MANILA, Philippines — Pinutulan ng kapangyarihan ng Converge FiberXers ang hindi matinag-tinag na Meralco Bolts sa PBA Season 48, 23-25, 42-53, 77-77, 104-99.
Sa mundo kung saan hindi na masyadong tinatangkilik ang kahalagan ng isports, nasa likod nito ang buhay at kinabukasan ng mga atletang napagkaitan ng pansin at kagamitan. Kaya naman inihain ni Senador Christopher “Bong” Go ang Senate Bill No. 2001 o Philippine National Games Act na may layuning mas mapagbuti pa ang mga Sports Program ng bansa na huhubog sa mga atleta.
Sa pakikipagsapalaran at kagustuhan ng bawat atletang manalo sa iba't ibang palakasan, nariyan ang mga salik na nararapat pahalagahan at pagtuonan ng pansin upang sungkitin ang inaasam na panalo. Ang sportsmanship ay kabilang sa mga salik na kinakailangang taglayin ng bawat isa sa loob ng laro. Subalit, sa lagay ng panahon ngayon, mayroon pa bang halaga ang salik na ito?
Sa kalagitnaan ng mundong palakasaan kung saan bida ang mga atletang pisikal na lakas at katatagan ang gamit sa pakikipagsalpukan sa mga labanan, nariyan pa rin ang mga manlalarong patagong nagniningas at pinapatalas ang isipan. Katulad na lamang ni Aubrey De lima na isang mahusay na manlalaro ng chess na minsan ng binigo ng tadhanang manalo at iuwi ang tropeyo, subalit mas ginalingan at tinalasan pa nito ang kaniyang isipan upang masiguro ang kaniyang matamis na panalo.