Kami ang mga nasa likod ng PROJECT SUSI: (Su)lusyon sa Car-centri(Si)m sa Kalakhang Maynila. Sa aming webpage, layunin naming bigyang-linaw ang isyu ng labis na pagkadepende ng lipunan sa mga pribadong sasakyan na nagdudulot ng matinding trapiko, polusyon, at iba pang suliranin sa ating lipunan. Naniniwala kami na ang problema ng car-centrism ay hindi lamang usapin ng imprastruktura kundi isang hamon na nangangailangan ng makabago at maayos na mga solusyon.
Sa pamamagitan ng aming proyekto, tampok ang mahahalagang datos, konkretong hakbang, at mga perspektibo na magpapakita ng kahalagahan ng sustainable na transportasyon. Layunin naming magbigay-inspirasyon sa pagbabago ng pananaw at gawi ng publiko tungo sa pagsuporta sa mas epektibong sistema ng pampublikong transportasyon, pedestrian-friendly na lungsod, at eco-friendly na alternatibo. Halina’t tuklasin ang aming adbokasiya at maging bahagi ng solusyon sa isang mas maayos at makataong kinabukasan!