SDG 4:
QUALITY EDUCATION
SDG 4:
QUALITY EDUCATION
Ang ika-apat na layunin ay naglalayong itaguyod at tiyakin ang inklusibo at patas na kalidad ng edukasyon at isulong ang mga pagkakataong panghabambuhay na pag-aaral para sa lahat. Sinusuportahan ng layuning ito ang pagbawas ng mga pagkakaiba at hindi pagkakapantay-pantay sa edukasyon, kapwa sa mga tuntunin ng pag-access at kalidad. (Unicef)
ni Al Abante
Ito ay isang 3D model na may halong 2D drawing tungkol sa isang batang pulubi. Makikita dito na hindi siya makapasok sa loob ng isang paaralan, kaya naman ay tinititigan niya lamang ang mga nangyayari sa loob galing sa labas ng gusali. Makikita dito na gustong makapasok ng bata sa loob ng paaralan ngunit hindi niya ito magawa. Tungkol ito sa mga batang hindi nakakapasok sa paaralan dahil sa kakulangan sa pera o kaya naman sa mga batang maagang nagkaroon ng responsibilidad na tumulong sa pamilya nila kaya naman hindi sila nakakapasok sa paaralan.
ni Keona Pioquinto
Isa itong digital artwork na nakatutok sa SDG 4, Quality Education. Ito ay nagpapakita ng isang batang babae na nangangarap na makapag-aral, ngunit dahil sa kanyang magulo na estado sa buhay, hindi ito posible. Dinadala siya nito sa damdamin ng kalungkutan at pananabik, na ipinapakita ng kulay asul at ang kanyang mga pangarap, na ipinapakita ng kulay dilaw.