Paghikayat sa mga Mag-aaral Tungo sa Kursong Nursing
Paghikayat sa mga Mag-aaral Tungo sa Kursong Nursing
Larawan mula sa: https://primer.com.ph/study/list-top-medical-schools-in-the-philippines
Sa Kamay Ng Isang Mag-Aaral: Isang Impormatibong Sanaysay Sa Mga Salik At Hakbang Upang Pukawin Ang Interes Ng Mga Mag-Aaral Sa Kursong Nursing
Sa kabila ng mga pagtuturing na ibinibigay sa ating mga nars, nananatili sila bilang mga indibidwal na nadedehado sa maraming aspeto sa kabila ng kanilang serbisyo para sa ating bansa. Katulad ng marami pang mga manggagawa, nagtatrabaho sila para sa iba’t ibang gawain na nangangailangan ng kasanayan sa panggagamot at pangangalaga. Sila rin ay mga manggagawang mayroong buwanang sahod na maaari pang mapasailalim sa mas maraming trabaho. Bilang resulta, sa kabila ng kanilang propesyunal na sahod, kadalasan ay wala silang striktong oras ng trabaho na maaaring umabot sa paghigit sa oras ng pagtatrabaho nang walang karampatang bayad (Stanford, 2008, p. 248). Sa taon ng 2024, umabot na sa 36,000 libong piso ang buwanang sahod ng mga nars sa mga pampublikong hospital sa bansa, alinsunod sa Philippine Nursing Act of 2002. Ito ay upang masuportahan ang mga nars sa serbisyong ibinibigay nila at panatilihin ang kalidad ng pangangalagang pangkalusugan sa bansa.
Ang Mga Nars Para Sa Ekonomiya
Bilang mga manggagawa pa rin, ang kanilang pagtatrabaho ay nakadirekta sa mga institusyong kanilang pinagtatrabahuhan, lalo na sa mga employer. Ang mga employer, mga pampublikong hospital na pinamamahalaan ng Kagawaran ng Kalusugan, ay namumuhunan sa sistema ng pangangalagang pangkalusugan upang pagbutihin ang antas ng pagtatrabaho o pagsisikap ng manggagawa, o nars, sa oras ng trabaho (na tinatawag na labor intensity) at nang pagsumikapan ng manggagawa ang bawat oras ng trabaho na mayroong karampatang suweldo. Sa kabilang banda naman, ang pagtatrabaho ng mga nars ay hindi lamang para sa pampinansyal na aspeto. Nagkakaroon din ng kabuluhan ang isang trabaho dahil sa oportunidad upang maging malikhain at makipag-ugnayan sa ibang tao, lalo na kung komportable at maraming oportunidad ang matatagpuan ng tao rito. Nakatutulong ito sa pagtanaw sa sarili at kalusugan ng isip (Standford, 2008, p. 156).
Demand Para Sa Mga Nars at Salik Sa Desisyon
Dala ng patuloy na pagtaas ng populasyon at pag-unlad sa medisina at teknolohiya na mas mataas kaysa sa karaniwang istatistika sa ibang trabaho, patuloy rin ang pagtaas ng demand para sa mga nars. Nagbubukas ito sa maraming posisyon na nagbibigay ng stabilidad at kasiguraduhan para sa mga nagnanais maging nars, na nagsisilbi bilang isang panghihikayat sa mga mag-aaral sa kursong nursing. Gayunpaman, ang mga salik na nakaaapekto sa desisyon na ito ay nahahati sa mga karaniwan at hindi pangkaraniwang. Ang mga karaniwang salik ng interes ng mga mag-aaral sa kursong nursing ay ang mismong nursing, pagkakataong umunlad, responsibilidad, tagumpay, at pakikisalamuha mula sa kurso. Hindi naman karaniwan ang mataas na sahod, advancement, at kondisyon sa trabaho. Ipinapakita nito na nagmumula sa tunay na hangarin upang magsilbi ang nagtutulak sa mga mag-aaral sa kurso (Fontanilla et al., 2023).
