Yamang Kagubatan: Pang-aapi, Pagmamalupit, Panganib
Gawa ni: Frances Avellanosa
Gawa ni: Frances Avellanosa
Discover More
Sa paglaganap ng mga isyung pang kalikasan, nangingibabaw din ang kakulangan ng atensyon sa pangangalaga sa mga hayop, partikular na sa mga lokal na uri. Kahit na sa mga karaniwang hayop ay may malaking kakulangan pa rin sa mga husto at patas na pamamaraan ng pagtrato sa kanila. Hindi bumababa sa 3,000 na kaso ng pagmamalupit sa mga hayop gamit ang karahasan, pangbubugbog, pati ang pagpatay o pagkatay noong 2020 lamang, ayon sa Compassion and Responsibility for Animals (CARA) Welfare Philippines. Malaking dulot din nito ang hindi paglapat ng mga nararapat na kahihinatnan sa pagmamalupit ng mga may ari dahil sa labis na pagpapabaya at pagkunsinti sa mga kadalasang hinahatong na aksyon sa kanilang alagang hayop. Kahit pa ma’y hindi buong napapalagay sa posisyon ang mga hayop sa lipunan, hindi ito rason upang mas pagkaitan sila ng boses at karapatan sa hustisya at malayang pamumuhay. Tulad ng tao, sila rin ay mga nilalang na may damdamin, emosyon, at may sariling pagdama ng bagay-bagay. Ang kakulangan ng kanilang mga kognitibong kasanayan ay sa paanuman nakasalalay sa ating pagkukusa at obligasyon na pangalagaan at palakihin sila ng may kalinga at ng may maayos na pakikitungo. Subalit, kasalungat nito ang kasalukuyang eksena na matatagpuan sa ating bansa. Isa sa mga naging viral o kumalat na bidyo ang ginawa ni Rami Ballaran mula Albay na pagtapon sa pusa sa ilog na isinasaad niyang para sa online content lamang. Nabalitaan na ang lalaki ay isang minor na edad pa lamang, at napalagay sa tungkulin ng Tabaco Animal Rescue and Adoption (TAARA) ang pagligtas sa pusa. Idinidiin nito sa publiko ang pangangailangan ng mas mahigpit na mga protokol at pamantayan hango sa pagdidisiplina at pagtatakda ng kamalayan lalo na sa mga nakababatang henerasyon sa tamang pagtrato at kontroladong pagkalantad sa mga alagang hayop at iba pang yamang gubat bilang primaryang pagkakaunawa ng mga mamamayan sa interaksyon nila sa kanilang paligid dahil sa kalimitan ng pang-aabuso ng mga hayop para sa sariling pakinabang.
Bukod pa dito, ang pagpatay ni Anthony Solares—isang barangay tanod sa Camarines Sur—sa tatlong taong gulang na aso na nangangalang Killua dahil sa rason na hinahabol siya nito at ipinalagay na may rabies ang aso ay malupit na ehemplo na hindi kailanman makatarungan ang paghatol ng kamatayan sa isang hayop bilang proteksyon sa sarilI. Ito ay halos katumbas ng pagkakasala sa kapwa sapagka’t tuwirang nagbubunga ito ng maling kalayaan sa mga aksyon natin tungo sa mga hayop, kung saan para bang mga gamit lamang sila, sa ating ipinapakitang pagkapoot. Dahil sa mga kaganapang ito at umiiral na mga batas para sa kapakanan ng mga hayop, mas nakakalungkot na pati ang mga edukadong tauhan sa lipunan ay namumunongdulot ng kasalatan sa angkop na pakikisalamuha ng walang halong pagkiling at sadyang pananakit.
Sa ugnayan ng sakop na teritorya ng mga hayop at paglago ng mga lupaing nagsisilbing rekurso para sa ating pang araw-araw na pamumuhay, natatamo na mahalaga ang pagbibigay ng atensyon para sa kaayusan ng relokasyon ng mga hayop bilang masistemang pagsustento sa kanilang mga pamumuhay at pag-iwas sa kawasakan ng mga natural na tirahan na maaaring magdulot ng pagsiklab ng mga sakit. Ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang mariwasa sa samut-saring buhay ay nagsasangkot ng pangangailangan para sa mas mainam na paglaganap ng kamalayan at proteksyon sa iba’t ibang uri at klase ng kayamanan ng bansa bilang dagdag na kaparaanan sa sama-samang pangangalaga ng ating kabuhayan. Hindi maitatanggi ang likas na relasyon ng tao sa hayop at kanyang kapaligiran sapagka’t lahat tayo ay nag-iisa at konektado ayon sa ating kalikasan. Partikular dito, ipinapahayag ng Salita ng Diyos na ang kapalaran ng mga tao ay gayundin sa mga hayop: lahat ay mamamatay at magkatulad na pinakikinabangan ang mundong ito bilang parehong likha mula sa kanyang kabanalan (Ecclesiastes 3:19). Ibinabahagi nito na tayo ay tinuturing pantay-pantay sa kabila ng mga makamundong paniniwala at paggamit natin ng kapangyarihan base sa kinatatayuan sa lipunan o kakayahan sa intelektwal. Ngunit, kinokontra ito ng mga katotohanan sa simbahan at lalo na sa mga teksto sa Bibliya: ang lahat ng may buhay ay may papel sa paglikha ng Panginoon kahit na walang intelektwal na pagkakaunawa (Job 12:7-10), ngunit ay dapat gamitin ng mga may kakayahan at may boses ang kanilang handog para sa mga salat nito—tungkulin ng mga tao na alagaan din ang mga hayop higit pa sa mga mahihirap lamang (Proverbs 31:8).
