Pagbibigay ng libreng booklet kung saan maaaring itala ang mga biniling gamot, grocery, o iba pang transaksyon na may diskwento para sa mga senior citizen.
Ang Senior Citizen Booklet ay ginagamit upang maitala ang mga benepisyong natatanggap ng ating mga nakatatanda, gaya ng mga diskwento at pribilehiyo sa ilalim ng Republic Act 9994 (Expanded Senior Citizens Act of 2010).
🕒 Proseso at Oras ng Pagkuha:
Ang Senior Citizen Booklet ay ibinibigay kasabay ng OSCA ID pagkatapos ng registration ng bagong miyembro.
📍 Magtungo sa aming tanggapan:
Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA), Bulalacao, Oriental Mindoro
para sa inyong registration at agarang pagkuha ng OSCA ID at Senior Citizen Booklet.