Pagproseso ng RRN bilang opisyal na pagkakakilanlan ng bawat senior citizen sa national database, na kailangan sa iba’t ibang programa at benepisyo ng gobyerno.
Upang magkaroon ng Registration Reference Number (RRN) mula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC), sundin lamang ang mga sumusunod na hakbang:
Mga Dapat Gawin:
Pumunta sa aming tanggapan at makipag-ugnayan sa mga OSCA focal person para sa tulong sa inyong RRN registration.
Magdala ng inyong OSCA ID bilang patunay ng pagiging rehistradong senior citizen.
Maaari rin pong bumisita sa opisyal na website ng NCSC upang magsagawa ng online registration o verification.
📍 Paalala:
Ang pagkakaroon ng RRN ay mahalaga upang maging opisyal na bahagi ng National Registry of Senior Citizens at upang makatanggap ng mga programa at benepisyong inilaan ng pamahalaan.
👉 I-click dito upang bumisita sa NCSC Website