Hindi parating naisasakatuparan ang pangkaraniwang kapayapaan at pagkakasundo-sundo ng bawat miyembro ng isang sistema, lalo na sa relasyon sa tao at hayop; kadalasan tinatratong mas mababa ang mga hayop at alaga dahil sa kognitibo at intelektwal na kakayahan nito. Gayunpaman, bilang mga nilikha na may damdamin at puso, ang ating dangal ay hinding hindi mahihiwalay sa ating pagkatao, gayundin sa mga hayop. Pinapaalalahanan tayo ng yumaong Papa Francisco mula sa Laudato Si na ang ating kasamaan o kabutihan sa mga hayop ay sumasalamin sa ating personal na pakikitungo sa ibang tao; lahat ng karahasang pagkilos ay labag sa karangalan ng bawat isa. At bilang isang mamamayang kabataan, ang aking karanasan sa pagtupad ng kapakanang hayop ay masasabi kong hindi rin kaaya-aya sapagka’t ay namulat ako sa kabangisan ng ibang tao sa pagpapalaki nito kung saan normalisado ang pagmamalupit, pagpaparusa, at marangyang pagpapalayas sa kanilang mga alaga sa oras na ito ay hindi kalugod-lugod sa may-ari. Sa Pilipinas, lantad ang ganitong isyu lalo na sa karamihan ng mga aso’t pusa sa kalsada ay namamalaboy lamang at walang maayos na tirahan dahil sa kakulangan ng kalinga at pag-asikaso sa mga hayop. Tuluyang nabuksan ang aking isipan sa karimlan ng sitwasyon nila pati ang mga nakatira sa gubat tulad ng kaso ni Lolong: ang pinakamalaking buwayang nabihag sa bansa noong 2011, sa kanyang pagkamatay niya na dulot ng hindi makatwirang pagtrato. Tahasang pagmamalupit at paglagay sa panganib ang ginanap sa kanya dahil ang santuwaryong dapat pinoprotektahan siya kung saan siya inilipat ay ang namuno pa sa kanyang pagdurusa sa kakulangan ng tubig sa kanyang tirahan. Si Ernesto Coñate ang responsable sa pagkahanap kay Lolong, at ang dapat managot sa kanyang maling paghahatol sapagka’t natagpuan pagkalipas ng mga taon na walang sala ang buwaya dahil walang natagpuang buto ng tao mula sa pagsisiyasat ng kaniyang labi. Natatagpuan na lamang ang imahe ni Lolong sa National Museum of Natural History kung saan ay ginugunita siya bilang isang biktima ng hindi matuwid na detensyon, kumpara sa ginawang museo ng Bunawan noong nakakulong pa si Lolong doon bilang pagkakakitaan nila at libangan sa tao.
Sa kabila ng pagtupad ng RA 8485 (Animal Welfare Act) at RA 9147 (Wildlife Resources Conservation and Protection Act) bilang mga inisyatiba ng gobyerno na tiyakin ang maayos na operasyon ng mga pasilidad para sa mga hayop at pagbawalan ang kalupitan sa kanila, hindi pa rin ito sapat na mamalagi sa iba’t ibang sektor tulad ng hindi pagtugon nang patas ng DENR (Department of Environmental and Natural Resources) sa sitwasyon ni Lolong sa kasukdulan ng pag-aaral ng kanyang kaso dahil hindi nito pinakinggan ang mga siyentipiko sa National Museum na nakatagpo na may polusyon sa tubig ng Agusan mula sa pagmimina dahil nangingibabaw ang priyoridad at kagustuhan ng gobyerno na ipagpatuloy pa rin ang pagmimina sa lugar. Ipinapahayag nito ang realidad na kadalasan pa ring mas binibigyang halaga ng mga mamamayan at namumuno ang mga materyal na kalagayan ng ating lipunan kaysa sa maselang kondisyon ng mga tao, lalo na ang kagipitan sa pamumuhay ng mga hayop. Nililinang nito ang aking kabuoang pag-unawa sa sistema ng kapakanan ng mga hayop at pagtrato sa kalikasan nito ng ating bansa, na may malawak na puwang sa tapat na pagtugon at pagbabalewala ng pagkalinga sa mga ito.
Mula sa pagkalantad ng mga isyu at malulungkot na mga sitwasyon ng kapakanang hayop sa ating bansa, simulan dapat ang aksyon sa pagsasagawa ng mga lokal na barangay at komunidad ng mga panawagan at programa na mag-uudyok ng kamalayan at pakialam sa mga mamamayan tungo sa kalagayan ng kanilang mga alagang hayop, at mabatid ang sitwasyon ng mga namamalaboy sa mga kalsada bilang pangunahing pagmulat sa kanila ang kalagayan ng mga ito. Ikalawa, mahalaga ding mamuno ang mga paaralan sa pangangaral sa kabataan ng tamang pagtrato at pangangasiwa sa mga hayop sa pagpapatibay ng pundasyon ng kanilang kaalaman at pagsasanay sa pangangalaga ng yamang-gubat, lalo na sa pagkilala at pagligtas ng mga lokal na hayop na nasa panganib. Sa pamamagitan ng eksposur na paglalakbay o mga aktibidad kung saan harap-harapang makikita ng mga mag-aaral ang kalagayan ng mga hayop, ay mas makakatulong sa pagbukas ng kanilang diwa sa realidad ng ating kalikasan. Ikatlo, nararapat ding patibayin pa ang sistemang legal at pang hustisya sa pagtamo ng pangkalahatang kapakanan ng mga hayop bilang mungkahing panukala para sa DENR sa pagtakda ng mas mainam at patas na pamamahala upang masigurado ang makatarungang proseso sa paghahatol ng kaso ng may sapat na ebidensya at isinasaalang-alang pa rin ang kondisyon ng hayop. At ikaapat, dapat palawakin ng gobyerno at ng awtoridad ang pagkaroon ng mga sentro o pagpapatayo ng mga protektadong lugar para sa mga aso, pusa, at iba pang hayop na gala lalo na sa pagtugon ng pagiging parte na nila ng iskwater. Ito ay mahalaga sa pang kabuoang kapakanan at kaligtasan ng bawat isa, lalo na sa maselang kalusugan ng mga hayop dahil sa kakulangan at hindi maayos na kalagayan ng mga medikal na pagtugon. Tulad ng pag-abot ng tulong ng DSWD (Department of Social Welfare and Development), gawin nating tungkulin at magkusa na maging lunas sa ating mga alaga sapagka’t tayo ang nagsisilbing boses at saligan nila sa mundong intelektwal.
