Para sa mga nawalan, nasira, o kailangang palitan ang lumang Senior Citizen ID. Ang bagong ID ay ginagamit upang makakuha ng diskwento at iba pang pribilehiyo.
Ang OSCA ID ay maaaring palitan lamang sa mga sumusunod na sitwasyon:
Kapag ito ay nasira, nabasa, o hindi na mabasa
Kapag may maling nailagay na impormasyon
📄 Paalala:
Dapat may kaukulang pagpapatibay (certification o verification) mula sa OSCA bago palitan ang ID.
Kung ang ID ay nawala, kinakailangan magpasa ng Affidavit of Loss bago maibigay ang kapalit na OSCA ID.
🕒 Proseso at Oras ng Pagkuha:
Ang bagong OSCA Identification Card ay maaari pong makuha agad pagkatapos itong magawa.
📍 Magtungo sa aming tanggapan:
Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Bulalacao, Oriental Mindoro
para sa pagsusumite ng mga dokumento at karagdagang tulong hinggil sa inyong ID replacement.