KAAKIBAT
KAAKIBAT
Ang Kaakibat ay isang student organization na ibinuo noong Oktubre ng 2023 na may layuning isulong at itaguyod ang Sustainable Development Goals (SDGs) sa Pilipinas sa pamamagitan ng sining, sapagkat ito ay hindi lamang isang popular at epektibong paraan ng komunikasyon, ngunit mayroon din itong kapangyarihang baguhin ang saloobin at paniniwala ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagpapakilala ng mga bagong pananaw, ideya, at pagpapahalaga.
MISSION
Ang Kaakibat ay nakatuon sa pagpepreserba ng mga sining na niyari ng mga mapangathang tagapag likha ng bansa. Dedikado ang kompanya magpundar ng mga eksibit na nagbibigay-kaalaman para sa mga Filipino, lalo na sa kabataan. Balak nito isagawa ang mga eksibit sa pamamagitan ng website na madaling mabuksan ng mga tagamasid gamit ang kanilang mga cellphone o kahit anong gadyet. Ang mga eksibit ng kompanya ay libre lamang at ang mga donasyon ng mga tagamasid ay ginagamit upang pagpondo sa kompanya, sa mga naglikha, at sa larangan ng sining. Sinusubukan ng kompanya maging modelo at inspirasyon para sa mga ibang organisasyon na gusto ring makamit ang kanilang mga layunin.
Ang Kaakibat ay naglalayong magbigay ng karunungan at magsilbing inspirasyon sa mga tagamasid, itinataguyod ang pag-unlad at pagbabago para sa isang mas magandang bukas at isang mas matagumpay na bansa. Sa pamamagitan ng sining, ipinakikita namin ang kahalagahan ng karunungan at kaalaman. Ang pamagat na may kasamang hiwaga at mahika ay nagbibigay daan sa pag-asang ang sining ay may kakayahang magbukas ng pinto tungo sa mas malalim na kaalaman at pag-unawa. Ito ay isang hamon sa mga tagamasid na magkaruon ng mas malalim na pag-unawa sa mga mahahalagang konsepto ng karunungan at kaalaman. Sa pagpapakita ng eksibit, nais naming magsilbing inspirasyon para sa pagbabago, naglalayong maging gabay sa landas tungo sa mas maliwanag at mas maunlad na hinaharap. Ang Kaakibat ay nagtatangkang maging daan upang mapalaganap ang karunungan at magtaguyod ng positibong pagbabago sa lipunan, na may layunin na magkaruon ng mas malalim na pang-unawa at pagpapahalaga sa mga konsepto ng kaalaman.
VISION
Ang Kaakibat ay layuning masolusyunan ang kakulangan sa kaalaman sa mga Sustainable Development Goals gaya ng SDG 4, quality education; SDG 8, Decent Work and Economic Growth; SDG 11, Sustainable Cities and Communities; at SDG 17, Partnership for the Goals. Mahalaga ang kaalaman sa SDGs dahil ito ang nagtutulak ng aksyon. Kung walang kaalaman, hindi makakapag-ambag ang tao sa hinaharap.
Ang mga isyung tinatalakay ng SDG ay epekto sa estudyante at sa buong bansa. Mahalaga na maisakatuparan ang Quality Education (SDG 4) para sa maayos na pag-aaral, lalo na sa mga pamilyang may pananalapi na hamon. Layunin naman ng Decent Work and Economic Growth (SDG 8) ang mapadali ang buhay ng walang trabaho. Ang SDG 11 at 17 ay naglalayong umunlad ang bansa. Hindi lang ito para sa tao kundi para sa buong mundo. Hinahangad ng organisasyon na maisulong ang mga isyung ito sa pamamagitan ng makabagong paraan upang malutas ang mga problemang haharapin. Sa ganito, mahahanap ang mga sagot nang may lakas at kakayahang umangkop sa mga hamong ito.