Patungkol sa Patimpalak

Mahalaga ang pagsusulat sa pag-aaral ng kasaysayan. Dito nasusukat ang kakayahan ng mag-aaral na tumuntong sa isang paninindigan na nakabatay sa paglagom at pagsangguni niya sa kaalamang pangkasaysayan. Higit pa sa pagsasaulo ng impormasyon, sa pagsusulat ng sanaysay makikita ang kagalingan ng mag-aaral na mangatwiran nang mayroong linaw at saysay.

Samakatuwid, mainam lamang na magsama ng patimpalak sa pagsusulat ng sanaysay sa mga serye ng mga patimpalak na nasa ilalim ng KaKASa Ka Ba. Sa KASanaysayan, na siyang pamagat ng patimpalak sa pagsusulat ng sanaysay, itinampok ng mga mag-aaral mula sa antas na sekondarya ang kanilang angking talino sa pagbuo ng isang sanaysay ukol sa isang piling paksa na mayroong kinalaman sa larangan ng kasaysayan. Ang kanilang mga isinulat ay minarkahan ng mga dalubhasa sa disiplina batay sa pamantayang inilahad ng UP LIKAS.

Tampok sa website na ito ang lahat ng mga isinumiteng sanaysay ng mga estudyanteng lumahok sa KASanaysayan.