Samakatuwid, ang mga pagbabagong ninanais natin bilang lipunang isinusulong ang pagpapabuti ng kapaligiran, pag-iimbak ng sariling kultura, at pangangalaga sa mga lokal na kayamanan ay dapat nagsisimula sa pagbabago ng ating mga sarili lalo na sa pagtamo ng kapantayan, integridad, at katarungan sa lahat ng uri ng buhay. Tayo ay ang nagsisilbing daan at pag-asa ng kinabukasan ng ating mga kasamang hayop sa maayos, maalagang pagpapanatili, at pag-asikaso sa kanilang mga tirahan at kailangan sa kabuluhan ng lahat ng pinapatupad na inisyatibo bilang konkretong pagkilos mula dito. Sa pagsasaaalang-alang ng lahat ng mga kautusan at pamantayang nakatatag, dapat mas mangibabaw ang ating sariling pagkukusa na maging responsable at mapagmalasakit na mamamayan sa pagtrato sa mga hayop na mga kagalang galang na nilalang na may karapatan sa hustisya, patas na pagkain at tirahan, at kalinga. Ito ay dapat nating isinasabuhay kaakibat ng pagsunod sa mga batas sa paraang umaalingawngaw ang mga asal na itinuro sa atin ng Panginoon—pangalagaan ang lahat ng uri ng buhay at respetuhin ang bawat isa. Sapagka’t sa hangganan ng bawat araw, tayo pa rin ay pangunahing mga anak ng Diyos at mga katiwala ng sanlilikha na dapat gamitin ang ating boses at buksan ang ating mga puso para sa kabutihan at kapakanan ng likas na kapwa.
Discover More
Sa aking paglalakbay sa Pambansang Museo, tila isa itong tahimik na pagninilay kung paano nagtatagpo ang sining, kultura, at kalikasan. Nagsimula ang aking lakbay sa Gallery of Fine Arts, kung saan sinalubong ako ng masiglang paglalarawan ng pagtatanim ng katutubong palay. Ang Planting Rice ni Miguel Galvez, kung saan kumakatawan ito sa ugnayan ng tao at lupa na nagbibigay buhay dito. Sa pagbisita sa gusali ng Antropolohiya, mas lalo kong naunawaan ang sining na ito dahil naroon ang mismong mga kasangkapan at istrukturang pang agrikultura na ginamit ng mga katutubo, gaya ng luhong, na nagsilbing konkretong anyo ng ipininta sa sining. Ngunit nang ako ay dumausdos patungo sa gusali ng Natural History, nag-iba ang daloy ng kwento. Ang pagninilay na nagsimula sa pagyabong na lupa ay napalitan ng epekto ng pagmimina, isang larangan na nagdudulot ng pagkasira sa kalikasan at pamumuhay ng mga katutubong grupo.
Trilyon-trilyong halaga ng likas na yaman ang nakatago sa ilalim ng lupa, mga bundok, at dagat ng Pilipinas. Inaangkin ang mga ito upang makagawa ng mga produkto gaya ng mga cellphone, enerhiya, alahas, at iba pa, ngunit ang kapalit nito ay kapighatian sa mga pamayanang katutubo. Ayon sa Amnesty International, maraming katutubo ang nakakaranas ng sakit at sintomas gaya ng ubo, asthma, kontaminadong tubig, at nabawasan ang ani ng pananim, dulot ng pagmimina ng nikel sa Santa Cruz, Zambales at Brooke’s Point, Palawan. Gayundin ang isyu sa pagmimina sa Sierra Madre, ang pagkakalbo ng kabundukan ay nagpalala sa epekto ng bagyo, ayon kay Wilma Quiterrez (2024). Malinaw na nagpapakita ng pinsala ito sa kabuhayan ng mga katutubong mamamayan na naninirahan dito, na pangunahing pamumuhay ay ang agrikultura dahil sa deforestation, pagbaha, pagkawala ng proteksyon laban sa bagyo, at marami pa. Sa aking paglalakbay, napagtanto ko ang ironya, na ang sining at kultura ng mga katutubo ay ipinagdiriwang sa museo ngunit sa labas, ang lupang sumilang sa kanila ay patuloy na nawawala sa panahon.
Sa harap ng ganitong kalagayan, hindi sapat na magmasid lamang ako. Malinaw na ang pagmimina ay lumalabag sa dignidad ng tao, sapagkat ang mga katutubo ang pinaka-apektado. Hindi lamang kanilang kabuhayan ang nasasaktan, kundi pati ang kanilang kultura, pagkakakilanlan, at ugnayan sa lupang pinagmulan. Ayon sa Laudato Si, tinawag tayo ni Pope Francis upang maging mabuting katiwala ng nilikha, ngunit ang mapanirang pagmimina ay kabaliktaran nito, sapagkat inuuna nito ang pansariling pakinabang kaysa sa kapakanan ng kalikasan at ang susunod na henerasyon. Napipilitan sila na iwanan ang kanilang mga tinubuang-bayan upang bigyang-daan ang mga proyektong sumisira sa kanila, kung saan ang gawaing pang ekonomiya ay dapat sumisilbi sa buong pamayanan.
Bukod pa dito, ang Simbahan ay hinihikayat ang synodality, o ang sabayang paglalakbay kasama ng mga naisasantabi. Nangangahulugan ito na dapat marining at maisama ang tinig ng mga katutubo sa mga usaping nakakaapekto sa kanilang lupa. Kaugnay nito, pinapaalala rin ng Simbahan ang pagprayoridad sa mga dukha, o sa Ingles na “preferential option for the poor.” Sa usapin ng pagmimina, ang mayayamang kumpanya at dayuhang interes ang siyang nakikinabang, habang ang mga mahihirap at katutubo ang nagdurusa sa maruming tubig, pagkasira ng lupa, at pagkawala ng kabuhayan.
