Pagbibigay ng insentibong pinansyal sa mga senior citizen na umaabot sa mga itinakdang edad bilang pagkilala sa kanilang mahabang buhay at ambag sa komunidad.
(Para sa mga Senior Citizen na may edad 70, 75, 80, 85, 90, 95, at 100)
Ang Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) ay nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga senior citizen na umabot sa mga nakasaad na edad bilang pagkilala at pagpapahalaga sa kanilang kontribusyon sa komunidad.
Mga Kailangan (Local Application):
Photocopy ng OSCA ID
Barangay Residency o Certificate of Residency
Iba pang valid ID (mas mainam kung may PSA Birth Certificate bilang patunay ng edad)
📍 Paalala:
Siguraduhing kumpleto ang lahat ng dokumento bago magtungo sa aming opisina.
Ang pagsusumite ay personal na ginagawa sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Bulalacao, Oriental Mindoro.