Pagtanggap ng mga bagong kasapi ng OSCA (Office for Senior Citizens Affairs). Ang mga kwalipikadong residente na edad 60 pataas ay maaaring magparehistro upang makuha ang kanilang mga benepisyo bilang senior citizen.
🧓 Mga Kailangan sa Pag-aapply bilang Senior Citizen Member
Para sa mga mag-aapply ng Senior Citizen ID, mangyaring ihanda ang mga sumusunod na dokumento:
1. Katunayan ng Paninirahan
Barangay Residency o Certificate of Residency
2. Larawan
Apat (4) na piraso ng 1x1 ID picture
3. Katunayan ng Edad (Proof of Age) Maaaring isa o higit pa sa mga sumusunod:
PSA Birth Certificate
Baptismal Certificate
Voter’s Certification
SSS / GSIS / PRC ID Card
PhilHealth MDR o PhilHealth ID
Iba pang valid ID na may nakalagay na petsa ng kapanganakan (birthday)
📍 Paalala: Siguraduhing kumpleto ang lahat ng requirements bago magtungo sa aming tanggapan. Maaari pong personal na magtungo sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Bulalacao, Oriental Mindoro para sa pagsusumite ng inyong aplikasyon at karagdagang impormasyon.