SDG 17:
Partnerships for The Goals
SDG 17:
Partnerships for The Goals
Ang ika-labimpitong layunin ay naglalayong palakasin ang mga paraan ng pagpapatupad at pasiglahin ang pandaigdigang pakikipagtulungan para sa sustainable development. (United Nations)
ni Karl Ballon
Ang SDG 17 ay ang pakikipagrelasyon ng mga iba’t-ibang internasyonal na organisasyon upang mapanatili ang pag-unlad at makamit ang mga layunin. Kabilang dito ang pakikipag-kalakalan at isa sa mga malalakas na produkto sa pagkalakalan ay ang tela.
Ginawa ang sining na ito gamit sa pag maninipula ng mga litrato sa aplikasyon na Adobe Photoshop. Ang likhang sining na ito ay pinapakita ang isang disenyo ng gown na ginawa sa deconstructed na paraan. Gawa ito sa mga sikat tela na matatagpuan sa iba’t-ibang bansa. Kabilang dito ang Batik ng Indonesia, Shisha embroidery ng Asya, Tartan ng Europa, Mexican embroidery ng Mehiko, Yuzen Silk ng mga Hapon, at Suzani ng Uzbekistan at Tajikistan. Ipinapakita dito ang alyansa na nabuo ng mga bansa dahil sa mga tela.
ni Carmina De Castro
Naniniwala ka ba na mababalik sa iyo ang magandang asal na ginawa mo para sa iba? Ang pagtulong sa kapwa ay maaring abala lamang sa iba, kung hindi ito ang nais nilang gawin. Bagama’t ang pagtulong na binubuo lamang ng puro at tunay na pagmamahal ay isang magandang bagay na hindi karaniwang nakikita sa ating araw-araw, sapagkat nais ng iba ng kapalit sa kanilang magandang asal. Ngunit tunay nga ba iyong magandang asal kung naghihingi ng kapalit?
Ang taos pusong pagtulong ay walang kapalit at dito natin makikita iyon sa digital artwork na ito na nagpapahayag ng pangunahing layunin ng SDG 17. Ito ang pagtustos ng isang bansa sa bansang desperado sa suporta na maaaring dinulot ng sakuna, digmaan o ang mahinang ekonomiya ng bansa. Ang pagtulong sa mga gantong sitwasyon ay makakabago ng buhay ng isa o isang buong bayan. Sapagkat, kahit maliit o malaki mang tulong iyan ay malaking bagay na iyon para sakanila. Gayunpaman, ang pagsaksi lamang ng kanilang malalaking ngiti at nagluluhang mga mata ay sapat nang kapalit sa pagtulong sakanila.