Ang orihinal na plano para sa Maynila ay inangkop mula sa Paris at iba pang mga lungsod na madaling lakaran. Ang design philosophy nito ay makikita pa rin sa Intramuros. Ngunit, bagama’t puno ng pag-asa ang disenyong ito, mayroon itong malinaw na mga kakulangan. Kung ikaw ay nakabiyahe na sa loob ng Intramuros, ang masikip na kalye at mahigpit na liko ay nagpapakita na ang disenyong ito ay nakatuon sa paglalakad at hindi na angkop para sa mga commuters galing sa ibang syudad. Gayunpaman, ang kabuuang pagbabago tungo sa malalapad na kalsada ay nagdadala naman ng ibang isyu—ang car-centrism. Tulad ng sinabi ng pansamantalang Tagapangulo ng MMDA na si Romando Artes sa interview para sa PhilStar, “The problem with traffic is not just at present. This is a decade-old problem,” na hindi madaling masolusyunan, ang isyung kinakaharap natin ay ang kakulangan ng sapat na pagpapahalaga ng ating bansa sa mga sistemang ginagamit para sa pampublikong transportasyon. (Ong,2024) Dahil dito, madalas tayong nadadala sa ideya na ang pangunahing layunin ng pag kommute ay ang pagka ari ng kotse upang mabisang makaikot sa Metro Manila. Ito ay nakadudulot ng problema, dahil habang lumalaki ang populasyon, mas maraming kotse ang nabibili, at mas malalapad ang mga kalsadang itinatayo, nababawasan ang pokus sa iba pang uri ng transportasyon. Dahil dito, mas maraming tao ang bumibili ng kotse, at ang problema ay paulit-ulit na lumalala. Dahil ang mga umiiral na sistema para sa pampublikong transportasyon, bagama’t nakakatulong sa isyu ng trapiko at nagbibigay ng paraan para sa maraming Pilipino na maka commute, ay maaari pa ring mapabuti. Ang solusyon sa problema ng car-centrism ay ang paghalo ng iba’t ibang paraan ng transportasyon habang pinaplano ang isang lungsod.

Gayunpaman, tulad ng nabanggit, anumang labis na pagtutok sa isang solusyon ay maglilipat lamang ng problema sa ibang lugar. Ang labis na pagtuon sa pampublikong transportasyon ay maaaring hindi makasabay sa lumalaking populasyon ng lungsod. Isang sipi mula sa isang artikulong inilathala ng The La Sallian ang nagpapaliwanag sa puntong ito: “The typical knee-jerk reaction to these issues has been to build more lanes, but this is a stopgap measure at best.” (Kahil, Perez, 2024) Dahil dito, mas mainam na bumaling sa isang pinaghalong sistema ng transportasyon. Ang hindi pag-asa sa iisang sistema ay nangangahulugan na maaari tayong makakomodasyon ng iba’t ibang uri ng sasakyan kung sakaling may aberya, at maaari rin tayong lumago nang naaayon sa mga pangangailangan ng ating populasyon nang hindi isinasakripisyo ang anumang pangkat ng tao.  (Meyer,2014)

Isang solusyon na nagawa na ay ang integrated terminal exchange. Pinapayagan nito ang mga commuter na magpalit ng linya at mode ng transportasyon nang hindi nakakasagabal sa trapiko. Ginagawa ito sa pamamagitan ng pagpaplano ng terminal sa paligid ng maraming sistema ng transportasyon. At dahil ito ay nakatayo ng malapit sa isang umiiral na LRT station, mas maraming mode ng transportasyong pwedeng gamitin. Para sa papel na ito, iminungkahi namin ang isang pagpapalawak ng konseptong ito gamit ang multi-layered station design na magpapahintulot sa mga commuter na lumipat mula MRT patungo sa LRT line nang hindi kailangang lumabas. Ang pinakamababang palapag ay magsisilbing integrated terminal upang bigyang-daan ang mga commuter na dumadating sa pamamagitan ng bus, UV, jeep, at iba pa, na makapasok sa terminal. Ang problema nito ay ang pag ugnayan ng ibat-ibang kumpanya para makamit ito. Isa pa ay ang imprastraktura na kailangan isarado para gawing integrated station. Mahirap i-retrofit ang buong istasyon kasi kailangan pa itong isara nang ilang taon para tapusin, kaya ito ay plano lang para sa mga redevelopment projects na kailangan hawakan ng gobyerno at hindi lang isang kompanya.

Isa pang mungkahing solusyon ay ang paggamit ng elbow sa tatlong linyang kalsada upang maiwasan ang pag barado ng trapiko. Makakatulong ito sa parehong mga drayber ng PUV at mga komuter, dahil maiiwasan ang iligal na pagsakay at pagbaba ng mga pasahero, at magkaroon ng mas maayos na lugar para sa mga pasahero na maghintay, na malayo sa gilid ng kalsada. Sa ganitong paraan, mababawasan ang pagsikip ng trapiko.

Gaya ng makikita sa ilustrasyon sa ibaba, layunin nitong hadlangan ang iligal na pagsakay gamit ang mga bakod, na may karagdagang benepisyo na ang mga bangketa ay mas malayo sa kalsada, na nagdudulot ng pakiramdam ng kaligtasan sa paglalakad. Bukod dito, ang "elbow" ay magbibigay ng nakatakdang lugar para sa pagsakay at pagbaba ng mga pasahero, na nagpapahintulot sa mga pampublikong sasakyan na gawin ito nang hindi humaharang sa isang lane. Panghuli, isang may-bubong na lugar ang itatayo upang hikayatin ang mga pasahero na maghintay sa mga nakatalagang lugar at upang maging komportable sila, lalo na sa panahon ng ulan o matinding init.