Mga Miyembro
Mga Miyembro
Al Abante
Artist
Si Al ay labimpitong taong gulang na game developer sa Godot at 3D modeler naman sa Blender. Balang araw, nais niyang ilathala sa publiko ang larong ginagawa niya sa nakalipas na halos dalawang taon.
Karl Ballon
Artist
Si Karl ay labing-walong taong gulang na kasalukuyan ginagalugad ang visual arts tulad ng pagguhit sa parehong tradisyonal at digital na anyo. Balak niyang kumuha ng degree sa kursong Animation upang matupad niya ang kaniyang pangarap na maging animator kung saan niya maaaring ipahayag ang kaniyang mga malikhaing ideya.
Carmina De Castro
Artist
Si Carmina ay labimpitong gulang na nangangarap pasukin ang kurso ng Interior Design sapagkat nakikita niya ang pagtugma ng kaniyang mga kakayahan at katangian na hinahanap sa trabaho.
Gabrielle Exconde
Artist
Si Gab ay labimpitong taong gulang na dalubhasa sa tradisyunal na sining at pagdidisenyo, sa larangan ng panitikan, at maging sa gampaning sining; partikular sa pagkanta. Isa sa mga pangarap na gusto niyang makamit sa buhay ay ang pagiging matagumpay na interior designer o maging isang journalist. Nais niyang ipakita sa mundo kung ano ang kaya niyang gawin, at ipaalam at itatak sa kanila ang kaniyang dinadalang pangalan.
Alisa Maddatu
Artist
Si Alisa ay labimpitong taong gulang na dalubhasa sa tradisyunal na sining tulad ng realistiko at teknikal na pagguhit. Plano niyang maging isang matagumpay na arkitekto sa hinaharap upang mapabuti niya ang mga tahanan, gusali, tulay, at iba pang imprastraktura sa Pilipinas.
Keona Pioquinto
Artist
Si Keona ay labimpitong taong gulang na dalubhasa sa digital at tradisyunal na sining at disenyo, lalo na sa pagpipinta at pagguhit sa dalawang larangan na ito. Plano niyang kumuha ng degree sa Multimedia Arts o Fine Arts Major in Visual Communication upang higit pang madagdagan ang kaniyang pag-aaral bilang isang artista at bilang isang mahilig sa lahat ng larangan ng sining.
Cazhielle Sasai
Artist
Si Cazhielle ay labing-walong taong gulang na dalubhasa sa pagdidisenyo at sa potograpiya. Nais niya kumuha ng isang degree sa Fine Arts na nakatuon sa Interior Design, na pinagsasama ang kaniyang pagmamahal sa estetika at ang kaniyang talento sa pagdidisenyo ng magagandang espasyo.
Joelie Aaron Trinidad
Artist
Si Aaron ay labing-walong taong gulang na dalubhasa sa pagpinta, pagsasayaw, at paggamit ng mga kolorete. Nais niya kumuha ng programang Fine Arts Major in Industrial Design dahil sa kaniyang hilig sa pagdidisenyo ng mga produkto tulad ng mga packaging at iba pang teknolohiya.