila. Gaya na lamang ng mga "comfort women" noong panahon ng digmaan sa pilipinas.Â
Ngayon naman ay pag usapan natin kung bakit ito nagiging karapatan. Noong nakaraang mga dekada, o siglo, ay nakapagtatag tayo ng mga batas at mga "societal structures" na siyang nakatulong sa atin upang makamit ang ating kalayaan. Dahil na rin sa pagiging matapang natin ay nagkaroon tayong mga Pilipino ng kalayaan sa ating bansa. Ang kalayaan natin ay isang bagay na nakapaloob na sa ating "human nature" ika ng mga pilosopo gaya nina John Locke at Immanuel Kant. Ang kalayaan ay itinuturing na isang karapatan dahil ito ay saligan sa dignidad ng tao, pagkakapantay-pantay, at kakayahang mamuhay ng isang kasiya-siyang buhay. Ang pagtanggi sa kalayaan ay lumalabag sa mga etikal na prinsipyo ng paggalang, dignidad, at pagiging patas. Ang pagtrato sa kalayaan bilang isang karapatan ay tumitiyak na pinahahalagahan at pinoprotektahan ng mga lipunan ang mga prinsipyong ito.
Kung ako ay inyong tatanungin kung ano ang kalayaan, isa lang ang aking masasabi riyan. Ako ay naniniwalang ang kalayaan sa kasalukuyan ay nagiging isang pribilehiyo na lamang sa iba't ibang aspekto ng buhay. Para sa akin ay ang kalayaan ay dapat na maging isang karapatan nating lahat. Kaya't tayo ay dapat magtulong-tulong upang ang kalayaan na kasalukuya'y isang pribileyo ay maging karapatan ng bawat tao sa buong mundo.