Hindi AI ang Sagot
Inilathala Mayo 10, 2024 / 1:29 N.H
Inilathala Mayo 10, 2024 / 1:29 N.H
Iginuhit ni: Gerald Fabon
Kinakaharap ngayon ng mundo ang hamon ng mabilisang paglago ng impluwensya ng Artificial Intelligence (AI) sa buong mundo. Sa edukasyon ay mainit na isyung kinakaharap ang pag-abuso mag-aaral sa AI. Hindi patuloy na lalago ang sigalot ng mag-aaral sa ilalim ng impluwensya ng AI kung tinutugunan at binibigyang aksiyon ito ng gobyerno.
Hindi bago ang impluwensya ng teknolohiya at AI sa ating mundo ngunit pabugso nitong binago ang Sistema ng edukasyon at pamumuhay sa kasalukuyan. Noon ay pursigido pa ang kabataan sa pananaliksik ngayon ay umaasa na lang sa tulong ng makabagong mga teknolohiya. Ginagawa nitong dependent ang mga mag-aaral sa malaking tulong na naibibigay ng teknolohiya sa salik ng edukasyon. Mula sa mga takdang-aralin na dapat isumite hanggang sa malalaking gawain na kinakailangan ng komprehensibong pag-unawa.
Sa pamamagitan ng AI mapapadali na ang mapabahay man, opisina, paaralan, maging sa pang araw-araw na gawain. Nakakaambag din ito sa salik pangkalusugan at edukasyon kung gagamitin lamang sa tamang paraan.
Sa kabilang banda naman ay ang pangambang lumaganap ng higit ang Job Displacement dahil paniniwala ng lipunan na mas madali at mabilis na makakapagtrabaho ang AI kaysa sa tao. Dagdag pa rito ang banta sa seguridad at pamumuhay.
Ayon kay Rafael Oñate, PhD “Hindi siya kalaban, it’s just that you have to be responsible on using AI”. Hamong itinuturing sa kagawaran ng edukasyon ang malawak na paglaganap ng maling paggamit ng AI sa kabataan.
Hindi maitutuwid ang suliraning ito na bumibinbin sa komprehensibong pag-aaral ng kabataan. Mas madali na ang kumuha ng saghot sa mga gawain, ganoon naman kabilis ang pagdepende ng kabataan sa AI, mismong pag-unawa ay hindi na nagagamit.
“Simula ng namulat ako sa paggamit ng AI, naging depent na ako rito kaya sa mga gawain mabilis naman akong natatapos.” saad ni Roxanne Robas, mag-aaral mula sa Naga. “Balance na lang po ang nakikita kong kontrol para dito.”
"Mahirap kalaban ang AI pero nasa bawat isa pa rin ang kakayahang baguhin ito kinakailangan lang ng aksiyon",
Hindi birong kalabanin ang bagay na hindi alam kung hanggang saan ang kayang magawa. Kung kaya mainam na unawain ito ng mas malalim. Kung naisin lamang ng pamamahala sa Pilipinas ay makakayang bigyan ito ng kontrol para sa seguridad ng dekalidad na edukasyon para sa kabataan nang hindi nasasakop ng impluwensya ng AI.
Simulan ang ang hakbang na ito sa paunti-unti, mula sa puno hanggang sa bunga— mula sa kagawaran tungo sa mga guro hanggang sa kabataan. Walang matutunang gabay ang kabataan kung mismong nakatataas sa kanila ay hindi lubos na nakakaunawa at walang ginagawa.