Mga Migrant Institution at Iba Pang Impluwensya Sa Mga Mag-Aaral
Mahalagang maunawaan naman ang ugnayan ng mga polisiya ng gobyerno sa migrasyon at ang sistema ng mas mataas na antas ng edukasyon sa Pilipinas, partikular na ng mga mayroong programang nursing. Ang edukasyong ibinibigay sa mga nars ay alinsunod sa mga pangangailangan ng mga dayuhang employer, kung saan ay mga pribado at pampublikong institusyon ay sinasang-ayon ang pamamaraan ng pagtuturo at kurikulum upang mas maging angat o lamang ang mga magtatapos sa pandaigdigang kalakalan. Nagmimistulang “migrant institutions” na ang ilang mga institusyon para sa nursing sa bansa dahil sa estilo ng mga programang nursing na naglalayong makapagpatapos ng mga mag-aaral na handa para sa pangingibang-bansa sa tulong ng panghihikayat ng mga Pilipinong magulang sa kanilang mga anak na mag-aral ng nursing para sa mga oportunidad na mag-ibang bansa sa kanilang pagtatapos. Ginagamit ng mga pribadong institusyon ng demand na ito upang lumikha pa ng mas maraming programa sa nursing (Ortiga, 2014).
Ang Paglisan at Pagtugon
Naitala noong 2023 na nasa 127 000 ang bilang ng mga nars sa bansa at inaasahang magiging 250 000 sa 2030. Ang pagliit ng bilang na ito ay nagmula sa pandemyang Covid-19. Bago ang pandemya, nakasasabay ang bilang ng pagpasok ng mga nars sa mga umaalis sa serbisyo. Subalit sa pagdating ng pandemya, nangamba na ang mga nars sa banta ng sakit kaya’t marami na ang mga umalis. Nang magbukas na ang mga border, maraming mga bansa ang nanghihikayat sa mga nars sa Pilipinas na magtrabaho tulad ng mas mataas na sahod, mga benepisyo, at kondisyon sa kanilang mga visa. Bilang pagtugon, pinagbawalan muna ang pag-alis ng mga nars sa bansa at inilunsad ng gobyerno ang Clinical Care Associate Program noong 2023 kung saan ay maaaring tanggapin ang mga nagtapos sa nursing school kahit hindi pa nila nakukuha ang board exam. Sa pangunguna naman ng mga hospital, inilunsad ang Positive Practice Environment na mayroong limang (5) isinusulong para sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga nars sa bansa na maaaring makapanghikayat ng mga mag-aaral sa kursong nursing (Hospital Management Asia, 2024).
Limang (5) Positive Practive Environment Para Sa Mga Nars
Una, sa pagpapaunlad at pagpapahalaga sa sarili, maaaring maisulong ang propesyonal na awtonomiya at pagbutihin ang career development ng mga nars. Ikalawa, sa panghihikayat na manatili sila sa kanilang trabaho at bansa, maaaring makapagbigay ng balanse sa trabaho at personal na buhay. Ikatlo, sa pagbibigay ng suporta sa mga pagbabago, maaaring magkaroon ng mga pagpapabuti sa ilang mga polisiya na namamahala sa pagtatrabaho ng mga nars. Partikular na rito ang kanilang mga iskedyul at shift na 8 hanggang 12 na oras. Sa isang pag-aaral dito na nilahukan ng mga nars mula sa mga pribado at pampublikong hospital, nakadepende sa isang nars ang kaniyang sa iskedyul na ito na naaapektuhan ng kaniyang mga pangangailangan. Ikaapat, sa pagbibigay ng edukasyon at pagsasanay, maaaring makapagbigay ng mga oportunidad kung saan ay malilinang nila ang kanilang mga kaalaman at kasanayan sa nursing. Huli, sa pagpapanatili ng mabuting kalusugan, maaaring makapagtakda ng mga polisiyang makabubuti para sa kalusugan naman ng mga nars (Hospital Management Asia, 2024; Malaya Business Insight, 2023).
Mga Pag-Aksyon Para Sa Kapakanan Ng Mga Nars Sa Bansa
Mga hakbang na maaaring isagawa ayon sa limang (5) isinusulong para sa pagpapabuti sa kalagayan ng mga nars sa bansa na maaaring makapanghikayat ng mga mag-aaral sa kursong nursing:
Pagpapatupad sa nurse-to-patient ratio na 1:15 upang makaiwas sa kakulangan sa atensyon at pangangalaga na maibibigay ng nurse kung saan ay maaapektuhan ang kalidad ng serbisyong kaniyang maibibigay sa kaniyang pasyente.
Pagkuha sa mga nars o iba pang mga propesyunal sa pangangalagang pangkalusugan sa mga permanenteng posisyon sa Kagawaran ng Kalusugan. Magreresulta ito sa mas maraming trabaho para sa mga nars, lalo na sa mga tungkulin kung saan ay malaki ang bigat ng kanilang opinyon o kaalaman, lalo na sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan sa publiko.
Pagdagdag sa bilang ng mga regular na posisyon para sa mga nars bilang pagtugon sa dumadaming populasyon sa bansa.
