Ang kalayaan ay may iba't ibang kahulugan. Hindi lamang ito sumisimbolo sa isang bagay, ngunit ito ay malawakan at mahirap intindihin.
Sa aking labinlimang taong pamumuhay, naramdaman ko nang mawalan at mabigyan ng kalayaan. Ngunit, ang kalayaang ito ay maikli lamang sapagkat kung ika'y bata pa "mangmang" kapa. Isa sa aspekto ng aking buhay na labis na naapektuhan ng kalayaan ay ang paglathala ng aking saloobin, kailangan kong maging mausisa sa aking pananalita lalo na't madali kang ma "label" ng kung ano anong bagay, kahit gusto ko ng sabihin kaylangan ko pa ring pigilan ang aking sarili dahil sa takot, takot na patuloy pa ring naninirahan sa aking utak.
Sa nagdaang buwan, natututunan ko na may iba't ibang pananaw ang bawat isa tungkol sa kalayaan. Ito'y isang bagay na labis na makamit ng lahat, pati na rin ako, ngunit bakit nga ba? Marami saatin ang gustong malaya sa pisikal o sikolohikal na parte ng ating buhay dahil sa simple bagay, katahimikan. Napakaganda, hindi ba? Malaya kang gawin ang gusto mo, malaya ka sa masasamang isipan, na tila bang tahimik na ang buhay mo. Ngunit, upang maging tunay na malaya kailangan natin isakripisyo ang ating sarili, ating isip, at ating buhay, hindi literal na sakripisyo, kumbaga babaguhin mo ang lahat upang makamit ang kalayaang 'yon.Â
Yin at Yang, Kalayaan at Pagkabihag. Dalawang magkasalungag na bagay, ngunit sa ilang paraan ay magkatulad. Kung tayo'y napagod na sa pagiging malaya, ang ating pahinga ay ang pagkabihag sa ating damdamin na kung saan tayo'y malaya ring nakararamdam ng iba't ibang bagay.