Sa aking paglalakbay, masasabi kong nagising ang aking kalooban na lagpasan ang simpleng pagpapahalaga sa sining, at higit pang tuklasin ang diwa nito, ang panawagan na kumilos. Upang matugunan ang ugat ng suliranin sa pagmimina, bilang isang Teresa, isusulong ko ang mahigpit na reporma sa batas at pagpapatupad nito, kabilang ang mas mataas na buwis at mas mabigat na parusa sa mga kumpanyang lumalabag, upang matiyak na ang kita mula sa pagmimina ay hindi lamang napupunta sa iilang kundi naibabalik sa pamayanan. Ikalawa ay bigyang ng lakas ang mga boses ng katutubo sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapatibay sa kanilang karapatan sa kanilang lupain. Sa ganitong paraan, sila ay may kapangyarihan sa mga desisyon kung paano protektahan at gagamitin ang kanilang likas yaman. Makabubuti rin ang pagpapakita ng mga epekto ng mga ito sa mga museo dahil nakakamulat ito sa mga nais intindihin ang kultura at kalikasan ng Pilipinas. At panghuli, maaari ring ipakita ang mga epekto ng pagmimina at yaman ng ating kalikasan sa mga museo. Ito ay hindi lamang edukasyon, kundi pagbibigay-dangal sa kultura ng mga katutubo at pagbibigay ng malay sa lahat ng Pilipino na ang ating kalikasan ay bahagi ng ating pagkatao, tungo sa bagong kinabukasan ng ating lipunan.
Naging matagumpay ang pag-ugnay ng sining, agham, at pananampalataya sa isyu ng pagmimina sapagkat naging mas malinaw ang kabuuang larawan ng isyu. Hindi lamang ito isyung pang-ekonomiya kundi usapin ng kultura, kalikasan, at dignidad ng tao. Mabisang lumitaw ang mahigpit na regulasyon at pagbubuwis ay kongkretong tugon sa ugat ng suliranin. Gayunpaman, hindi naging sapat ang pagtutok sa pagtuligsa nang hindi isinasaalang-alang ang alternatibong kabuhayan ng mga naapektuhan. Sa aking palagay ay hindi sapat ang batas at panawagan lamang dahil kailangan din tiyakin ang suporta sa mga pamayanan upang hindi sila mapilitang nagtitiis ng pinsala o umaasa lamang sa iisang industriya.
Gawa ni: Khushdeep Bring
Mga Kulay ng Pag-iral: Sining ng Pilipino sa Ilalim ng Kolonyalismo
Gawa ni: Jiana Carpena
Discover More
Sa aking pagbisita sa National Museum, napansin ko ang malinaw na presensya ng kolonyal na impluwensya sa sining ng Pilipino. Maraming obra ang nakabatay sa estilong Europeo, partikular na ang mga relihiyosong imahe, pagpipinta ng mga santo, at mga eksenang hango sa Kristiyanong pananampalataya. Makabuluhan ito sa kasalukuyan dahil ipinapakita nito kung paano naapektuhan ng kolonyalismo ang ating kultura, at kung paanong hanggang ngayon ay dala pa rin natin ang ganitong pamana. Sa kabila nito, nakita ko rin ang halaga ng mga likhang Pilipino na nakapagsasanib ng sariling sining at banyagang impluwensya, na parang patunay ng kakayahan ng ating mga ninuno na manatiling malikhaing kahit nasa ilalim ng pananakop. Sa isyung ito, makikita ang kalagayan ng mga Pilipino noon—nahahati sa pagitan ng pagpapasakop at paglaban. May bigat at lungkot dahil tila naisantabi ang sariling kultura, ngunit may pag-asa dahil sa kabila ng kolonyal na impluwensya, nakahanap pa rin sila ng paraan upang ipahayag ang sariling identidad sa sining. Para sa akin, ang kanilang kalagayan ay puno ng pag-aalanganin at paghahanap ng boses, ngunit kasama rin ang damdaming hindi sumusuko at patuloy na umaasa sa mas malayang kinabukasan para sa kanilang sarili at sa susunod na henerasyon.
Sa aking karanasan sa National Museum, nakita ko mismo ang mga obra na nagpakita ng malakas na impluwensiya ng mga Kastila sa ating sining. May “lights” dito, ang kahusayan ng mga Pilipino na ginamit ang bagong estilo upang ipakita ang kanilang talento at malikhaing isip. Ngunit may “shadows” din, ang tila pagkawala ng ating katutubong sining, na natabunan ng pamantayan ng mga banyaga. Parang kasabihang Pilipino na “ang araw man ay may kasamang anino”— ang pag-unlad na dala ng kolonyal na sining ay may kaakibat ding pagkalimot sa sariling ugat. Sa aspetong pang-lipunan, naroon ang pagsusumikap ng ating mga ninuno na umangkop at mabuhay sa ilalim ng kolonyalismo; sa pang-kultura, makikita ang pagtatalo ng identidad—kung paanong tayo’y natuto, ngunit kasabay nito’y halos naisantabi ang ating sariling pinagmulan. Sa mabathalang pagninilay, naisip ko ang sinabi ni Hesus sa Juan 8:32: “At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohanan ang magpapalaya sa inyo.” Ang mga obra ay hindi lang alaala ng kolonyalismo, kundi paalala na kahit sa ilalim ng dayuhang impluwensya, may tinig pa rin tayong lumalaban para sa ating pagkakakilanlan. Kung iuugnay sa mga turo ni Hesus at pamana ng pananampalataya, malinaw na ang mensahe ng Diyos ay huwag mawala sa ating tunay na sarili. Ang pamamayani ng Kagandahang-Loob ng Diyos ay makikita sa kakayahan ng ating mga ninuno na magpahayag ng sining kahit limitado, at sa ating tungkulin ngayon na balikan at igalang ang ating sariling kultura. Ang adhikain ni Hesus na ang kalayaan, dignidad, at pagkilala sa katotohanan—ay dapat magsilbing inspirasyon sa atin upang ipagpatuloy ang laban para sa tunay na makatarungan at makataong kinabukasan.
