Paano Naaapektuhan ng Car-centrism ang Kalagayan ng Inang Kalikasan ng Pilipinas  


Kilalang-kilala ng mga Pilipino ang problema ng trapiko at ang simoy ng usok sa Maynila, ngunit ang mga epekto nito sa kalikasan ay hindi namamalayan, sapagkat malaking kontribyutor ang car-centrism sa lumalalang pagkasira at pinsalang dulot nito sa ating kalikasan. Ayon sa isang pananaliksik nina Miner et al ,“Six of the nine planetary boundaries have been transgressed. Automobility has contributed to the transgression of at least four of these boundaries”. Sa Maynila, pinaniniwalaan na ang mga pribadong sasakyan ang  pangunahin at pinakamapagkakatiwalaang  paraan upang makapaglakbay. Mas maaari itong makita sa halos 1166-kilometrong haba ng kalsada o ng mga road network na matatagpuan sa lungsod; napakalaki ng istatistikang ito dahil 636 km2 lamang ang laki ng kalakhang Maynila (Siy, 2023). Bukod dito, ang transportasyon ay umaambag ng 23% ng global na carbon emissions na magkaugnay sa enerhiya, at 70% nito ay nanggagaling sa mga sasakyan lamang. Sinasabi nitong mas nakaaambag ang mga sasakyan sa carbon emissions at tumataas pa rin ang bilang nito. Higit pa rito, nagiging biktima ang mga hayop sa polusyong umaabot sa kanilang mga natural habitat; nalalagyan ng lason ang kanilang pagkain at tubig ,at tumataas ang tsansang mabangga ng mga sasakyan ang mas malalaking hayop (Miner et al., 2024). Subalit, tumataas ang demanda ng mga kotse dahil sa penomeno ng car-centrism sa kalakhang Maynila na mas binibigyang-pansin at pabor ang mga pribadong sasakyan upang makapunta sa iba’t ibang lugar kagaya ng paaralan, arimohan, ospital, at iba pang pampublikong institusyon. At dahil sa kaugaliang ito, ang pagdami ng mga kotse sa kalsada, tumataas din ang carbon emissions, kaya umaambag ang car-centrism sa pagkasira ng ating kalikasan at ng pagbaba ng biodiversity. 


Sa lahat ng life stages ng isang kotse nagkakaroon ng carbon emissions mula sa paggawa nito hanggang sa deterioration nito.  Nagsisimula ang isyu mula sa paggagawa ng mga sasakyan dahil kailangan ng materyales upang magawa ng mga sasakyan kagaya ng iba’t ibang uri ng bakal, goma, at krudo, at dahil sa praktis ng pagkuha ng likas-yaman nagkakaroon iba’t ibang ecological impacts kagaya ng pagsisira ng lupa na nagiging mas bulnerable sa erosyon, pagbaba ng kalidad at dami ng tubig na nagiging lason para sa mga hayop na naninirahan o umiinom dito, at ang pagbaba ng kalidad ng hangin na binababa ang kalusugan ng mga hayop sa lugar (Miner et al., 2024). Subalit, hindi ginagamit ang likas-yaman sa paggawa ng mga kotse sa hilaw na porma, kailangan pang iproceso ang mga ito, at ang pagproceso ay naglalabas din ng mga greenhouse gases na dumadagdag din sa problema. Sunod naman ang paggawa ng mga sasakyan na liban sa lumalabas na carbon ay may isang tiyak na parte ng sasakyan na napakalaki ng ecological impact dahil sa napakarami nito at ng katangian na hindi ito biodegradable at ito ay ang gulong ng mga sasakyan. Ayon kay Miner et al (2024) halos 2-3 bilyon na gulong ang yumayari taon-taon, ito’y gawa sa goma, plastik, at bakal, na pinoproceso at lumalabas ng carbon, at ang mga gulong ay hindi lang hindi biodegradable pero tumatagas din ng mga lason at mircoplastics sa kapaligiran. Ngunit ang epekto ng mga gulong ay hindi humihinto ng paggawa nito ngunit kasama rin ang paggamit nito, ito ay dahil sa alitan ng gulong sa kalsada at nagkakaroon ng road runoff na kayang umaabot sa malalayong lugar dahil maaari itong sumama sa hangin; at dahil gawa ang mga kalsada sa aspalto, nagiging isa pang dagdag sa polusyon ng kalikasan. 


