SDG 8:
Decent Work & Economic Growth
SDG 8:
Decent Work & Economic Growth
Ang ika-walong layunin ay naglalayong isulong ang inklusibo at napapanatiling paglago ng ekonomiya, ganap at produktibong trabaho at disenteng trabaho para sa lahat. Kasama rin dito ang pag-aalis sa pinakamasamang anyo ng child labor, kabilang ang recruitment at paggamit ng mga batang sundalo, gayundin ang wakasan ang lahat ng anyo ng child labor pagsapit ng 2025. (Unicef)
ni Gabrielle Exconde
Ang maikli na tulang ito ay isinulat sa perspektibo ng isang manggagawang underpaid. Itinatampok dito ang paghihirap at sakripisyo ng mga manggagawang nagtatrabaho upang masustentuhan ang kanilang mga pamilya. Maaaring makatulong ang SDG 8: Decent Work and Economic Growth sa mga empleyadong kagaya nila, at para na rin sa kabutihan ng mga manggagawa.
ni Aaron Trinidad
Ang digital na likhang-sining na ito ay naglalayong ipahayag ang isyu sa Pilipinas kung saan mataas ang pamantayan ng mga kompanya o employer sa pagpili ng mga manggagawa kahit sa mga trabahong mas mahalaga ang kasanayan kaysa sa napag-aralan. Ipinapakita rin dito na kung minsan, mas pasado pa ang mga beauty queen sa pagiging store crew kahit na hindi gaano ka-importante ang mga kwalipikasyong hinahanap para sa trabaho.