Tulong sa pagpaparehistro o pag-update ng PhilHealth membership upang masiguro ang benepisyo sa kalusugan at libreng serbisyong medikal ng mga nakatatanda.
Para sa mga senior citizen na nais magparehistro o mag-update ng kanilang PhilHealth membership, mangyaring sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Mga Kailangan:
Photocopy ng valid ID
Photocopy ng OSCA ID
Mga Hakbang:
Magdala ng mga nabanggit na dokumento.
Mag-fill out ng PhilHealth registration form sa aming tanggapan.
📍 Paalala:
Magtungo lamang sa Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Bulalacao, Oriental Mindoro para sa pagsumite ng form at karagdagang tulong kaugnay ng inyong PhilHealth Application.