Sa paggamit ng kotse nagkakaroon ng napakaraming problema. Una, kailangang sirain ang mga kagubatan o ang mga natural habitat para makagawa ng mga road networks, upang kumonekta ang iba’t ibang lugar sa isa’t isa. Dahil diyan, naglalabas ng carbon at iba pang pollutants sapagkat gawa ang mga daan ng konkreto na ang proceso mismo ang lumalabas ng carbon dahil sa komposisyon at kemikal na reaksyon ng kaniyang mga bahagi at ng binangit na road runoff; at nawawalan ng tirahan at kainan, ang mga hayop dahil nawawala ang mga puno na nagsisilbe rin bilang proteksyon mula sa mga natural disaster at mga mandaragit at nadudumihan ang mga anyong-tubig at ang kanilang kinakain kaya mas mahirap silang mamuhay at manganak humahantong sa kanilang paglipol (Miner et al. 2024). Sunod ay ang paggamit ng mga sasakyan mismo dahil sa mga iba’t ibang uri ng problema na umiiral dahil dito. Una ay ang polusyon sa hangin dahil sa paglabas ng mga greenhouse gases at particulate matter upang makagalaw ang sasakyan na nakaaambag sa climate change at ang mga epekto nito (Robinson, 2022). Pangalawa naman ay ang polusyon ng pag-iingay ng mga sasakyan dahil nakakaantala ito sa mga hayop dahil ang pag-iingay ay dumadagdag sa stress levels ng mga hayop at nakakababa ito ang kanilang kaligtasan sa sakit at nagigiing mas bulnerable sa mga sakuna o aksedente (Madidi et al., 2017). Dayopa, ang pandinig ay umiiral bilang pangunahing paraan ng pandama ng iba't ibang hayop kagaya ng paniki, gamu-gamo, at ng iilang ibon, at dahil sa pag-iingay ng mga sasakyan nagiging malula ang mga hayop at mas madaling makainan, mawala, o mamatay. Pangatatlo, man ang kabangangan sa mga malalaking hayop dahil ‘di sila makapunta sa kailangan nilang puntahan dahil may hinahadlang road network, at dahil sa mga kabanggaan halos namamatay ng isang milyong hayop taon-taon (Wesseler, 2023).  At sa dulo ng buhay ng isang sasakyan kinukuha ng mga kumpanya ang mga mahalagang bakal kagaya ng copper tapos iniiwan ang ibang parte na ihahati pa at iiwanan sa isang agsaman, kung saan mananatili ito dahil hindi ito biodegradable at mag-iiwan sa lupa, o isusunog at maglalabas ng particulate matter at greenhouse gases sa atmospera (Miner et al.,2024). 


Bilang paglalagom sa mga nabanggit, nakaugat ang car-centrism sa iilang aspeto ng pagkasira ng pambansang kalikasan. Nagkakaroon ng polusyon sa hangin, anyong tubig, at anyong lupa, mula sa paggawa ng mga sasakyan, paggawa ng mga daan, pagkukuha ng mga likas-yaman, at paggagamit ng mga saksakyan. At sa lahat ng mga ito sinisira ang mga natural habitat at nakakasasama sa kapakanan ng mga hayop dahil nakakadagdag sa diin ng mga hayop at nakakaantala sa kanilang life cycle at kalusugan. Lahat ng mga ito ay nakakaambag sa pagbaba ng biodiversity at pagkawalan ng mga ecosystem ng ating bansa at lahat na ito ay direktang epekto ng car-centrism. Maaaring makita ng car-centrism ay isang napakalalim na isyu at malaking pagsalungat sa kalikasan na umaabot sa pinakataas ng bundok hanggang sa pinakamailap na isla. Kapag napanatili ang Maynila bilang isang lungsod na car-centric mas lalong lalala ang epekto ng climate change rito. Ang hinaharap ng Pilipinas ay magabagag ng mga natural disasters kagaya ng pagtaas ng sea level, pag-iinit ng lungsod, pagkawalan ng mga natural habitat, na mas mapaminsala sa mga nakikita ngayon (Future of Climate Change | Climate Change Science | US EPA, n.d.). Kaya kailangan na umaaksyon ang mga nasa pamahalaan na may kapangyarihan gumawa ng pagbabago sa pagpapaplano ng imprastrukura kagaya ng mga daan at tabing-kalasada at pagpapatupad ng mga batas at patakaran upang mapabuti ang kalagaya ng kalikasan at mabawasan ang carbon emission ng kalakhang Maynila.