Pagbibigay ng allowance upang makabili ng sariling scrubs at iba pang personal na kagamitan, tulad ng oximeter, stethoscope, at sapatos. Ito ay upang mabawasan ang mga gastos ng mga nars sa bansa na dadagdag pa sa kanilang gastusin para sa pagkain, transportasyon, at bayarin sa bahay.
Pagbibigay ng subsidiya kung saan ay maaaring paunlarin pa ng mga nars ang kanilang kaalaman at kasanayan sa pamamagitan ng edukasyon o karagdagang mga degree.
Pagdagdag sa mga araw ng pagliban at overtime ng mga nars nang may karampatang bayad.
Pagtatayo ng mga gusali na maaaring tirahan ng mga nars malapit sa kanilang mga hospital upang makabawas sa iba pa nilang gastusin.
Pagtatatag ng mga hospital ng carpool o shuttles para sa mga nars upang makabawas sa kanilang gastusin sa transportasyon.
Pagbibigay ng pension o retirement fee para sa mga nars na lalabas na sa kanilang larang matapos ang ilang dekadang serbisyo.
Pagbuo ng mga organisasyon ng mga nars kung saan ay binibigkis sila ng adbokasiya para sa pagpapabuti ng kalagayan ng kanilang larang, o pagsuporta sa mga umiiral nang mga organisasyon ng mga nars, katulad ng Philippine Nurses Association (PNA), Occupational Health Nurses Association of the Philippines (OHNAP), at Philippine Oncology Nurses Association (PONA).
(Alibudbud, 2023; Kingma, 2003; Malaya Business Insight, 2023)
Mga Sanggunian
Alibudbud, R. (2023). Addressing the Burnout and Shortage of Nurses in the Philippines. SAGE Open Nursing, 9, 23779608231195737. https://doi.org/10.1177/23779608231195737
Asia, H. M. (2024, March 27). Tackling the ‘nursing exodus’ in the Philippines. HMA. https://www.hospitalmanagementasia.com/talent-skills/tackling-the-nursing-exodus-in-the-philippines/
Ateneo school of medicine and public health. (n.d.). CareerMantra. Retrieved December 5, 2024, from https://careermantra.org/home/details/476/ateneo-school-of-medicine-and-public-health
Buna, B. J. (2023, January 17). Mga nursing students sa bansa, kinukuha ng mga foreign countries. Bombo Radyo News. https://www.bomboradyo.com/mga-nursing-students-sa-bansa-kinukuha-ng-mga-foreign-countries
Clapper, J. (2023, January 9). How to be discerning. Boundless. https://www.boundless.org/faith/how-to-be-discerning/
CLMMRH Chief Nurse Represents DOH Hospitals’ Stance on Nursing Shift Hours in Public Consultation. (n.d.). Retrieved December 5, 2024, from https://clmmrh.doh.gov.ph/2023/10/01/clmmrh-chief-nurse-represents-doh-hospitals-stance-on-nursing-shift-hours-in-public-consultation/
Dayrit, M., Lagrada, L., Picazo, O., Pons, M., & Villaverde, M. (2018). The Philippines Health System Review. https://iris.who.int/bitstream/handle/10665/274579/9789290226734-eng.pdf
Fontanilla, D. M., Rebollido, C., Monterde, A., Anacito, M., Algar, C., Dela Cruz, J., Herrera, M., Palcon, M., Lim, A., & Apolinar, H. (2023, August). REASONS FOR THE CHOICE OF NURSING AS A CAREER AMONG STUDENTS IN A PRIVATE UNIVERSITY IN MANILA, PHILIPPINES. https://www.journalijar.com/uploads/65001c6b374ca_IJAR-44251.pdf
Kingma, M. (2003). Economic incentive in community nursing: Attraction, rejection or indifference? Human Resources for Health, 1, 2. https://doi.org/10.1186/1478-4491-1-2
Malaya Business Insight. (2023, August 15). DOH reviews policy on nurse shifting schedule. Malaya Business Insight. https://malaya.com.ph/news/doh-reviews-policy-on-nurse-shifting-schedule/
Mangaluz, J. (2024, February 23). 300 nursing graduates hired to fill nurse gap, says Palace advisory council. INQUIRER.Net. https://newsinfo.inquirer.net/1908916/300-nursing-graduates-hired-to-fill-nurse-gap-says-palace-advisory-council
Official website: Philippine nurses association, inc. (n.d.). Retrieved December 5, 2024, from https://pna-ph.org/
Philippine oncology nurses association, inc. (n.d.). Retrieved December 5, 2024, from https://ponaph.com/