Si MABUTI by Genoveva Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating pinagtuturuan, sawalang pintang paaralang una kong  kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang doon sa kung manunungaway matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. 

Naroon pa siya't nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungangsa kanya ko lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan mansakagandahan; sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako'y lumiligaya. Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo. at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa mgapangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanya ng pansin. Mula sa pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan, walang masasabing anumangpangkaraniwan sa kanya. Siya'y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya'y nakatalikod. Angsalitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang mga pumalit sa mga salitanghindi niya maalala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin. 

Sa isang paraang alirip, iyon ay nagiging salaminan ng uri ng paniniwala sa buhay. "Mabuti," angsasabihin niya, "ngayo'y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama't umabot tayo sa bahagingito. Mabuti, Mabuti!" Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng anuman kung di lamang nahuli niyaakong lumuluha nang hapong iyon, iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. 

Noo'y magtatakipsilim na at maliban sa pabugso-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanoodsapagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulokngsilid-aklatan,pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan. "Mabuti't may tao pala rito," wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. "Tila may suliranin, mabuti sana kung makakatulong ako." Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalikpakailanman. Sa bata kong isipan, ay ibinilang kong kahihiyan at kababaan ang pagkikita pa namingmuli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sasinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na luklukan. "Hindi ko alamnamay tao rito . . . naparito ako upang umiyak din." Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinigkosa kanyang tinig. Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa'y nakitakoang bahagyang ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na lamangang tinig sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo'y siyang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo'y nagtataka ako kung paanong napigil niyaangpaghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit siya'y nakinig nang buong pagkaunawa, at alamko na ang pagmamalasakit niya'y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Angpanukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na ng bigla kong makaalala. "Siyanga pala, Ma'am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyon na iniiyakan ko?" Tumawasiya nang marahan at inulit ang mga salitang iyon; "ang sulok na iyon na . . . iniiyakan natin. . . natingdalawa." Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: "Sana'y masabi ko sa iyo, ngunit angsuliranin. . . kailanman. Ang ibig kong sabihin ay . . . maging higit na mabuti sana saiyoang. . .buhay." 

Si Mabuti'y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mulasahapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sapagkalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon. . . "Iniiyakan natin," ang sinabi niya nanghapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang tinig sa pagtuturo'y hinuhulaankoang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan kokungnagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong. . . aming dalawa. At sapagkat natuklasan koangkatotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong magmasid, maghintay ng mga bakas ngkapaitan sa kanyang mga sinsabi. Ngunit, sa tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglayniyasaaming silid-aralan. Pinuno nya ng maririkit na guni-guni an gaming isipan at ng mga tunog angamingmga pandinig at natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. 

Bawat aralin namin sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahanat ako'y humanga. Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na maipadamaniya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na itosakariktan kundi pagkatapos lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niyasakalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanyangkagandahan sa mga bagay na karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan. Hindi siyabumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaral namin sa kanya, Ngunit bumabanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak. . . nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa samgakamag-aral namin ang nakababatid na siya'y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ngbagayat pangarap niyang maririkit ay nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilanniyon. Ang paglaki ng mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon niyang baka siya ayhindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang sa mga bagay na "pinagtitiisang" pakinggansapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit niyon ay nagkakaroonngkahulugan sapagkat noon pa man ay nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala. 

Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak, angbagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mga batarin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya'y anim na taong gulang na. Sa susunod na taonniya'ymagsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anakat isang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isangbatasaaking likuran ang bumulong: "Gaya ng kanyang ama!" Narinig ng aming guro ang sinabing iyonngbatang lalaki. At siya'y nagsalita. "Oo, gaya ng kanyang ama," ang wika niya. Ngunit tumakas angdugo sa kanyang mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon angunaat huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Matitiyak konoongmay isang bagay ngang mali siya sa buhay niya. Mali siya nang ganoon na lamang. 

At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya, tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawaniya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang tao man lamang. Ngunit, ito ang sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang anumang malasakit sa kanyang sinasabing, "Oo, gaya ng kanyang ama," habang tumatakas ang dugosakanyang mukha. Pagkatapos, may sinabisiyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tiningnanniyaako ng buong tapang na pinipigil ang pagnginig ng mga labi at sinabi ang ganito: "Mabuti.. mabuti gaya ng sasabihin nitong iyon lamang nakararanas ng mga lihimna kalungkutanangmaaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan." "Mabuti, at ngayon, magsimula sa ating aralin". Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayonnahindi akin ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mganilalang na sapagkat nakaranas ng mgan lihim na kalungkutan ay nakakilala ng mga lihimnakaligayahan. At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulayngmukha niya, muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin naminsapanitikan. Ang kariktan ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy anuman ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanawngmanggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyon marahil ay magiging isang manggagamot din balangaraw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyangtirahan ni Mabuti at ng kanyang anak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyonat sa buong kalupitan niyon ay naunawaan ko ang lahat. 