Sa kabila ng aking pagninilay hinggil sa isyu ng kolonyal na impluwensiya sa sining, napagtanto ko na ang ugat ng aking panawagan ay ang pagbabalik sa ating sariling identidad bilang Pilipino. Bagama’t mahalagang kilalanin ang naging ambag ng mga dayuhan sa ating kultura, hindi dapat ito maging dahilan upang mawala ang ating sariling tinig at malikhaing pagpapahayag. Bilang kabataan at bilang kabahagi sa pagpapatuloy ng misyon ni Kristo sa pamamaraang Sinodal—na nakabatay sa pakikinig, pagbabahaginan, at sama-samang paglalakbay—ang aking panawagan ay itaguyod ang pagpapahalaga sa katutubong sining at kultura sa pamamagitan ng edukasyon, pagpapakita ng mga lokal na likha, at pagtuturo ng kasaysayan ng ating sining sa mas malalim at makataong paraan. Ang ating kilos na nakikita ay nagsisimula sa kamalayan: (1) pagbabahagi ng kaalaman sa mga kapwa kabataan tungkol sa yaman ng ating sariling sining, (2) paglikha at pagsuporta sa mga proyektong nagtatampok ng mga lokal na artista, at (3) pagtulong sa mga inisyatibong naglalayong buhayin ang tradisyunal na anyo ng sining tulad ng katutubong musika, sayaw, at biswal na likha. Sa ganitong paraan, nakikiisa ako sa misyon ni Kristo na ipalaganap ang katotohanan at katarungan. Bilang isang Teresa, ang aking pagkilos ay higit pang pinayayaman ng mga elementong natutuhan ko mula sa paghuhubog ng STC. Sa pamamagitan ng ICM charism at ng ating Vision-Mission, natutunan ko ang kahalagahan ng pagiging “women of faith, excellence, and service.” Ang core values ng Truth, Justice, Peace, at Integrity of Creation ay nagsisilbing haligi ng aking panawagan. Ang pagbalik sa ating sariling sining ay isang anyo ng katotohanan; ito’y pagbibigay-halaga sa ating pinagmulan at hindi pagtatago sa ilalim ng banyagang impluwensiya. Ito rin ay katarungan, dahil binibigyan nito ng boses ang mga artistang Pilipino na madalas na natatabunan ng banyagang pamantayan. Sa pagtangkilik at pangangalaga ng ating sining, nakikibahagi rin tayo sa kapayapaan at integridad ng paglikha, sapagkat ang sining ay hindi lamang para sa indibidwal kundi para sa pamayanan at sa bayan. Kung iuugnay sa modelo ng pagiging isang Teresa, nakikita ko ang aking sarili bilang isang kabataan na tagapagdala ng sining bilang midyum ng paglilingkod. Katulad ng marka ng pagiging “Christ-centered” at “Socially Responsible”, ang aking panawagan ay hindi lang para sa sariling interes kundi para sa mas malawak na lipunan. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa ating kultura at sining, nakikibahagi ako sa adhikain ng pamamayani ng Kagandahang-Loob ng Diyos, kung saan bawat isa ay may dignidad at bawat tinig ay may halaga.
Sa pagbuo ng aking balangkas ng pagkilos upang tugunan ang isyu ng kolonyal na impluwensiya sa sining, mahalaga na nakaugat ito sa ilang panuntunan. Una, kinakailangang laging may pagpapahalaga sa sariling diwa at kultura ng Pilipino, dahil ang sining natin ay hindi lamang dekorasyon kundi salamin ng ating pagkatao at kasaysayan. Dapat makita ang diwa ng Pamamayani ng Kagandahang-Loob ng Diyos, gaya ng itinuro ni Kristo, na nag-uudyok sa atin na ibalik ang dignidad at boses ng ating sariling mga sining at tradisyon. Isa rin sa panuntunan ko ang pamumuhay ng halimbawa ng ICM mission sa paraang sinodal—ibig sabihin, hindi lamang ako kikilos nang mag-isa, kundi kasama ang iba sa pagbabahagi, pakikinig, at pagtutulungan para sa iisang layunin. Higit sa lahat, bilang isang Teresa, kailangang maging totoo ang aking aksyon sa core values ng aking paaralan: katotohanan sa pagtatampok ng tunay na kultura, katarungan sa pagbibigay ng pantay na espasyo para sa lokal na sining, kapayapaan sa pagbubuo ng pagkakaisa sa pamamagitan ng malikhaing pagpapahayag, at integridad ng paglikha sa pagtataguyod ng ating sariling likha.
Upang mapayaman ang aking buhay-pananampalataya at ng mga kabataan na kabahagi sa isyu ng kolonyal na impluwensiya sa sining, maaari kong ipanukala ang isang ritwal na hango sa ating sariling mga pagdiriwang tulad ng Flores de Mayo. Sa halip na nakatuon lamang sa mga imported na imahe o estilo, gagawin itong “Flores ng Kultura at Pananampalataya” kung saan ang bawat alay ng bulaklak ay may kasamang obra ng mga kabataan—maaaring maikling tula, kanta, o likhang-biswal na nagpapakita ng ating pagka-Pilipino at ng kagandahang-loob ng Diyos. Maaari ring sabayan ng pagbasa ng Ebanghelyo, gaya ng Juan 8:12: “Ako ang ilaw ng sanlibutan. Ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng buhay.” Pagkatapos, magkakaroon ng isang sabayang mural painting na nagsasalarawan ng liwanag ng pananampalataya na dumadaloy sa ating kultura, bilang tanda ng pag-asa at pagbangon mula sa mga bakas ng kolonyalismo. Sa ganitong paraan, nagiging pagdiriwang ito hindi lang ng tradisyon kundi ng sining na tunay na Pilipino, at isang konkretong ritwal na humuhubog sa pananampalataya habang ipinagmamalaki ang ating sariling pagkakakilanlan.
