Inilathala Mayo 10, 2024 / 2:35 N.H
Rin Chupeco
sofia@gmail.com
Masyado na tayong dumepende sa karunungang gawad ng Artificial Intelligence (AI) lalo na sa edukasyon. Ultimo baybay at mga bantas ay sa internet na iniaasa. Hindi naman maitatanggi ang tulong ng AI pati na rin ang peligrong hatid nito ngunit nararapat bang itapon dito ang sisi o tayo ang naging iresponsable?
Ayon sa pananaliksik, Jonas, 2008 ang artificial Intelligence o mas kilala sa AI ay ang anyo ng makabagong gamit na tumutulong sa mga gawaing kinakailangan ng kaalaman at kakayahan katulad ng sa tao. Sa pagkakayari ng kagamitang ito ay umusbong rin ng mabilis ang industriya ng teknolohiya na tumutulong sa pagbuo ng ekonomiya sa mundo higit na sa Pilipinas. Kasalukuyan nitong naapektuhan ang edukasyon sa bansa.
Malaking ambag sa takdang-aralin ang AI lalo na ang sikat na sikat na ChatGpT, dito mas mabilis makakuha ng mga sagot, ilagay lamang ang katanungan at nagkakaroon na ng sagot. Bvunsod nito ay ang pagbagal naman ng development ng mga mag-aaral sa komprehensibong pag-aaral.
Bukod naman rito ay pangunahing suliranin ng ibang mag-aaral na napagkakamalan silang gumagamit ng AI sa kanilang gawain dahil sa mga nagkalat na AI platforms na siyang hindi ipaabuso ng mga guro, kung kaya gumagamit sila ng mga checker upang maiwasan ito.
“Napagkakamalan akong gumagamit ng AI sa tuwing magpapasa ako ng mga aralin sa aking guro, as a journalist I’m fully aware sa mga salitang ginagamuit ko at tiyak na mula ito sa akin.” saad ni Hannah Jose mula sa Camarines Norte.
Dagdag pa niyang mahirap man iwasan ang mga alegasyong ito nananatili siyang tapat at totoo sa kaniyang mga gawain.
Kaugnay nito ang pahayag ng isa ring mag-aaral mula sa Legazpi, “Pinaghihinalaan na gumagamit ng ChatGpT dahil sa mga salita ko sa gawain tapos namumula pa pagsinasalang sa AI checker”
"Hindi nakakabuti ang pag-abuso sa gamit na nakatutulong sa mga tao kung kaya nararapat na ito ay gamitin sa tama"
Gayunpaman, sinasalami n ng mga kasong ito ang talamak na pag-abuso sa teknolohiya kung kaya, pinaghihigpitan na sa paaralan ang kabataan sa paggamit nito.
Nakatutulong ang AI sa gawaing pang-edukasyon ng kabataan kung ito lamang ay ginagamit sa tamang paraan. Huwag supilin kung ano ang hindi na mapipigilang paggamit ng AI sa ating pamumuhay, bagkus ay tuligsain ang mga salik na nagdudulot dito ng kasamaan.