SDG 11:
Sustainable Cities & Communities
SDG 11:
Sustainable Cities & Communities
Ang ika-labing-isang layunin ay naglalayon na gawing inklusibo, ligtas, at sustainable ang mga lungsod at mga pamayanan ng tao. Kasama rin sa layuning ito ang paggawa ng ligtas at abot-kayang pabahay, sustainble na mga sistemang transportasyon, at inklusibo at sustainable na urbanisasyon. (The Global Goals)
ni Alisa Maddatu
Ito ay isang interactive na 3d na modelo na nagpapakita ng kahalagahan ng risk reduction na saklaw ng SDG 11. Binigyang-diin nito ang malaking kahalagahan ng pagkakaroon ng mga mangrove trees sa ating mga dalampasigan sapagkat ito ay nagsisilbing malaking proteksyon.
Ang modelo ay nahahati sa dalawa upang makita ng mga tagamasid ang mga benepisyo ng pagkakaroon ng mga puno ng bakawan at ang mga kahihinatnan kapag wala ang mga ito.
ni Cazhielle Sasai
Ang 3D model na ito ay naglalarawan ng kahalagahan ng Sustainable Development Goal 11 sa ating lipunan. Bawat bahagi nito ay isang pagsasalaysay ng pangarap na maitataguyod ang mas maayos at mas sustenableng mga siyudad. Ang sining na ito ay naglalaman ng diwa ng pag-asa at pangarap para sa isang mas maligayang, mas malusog, at mas sustenableng mga siyudad.