Mula Museo at Kultura, Patungo sa Sarili: Paglalakbay sa Gitna ng mga Isyung Agrikultura
Bilang isang mamamayang Pilipino, hindi ko naipapakita ang malalim na pagpapahalaga sa aking kultura. Ang aking pamilya ay palaging dumadaan sa pambansang museo ngunit, hindi ako nagkaroon pagkakataong mabisita ito. At dahil dito, ako ay nagtataka kung ano nga ba ang nilalaman ng pambansang museo. Nang ipahayag ng aking paaralan na kami ay bibisita sa museo, hindi ko alam na mas lalalim ang aking pag-uugnay sa aking kultura. Ipinakita sa akin ng aking pag bisita ang iba’t ibang aspekto ng ating kultura mula sa mga natatanging pinta at makabayang eskultura, hanggang sa makukulay na banig at iba pang mahalagang bahagi ng ating kasaysayan na dati ay hindi ako pamilyar. Ang karanasan na ito nakatulong din sa akin na pagnilayan at matuto na ang ating kultura ay hindi limitado sa sining, kundi ang gaano kayaman ang ating kalikasan at kasaysayan at kung gaano kalaki ang nagiging kawalan kapag napapabayaan natin ito.
Isa sa mga tumatak sa akin ay ang impormasyon tungkol sa tamaraw, isang hayop na matatagpuan lamang sa Pilipinas at ngayon ay nasa bingit ng tuluyang pagkawala. Nakita ko sa mga larawan at exhibit ang kanilang kagandahan at kahalagahan, ngunit kasabay nito, nakita ko rin ang mga datos at kwento kung paano sila unti-unting nababawasan dahil sa pagkawala ng kanilang tirahan at ilegal na panghuhuli. Maliban dito, tumatak sa aking puso pa ay ang pagpinta ng waling-waling, isang bulaklak na kinikilala bilang “Reyna ng mga Bulaklak ng Pilipinas” na makikita sa Pilipinas lamang. Ito ay pininta ni Tomas Bernardo na isinalamin ang kagandahan ng bulaklak. Gayunpaman, inilalarawan ng sining na ito kung paano nanganganib ang bulaklak dahil sa labis na pag-aani at hybridization. Habang nakatingin ako sa mga larawan at sining na naglalarawan ng mga ito, dama ko ang bigat ng katotohanan na maaari silang tuluyang maglaho kung walang gagawin ang tao.
Ako ay nagkaroon ng matinding pagninilay sa mga aksyon ng mga tao sa kasalukuyang panahon at kung paano nilalagay sa panganib ang ating kultura na kinatawan ng mga hayop, halaman, at iba pang aspeto ng agrikultura. Sa puntong ito, napagtanto ko na ang mga nilalang na ito ay hindi lamang simpleng hayop o halaman, kundi buhay na bahagi ng ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Mula sa mga mabuting asal ng Bibliya ng Kristiyano, makikita na malinaw ang panawagan ng Diyos sa tao na alagaan ang kalikasan. Sa kasamaang palad, tila hindi natin napapahalagahan ang layuning ito, ang mapangalagaan ang banal na regalo ng Diyos. Ang katotohanang ito ay binigyang-diin sa Genesis 2:15 na nagsasabing “The Lord God took the man and put him in the Garden of Eden to work it and take care of it.” Ibig sabihin, mula pa noong simula, ipinagkatiwala na sa atin ang tungkuling ito. Hindi lamang basta paggamit ng yaman ng kalikasan ang itinakda sa atin, kundi ang responsibilidad na ito ay may kasamang malasakit at pangangalaga. Ngunit sa halip na pangalagaan, madalas ay sinisira ng tao ang kalikasan dahil sa kasakiman, kapabayaan, at maling pagtingin na ang kalikasan ay walang hanggan. Dahil dito, nakita kong hindi lamang ito usapin ng kapaligiran, kundi usapin din ng moralidad at pananampalataya. Ang hindi pagkilos para sa kalikasan ay isang anyo ng pagkukulang sa ating pananagutan bilang mga anak ng Diyos at bilang mamamayang Pilipino. Ang tunay na pagmamahal sa bayan at sa Diyos ay nakikita sa paraan ng ating pangangalaga at pagrespeto sa Kanyang nilikha.
Mula rito, hindi sapat ang pagninilay lamang sa isyu na ito kung hindi ay dapat gumawa ng kongretong pagkilos. Kasama nito, ang mahalagang pagsusuri sa lahat ng aking mga aksyon upang mahusay na makita kung ang aking mga aksyon ay nag-aambag para sa pagpapabuti ng kapaligiran. Kagaya sa pagbibisita sa pambansang museo na nakapagbigay sa akin ng kamulatan sa isyung pangkapaligiran, ako rin ay maghahanap pa ng ibang paraan upang matutunan at maging mulat sa isyung ito. Ito ay magagawa sa pagbibisita sa mga website at pagbabasa ng artikulo ng The Department of Environment and Natural Resources (DENR), Biodiversity Management Bureau (BMB) at marami pang iba. Ang mga departomentong ito ay ginagamit ang kanilang plataporma bilang daan sa pagbabahagi ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kapaligiran sa Pilipinas. Mahalaga maging mulat upang malaman kung anong aspeto ang pinaka kailangan matugunan. Maliban dito, maaari kong gamitin ang kaalaman tungkol sa mga partikular na isyu para malaman kung anong mga partikular na aksyon ang magagawa ko. Ang isang kilos na maaari kong gawin ay upang suportahan ang mga organisasyon tulad ng Philibio, isang organisasyon na mayroong layunin protektahan ang mga kagubatan at mga iba’t ibang hayop. Sila ay nag-aalok ng boluntaryong trabaho na, kung may pagkakataon, maaari akong sumali, o kahit ako ay mag-donate sa kanilang mga programa kung saan nakatuon sila sa pangkalahatang pagtulong sa kapaligiran at mga hayop. Isa sa mga kilalang proyekto nila ay ang pagtatanim para sa kagubatan ng Cebu at pag proproteka sa Rufous Hornbill. Ang isa pa ay ang pakikiisa sa pamayanang Kristiyano at sama-samang gawin ang ating misyon sa pangangalaga sa kapaligiran tulad ng paglilinis, pagtatanim ng puno at marami pang iba. Sa pamamagitan nito, kahit na ang mga simpleng aksyon tulad ng pagtatanim ng higit pa sa ating mga endangered na halaman ay makakatulong nang malaki upang mapanatili ang mga ito. At ang panghuli, hindi sapat na ako ay ang gagawa ng aksyon lamang kung hindi hihikayatin ko rin ang aking mga kapwang estudyante, kaibigan, pamilya at marami pang iba na buksan ang kanilang mata ang gumawa rin ng aksyon sa isyung ito. Maaari kong ipaliwanag ang kahalagahan nito upang makatulong din sila sa pagpapanatili ng aspetong agrikultural ng kultura sa ating bansa.
