Si Nanay Amelia ay may dalawang tungkulin na parehong mahalaga sa kanya: ang mag-alaga ng mga buhay bilang isang kumadrona at ang magtanim at mag-ani sa MARIWSKA at sa kanyang sariling lupa bilang isang magsasaka. Bilang bahagi ng kanyang pagsasaka, nagbebenta si Nanay Amelia ng mga sariwang ani tulad ng talong, dill, sitaw, iba't ibang uri ng beans, at iba pa.
Dating OFW si Nanay Amelia, kung saan siya rin ay nakapagaral at naging isang rehistradong nurse. Ngunit dahil sa kanyang maging naging karamdaman, pinili niyang bumalik sa pamumuhay sa bukid. Sa simula, ang layunin niya sa pag-aaral ng organic farming ay para sa kanyang personal na kalusugan, subalit habang lumilipas ang panahon, natutunan niyang mahalin ang gawaing ito. Gumagawa siya ngayon ng sariling mga likha o "concoctions" para sa lupa—isang patunay ng kanyang dedikasyon sa organikong paraan ng pagsasaka.
Hindi lamang ito ang larangang kanyang pinagtibay. Natapos din ni Nanay Amelia ang apat na taong pag-aaral sa Bible school kung saan siya kumuha ng teolohiya. Matibay ang kanyang pananampalataya, at ito ang naging gabay niya sa bawat papel na ginampanan niya sa buhay.
Mahaba, malutong, at may likas na tamis. Tamang-tama sa adobong sitaw o sinigang, ligtas para sa buong pamilya.
Matamis at malinamnam, ang kalabasa ni Nanay Amelia ay perfect sa sopas, ginataan, o kahit sa turon! Fresh at puno ng nutrisyon.
Makintab, makinis, at masarap lutuin mapa-tortang talong, ginataan, o ihaw.
Maiksi, makinis, at may mapusyaw na balat na kulay berde, ang beans na ito ay malutong sa bawat kagat at masarap igisa o isahog sa nilaga.
Sariwa at malutong, ang upo mula sa bukid ni Nanay Amelia ay mainam sa ginisang gulay o sinabawang ulam. Organic at alaga sa pagmamahal.
May pinong dahon na parang balahibo, ang dill ay may mabangong amoy na bagay sa sinigang, inihaw na isda, o atsara.
Malalago at malalutong na okra, diretso mula sa organikong taniman. Swak sa pinakbet o sinigang para sa dagdag-lusog sa bawat hapag.
Puno ng aroma at natural na linamnam, ang cacao ni Nanay Amelia ay perfect para sa paggawa ng tsokolate o masustansyang inumin. Gawang-bukid, purong sarap!
Malambot at malasa ang gabi ni Nanay Amelia — perfect sa sinigang o ginataang ulam. Fresh harvest, siguradong natural ang sarap!
Phone Number: 09913257950
Address: Santan Street, Sitio Malaking Parang, Barangay San Jose, Antipolo City
Facebook: FB Page
Email: ameliasantos0330@gmail.com