Ang unti-unting pagmulat ng lipunan sa tamang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ang nagiging daan upang ating matagumpay na malampasan ang pagbabagong dumadaan sa ating kapaligiran. Ito ay ginagagamit sa paaralan at maging sa trabaho man. Nagiging libangan din ng karamihan ang paggamit ng AI kung saan iba’t ibang tao ang nakakasalamuha at nakikilala ng tao.
Dahil dito hindi maiiwasan ng mga gumagamit nito ang masamang epektong dala nito, kung kaya pinag-iingat ang lahat mula sa masamang epekto nito. Kinakailangan ng sapat ng kaalaman at kamalayan ng bawat mamamayan upang maiwasan ang masamang epekto nito.
Ginagagabayan ng mga eksperto at guro ang mag-aaral ukol paaralan sa tamang paggamit ng AI. Sa kasalukuyan maraming mag-aaral ang gumagamit ng AI sa tuwing gumagawa ng mga gawain sa. Sa pamamagitan nito masasabing malaking tulong ito sa kanilag paggawa ng mga takdang gawain sa paaralan.
Ayon kay Rafael V. Oñate PhD, bilang isang guro kinakailangan din ng guro naa malaman kung paano gamitin ang AI upang kanilang malaman kung gawa sa AI ang ipinasa ng mag-aaral o mula ito sa AI. Kinakailangan ng mga guro na malaman kung ito ba ay AI upang malaman kung epektibo nga ba ang uri ng pagtuturong ginagawa nila.
Ang sapat na kaalaman at kamalayan ukol sa tamang paggamit ng AI ay kinakailangan para hindi tayo tuluyang maapektuhan ng patuloy na pagbabago nangyayari sa teknolohiyang mayroon ang ating lipunan. Narito ang ilang tips sa responsableng paggamit ng AI:
Tama ang gawin
Siguraduhin na tama ang iyong ginagawa sa tuwing ikaw ay gumagamit ng AI. ito ay isang dimensyong punong-puno ng kaalaman na posibleng maging dahilan din na iyong kapahamakan kung kaya kinakailangan na sapat na kamalayan sa tamang paggamit nito. Mas mainam na piliin na gumawa ng Mabuti upang maiwasan ang masamang dulot nito sapagkat ang lahat ng bagay na ating ginagawa ay may kaakibat na responsibilidad at pananagutan.
Alamin ang dapat gawin
Sa tuwing ikaw ay gagamit ng AI siguraduhing palaging nasa tamang daan ang iyong patutunguhan kaya naman kinakailangan mo ng sapat na kamalayan ukok sa tamang paggamit ng AI upang iyong mapangalagaan ang iyong sariling kapakanan.
Manindigan sa katotohanan
Mas piliing maniwala sa katotohanan at iwasan ang magsinungaling sa kapuwa nang sa gayon sila ay hindi rin sayo magsinungaling. Ang lahat ng iyong ginagawa ay may masamang epekto sa iyo dahil lahat ng bagay na ating ginagawa ay may kaakibat na paninindigan.