Sa pangkalahatan, ang pagbisita sa pambansang museo ay hindi lamang isang pagbisita para sa kultura; ito ay naging isang pagbisita upang kumonekta sa aking kultura at sa aking sarili upang pagnilayan ang mga aksyon na ginawa ko at ng aking mga kababayan. Nais ko maisabuhay ang mabuting asal ni Mother Marie Louise De Mester na “Let your heart be like Christ so generous and so great that the whole world may find room in it. Ipapakita ko ang aking pagmamahal at debosyon sa mundo na maging pag-asa ng aking ayan para sa pag prorprotekta at pagmamalaki sa aking kultura at bayan sa pamamaraan ng pagiging bukas-palad at pagmamalasakit. Hinahangad kong maging kasangkapan ng pagbabago na nagbibigay inspirasyon at benepisyo hindi lamang sa aking sarili kundi sa buong lipunan. Sa pamamagitan nito, maaari tayong magdiwang nang sama-sama sa misa at sa panalangin habang ginagabayan tayo ng banal na espiritu at sa kabutihan ng ating mga puso upang malutas ang isyung ito. Nais ko na sa pamamagitan ng aking mga aksyon at pananampalataya, na gabayan ako sa mga pagbabagong inaasahan kong maisakatuparan na maging daan upang ang mga sining ng tamaraw waling-waling at marami pang-iba, ay hindi maging huling alaala lamang ng ating kultural na pagkakakilanlan sa agrikultura.
Sa pangkalahatan, ang pagbisita sa pambansang museo ay hindi lamang isang pagbisita para sa kultura; ito ay naging isang pagbisita upang kumonekta sa aking kultura at sa aking sarili upang pagnilayan ang mga aksyon na ginawa ko at ng aking mga kababayan. Nais ko maisabuhay ang mabuting asal ni Mother Marie Louise De Mester na “Let your heart be like Christ so generous and so great that the whole world may find room in it. Ipapakita ko ang aking pagmamahal at debosyon sa mundo na maging pag-asa ng aking ayan para sa pag prorprotekta at pagmamalaki sa aking kultura at bayan sa pamamaraan ng pagiging bukas-palad at pagmamalasakit. Hinahangad kong maging kasangkapan ng pagbabago na nagbibigay inspirasyon at benepisyo hindi lamang sa aking sarili kundi sa buong lipunan. Nais ko na sa pamamagitan ng aking mga aksyon at pananampalataya, na gabayan ako sa mga pagbabagong inaasahan kong maisakatuparan na maging daan upang ang mga sining ng tamaraw waling-waling at marami pang-iba, ay hindi maging huling alaala lamang ng ating kultural na pagkakakilanlan sa agrikultura.
Sanggunian:
PhilBio: Biodiversity In Action. (n.d.). Www.philbio.org.ph. https://www.philbio.org.ph/
Gawa ni: Felicity Carrise S. Chua
Gawa ni: Yara Marasigan
Discover More
Ang aking karanasan sa Philippine National Museum ay nagbigay-diin sa dalawang mahahalagang usapin: ang pangangalaga sa mga artipaktong unti-unti nang naglalaho at ang panganib na maglaho ang mga hindi karaniwang hayop kagaya ni Lolong na buwaya. Lubos akong naantig at namangha sa mga artipaktong nakita ko, lalo na sa Manunggul Jar. Napaisip ako kung paano napapanatili ng museo ang ganoong kayamanan, na sa kabila ng higit 2,700 hanggang 2,900 taon ng pag-iral ay nananatiling buo at makahulugan. Ngunit kasabay ng pagkamangha ay ang pag-aalala: paano natin mapapanatili ang ganitong mga kayamanan sa harap ng modernisasyon, kapabayaan, at posibleng pagkawala ng pagpapahalaga sa kultura? Sa kabilang banda, ang sinapit ni Lolong, ang pinakamalaking buwaya na nahuli sa Pilipinas at kumakatawan sa patuloy na panganib na kinahaharap ng mga hayop sa Pilipinas, dulot ng pagkawala ng tirahan, panghuhuli, at kakulangan sa epektibong pangangalaga. Pareho silang sumasalamin sa iisang hamon—ang unti-unting paglaho ng mahahalagang bahagi ng ating pamana, kultural man o likas.
