Iginuhit ni: Gerald Fabon
Iginuhit ni: Gerald Fabon
Inilathala Abril 22, 2024 / 1:29 A.M
Kinakaharap ngayon ng mundo ang hamon ng mabilisang paglago ng impluwensya ng Artificial Intelligence (AI) sa buong mundo. Sa edukasyon ay mainit na isyung kinakaharap ang pag-abuso mag-aaral sa AI. Hindi patuloy na lalago ang sigalot ng mag-aaral sa ilalim ng impluwensya ng AI kung tinutugunan at binibigyang aksiyon ito ng gobyerno.
Masyado na tayong dumepende sa karunungang gawad ng Artificial Intelligence (AI) lalo na sa edukasyon. Ultimo baybay at mga bantas ay sa internet na iniaasa. Hindi naman maitatanggi ang tulong ng AI pati na rin ang peligrong hatid nito ngunit nararapat bang itapon dito ang sisi o tayo ang naging iresponsable?
Inilathala Mayo 10, 2024 / 2:35 n.h
Marami sa mga mamamayan ang ngayo’y nakakakilala na sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) na kung saan ay tinuturing na may negatibong epekto lalo na sa mga mag-aaral na nakasanayang gamitin sa pagsasagot ng kanilang mga gawain sa paaralan. Subalit, hinggil sa kaalaman ng nakararami, ang AI ay nagsilbi na ring karamay ng nakararami sa kanilang pakikipagsapalaran sa daloy ng buhay edukasyon at simple hanggang mahihirap na tanong na marahil ay AI lamang ang madaling makakasagot.