The End...

Learn more 

Si Mabuti by Genoveva Matute

Story Analysis by Christian Garilva 


REFLECTION

In this touching story by a well-known author, the main character is a wonderful woman named "Mabuti" who is both a dedicated teacher and a wonderful mother to her children. Fe was one of Mabuti's students who helped him really understand what life was all about. She is crying too, just like Fe. On the other hand, she knew how the teacher felt. She felt better after this, and he began to see the bright side of life. She had a child because she found something special about the teacher. No matter what, the teacher is proud of her kid. It's not that she's mad or upset at the teacher. Fe and Mabuti are connected because they both know what it's like to be sad and happy.There is a person in this story named Mabuti. She doesn't show that she's sad because she wants other people to think of her as a good person. There are a lot of troubles people are having these days. People who aren't strong can feel very sad and lost. Some people are so bad that they hurt themselves. But in this story, Mabuti fights hard against her sadness and problems. She keeps going with her life and never gives up. She still has big hopes for her kid. We can learn from this story that we shouldn't let our problems bring us down. We should instead think of the world as a lovely spot. People are allowed to be sad sometimes, and we can find happiness by letting ourselves be sad.


THEME

The short story "Si Mabuti" was written by Genoveva Edroza Matute, who is Filipino. Things that happen in the story are mostly about morals and human nature, especially the idea that people should try to do good things and be kind and caring to others, even when things get hard. The main character Mabuti, exemplifies morality and charity throughout the course of the narrative. She still assists those who are in need and does good things for other people, despite the fact that things are challenging for her and that she is required to make sacrifices. Mabuti's character and actions are used by the author to illustrate how fundamentally important it is to be kind to others and to have little regard for one's own needs as a human feature. It is essential to keep in mind that even when circumstances are challenging, you can still make the decision to act in a way that is morally sound and beneficial.

Filipino literature like "Si Mabuti" has always been good at promoting moral values and showing that kindness and goodness are qualities that should always be kept and shown, no matter what.


CULTURAL CONTEXT 

Genoveva Matute's short story "Si Mabuti" is set in the Philippines after it was colonized by Spain and the United States. It shows how Spanish and American rule still affects Filipino society today. The story shows how important the traditional Filipino family structure and the idea of "utang na loob" are, which means taking care of your elders and the part of extended families. The book also talks about the strong Catholic faith in the Philippines by showing how religious the main character, Mabuti, is. Economic problems are shown, which is a common theme in Filipino writing and shows how hard it is to make a living in a mostly rural area. The story is written in Filipino (Tagalog), which shows how different languages can be used and how gender roles and social rules affected people in the Philippines in the middle of the 20th century.


SYMBOLISM

This story by Genoveva Matute called "Si Mabuti" uses symbols that make it more deep and meaningful. Mabuti's old house has a dying mango tree that makes her think of her roots, her ties to the past, and how time goes by. Issues and changes in life are like the storm, just like the family's money and mental issues are like the storm. The peso stands for hard times and everyday worries, while Mabuti's old house stands for tradition, heritage, and keeping family history alive. That's why these pictures are important to the story. They help show how important it is to keep your family and cultural roots alive even as your life changes.


LITERARY TECHNIQUES

"Si Mabuti" by Genoveva Matute is a moving and thematically rich short story. The author skillfully uses a variety of literary techniques to craft an interesting story. Symbolism is a big part of the story. The mango tree stands for Mabuti's roots and link to the past, and the storm represents the rough parts of life. These images give the story more depth and help readers get to the story's deeper meanings. Flashbacks are an important part of the story because they show us Mabuti's past and how deeply she loves the mango tree. This method helps us better understand what drives her and how her past and present are connected. Excellent work on character development. Mabuti is shown to be a multidimensional character whose words, actions, and inner thoughts show how complicated she is. Irony adds an interesting twist to the story by making us question what we think we know and showing how unpredictable life is. Foreshadowing keeps readers interested and makes them want to find out what the mango tree really means. The vivid descriptions pull readers into the scene and characters of the story, and the main character's point of view makes the reader feel closer to the main character, Mabuti. Conflict, both inside and outside the characters, drives the story and shows how they change and grow. The use of these literary devices elevates "Si Mabuti," offering a nuanced look at custom, change, family relationships, and the unstoppable passage of time while captivating readers on numerous emotional and intellectual levels.