Iginuhit ni: Gerald Fabon
Iginuhit ni: Gerald Fabon
Kakayahan ng Tao na Hindi Mapapantayan ng Artipisyal na Kaalaman
Patutunayang may mga salik pang hindi kayang gawin ang Artificial Intelligence (AI) na kayang gawin ng tao. Masasabing ito ay mas matalino subalit kulang naman ito pagdating sa mga emosyon o iba pang bagay na tagaly ng bawat Pilipino.
Peligrong Dala ng AI sa mga Mamamayan
Sumasabay sa pagtakbo ng oras ang pagbabago at pag-unlad ng teknolohiya sa lipunan. Ito ay tuluyan ng natuklasan sa kasalukuyan at patuloy na palalaguin at pag-aaralan upang mas magamit ng mas maayos sa hinaharap. Ang patuloy na pag-usbong nito ay may malaking ambag sa mamamayan subalit ang kawalan ng kamaayan at kaalaman sa paggamit nito ay mayroong bentahe at masamang epekto sa bawat gumagamit nito.
Ang unti-unting pagmulat ng lipunan sa tamang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ang nagiging daan upang ating matagumpay na malampasan ang pagbabagong dumadaan sa ating kapaligiran. Ito ay ginagagamit sa paaralan at maging sa trabaho man. Nagiging libangan din ng karamihan ang paggamit ng AI kung saan iba’t ibang tao ang nakakasalamuha at nakikilala ng tao.