Mula sa pananaw ng pananampalataya, makikita ang panawagan ng diyos sa kaniyang mga katiwala nilkha. Ayon sa Genesis 2:15, “Inilagay ng Panginoon ang tao sa Hardin ng Eden upang ito’y pagyamanin at pangalagaan.” Inilalarawan ng talatang ito ang paglalagay ng Diyos sa unang tao sa Halamanan ng Eden, hindi lamang para sa libangan, kundi para paglingkuran at pangalagaan ito. Ibig sabihin, hindi lamang kalikasan ang ating pananagutan, kundi pati na rin ang mga bakas ng ating kasaysayan at kultura na sumasalamin sa ating pagkatao. Sa teolohikal, tinawag tayo upang protektahan ang natural na mundo at ang mga kayamanan ng kultura na nag-uugnay sa atin sa ating pagkakakilanlan at kasaysayan. Sinusuportahan ito ng Republic Act No. 10066 o ang National Cultural Heritage Act of 2009, na nagbibigay ng proteksyon at pangangalaga sa kultural na pamana ng bansa. Itinatampok ng batas ang tungkulin ng estado na tiyakin na ang mga artifact tulad ng Manunggul Jar ay mananatiling mapangalagaan para sa mga susunod na henerasyon. Sa parehong paraan, kung paanong ang mga kultural na kayamanan ay protektado ng batas, mayroon ding moral at panlipunang tungkulin na protektahan ang mga hayop tulad ni Lolong, na ang kamatayan ay nagpapaalala sa atin ng kagyat na panawagan na tugunan ang panganib ng mga species sa Pilipinas.Sa Ebanghelyo, ipinahayag ni Hesus ang Pangarap ng Diyos Ama—ang Pamamayani ng Kanyang Kagandahang-Loob, kung saan lahat ng nilikha ay may puwang at pagpapahalaga. Sa konteksto ng ating panahon, nangangahulugan ito ng isang komunidad na may malasakit, nagbubuklod, at kumikilos para sa pagpapanatili ng kabutihan hindi lamang para sa tao kundi para sa lahat ng bahagi ng Kanyang nilikha.
Mula sa pagninilay, malinaw ang panawagan ng pagkilos: ang pagpapanatili at pagpapahalaga sa ating pamana ay tungkulin ng bawat isa. Napagtanto ko na ang pagpapabaya sa mga artifact at hayop ay tumutukoy sa isang mas malalim na isyu. Nabigo natin ang hiling ng Diyos na pahalagahan ang kaniyang nilikha at ang pamana na ipinagkatiwala sa atin. Kaya namang magpapasiya akong i-ugat ang aking tawag sa pagkilos sa responsableng pangangasiwa. Bilang isang mag-aaral, maaari akong makatugon sa pamamagitan ng pagtataguyod ng kamalayan sa aking paaralan sa pamamagitan ng mga kampanya at proyekto na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng pangangalaga sa ating kultural na pamana at sa ating likas na kapaligiran, habang nagsasanay din ng mga gawi sa kapaligiran na nagpoprotekta sa mga nanganganib na hayop. Kung maaari, mag-oorganisa ako ng "Heritage & Nature Week"sa tulong ng iba pang mga guro at mag-aaral sa paaralan na may mga exhibit o info board na nagtatampok ng mga artifact ng Pilipinas at mga endangered na hayop. Higit pa rito, ang pagsisimula ng petisyon o pangako ng estudyante ay maaaring maprotektahan ang kultura at kapaligiran, na nag-uugnay nito sa tawag ng pangangasiwa ng Diyos. Maaari rin akong magsimula ng mga maliliit na hakbangin sa kamalayan sa paaralan, tulad ng pagbabahagi ng natutunan ko mula sa museo tungkol sa kahalagahan ng pag-iingat sa parehong mga artifact sa kultura at mga endangered na hayop sa pamamagitan ng maiikling presentasyon, poster, o mga post sa social media. Kasabay nito, maaari kong sanayin at hikayatin ang mga pang-ekolohikal na gawi, tulad ng pagbabawas ng paggamit ng plastik, wastong pagtatapon ng basura, at pagsali sa tree-planting drive, na tumutulong na protektahan ang natural na tirahan ng mga hayop. Sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga lokal na museo at mga pagsisikap sa pag-iingat, maaari kong bigyang-inspirasyon ang aking mga kasamahan na pahalagahan pareho ang ating kultural na pamana at ang ating kapaligiran bilang bahagi ng ating ibinahaging responsibilidad bilang mga tagapangasiwa ng nilikha ng Diyos.
Bilang isang Teresa, dala ko ang core values ng pagiging maka-Diyos, maka-kalikasan, at maka-tao. Ang aking balangkas ng pagkilos ay nakaugat sa misyon ni Kristo—ang sinodal na pakikipaglakbay kung saan lahat ay may ambag. Ang panawagan ko ay kolektibong pagkilos para sa pangangalaga ng pamana kung saan sama-sama tayong magpunyagi ng pamilya, paaralan, pamahalaan, at simbahan upang tiyakin na ang ating pamana ay hindi mapapabayaan, kundi ipapamana sa susunod na henerasyon. Bilang mga Kristiyano, tinawag tayong tingnan ang paglikha, mga artifact man ng kasaysayan o buhay na nilalang, bilang mga pagpapahayag ng pag-ibig ng Diyos. Kasunod ng halimbawa ng misyonero ng ICM sa paraang Synodal, ang pagkilos na ito ay dapat na nakaugat sa diyalogo, pakikipagtulungan, at pagkakaisa sa iba na nagsisikap ding protektahan ang buhay at pamana.
Discover More
Ang imahe ay isang babe, at ang pangalan niya ay Florencia “Nena” Singson Gonzalez-Belo, siya ay nakasuot ng nakatali ang kanyang buhok sa isang malaking bun at mukhang naka pink na damit. Ang kanyang mukha ay nagtataglay ng isang kaaya-ayang ekspresyon at isang ngiti habang nakatingin sa malayo sa harapan ng pagpipinta, ang kanyang mukha ay naka-anggulo sa gilid. Ang pagpipinta ay nanatiling hindi natukoy hanggang makalipas ang mga dekada kung saan nabunyag na si Fernando Amorsolo ang pintor at ito ang kanyang huling pagpipinta bago siya namatay. Ang pagpipinta ay tila isang regalo o Gonzalez-Belo, ngunit hindi ito nagawang kumpletuhin ni Amorsolo bago pumanaw, wala siyang sapat na oras.
Marami sa mga kabataan ngayon ang nararamdaman na parang wala silang sapat na oras, inaasahan na alamin ang kanilang buhay na napakabata habang may maraming mga posibilidad kung sino sila. Ang lumulubog na pakiramdam na kung ang isa ay magpasya sa kanilang kapalaran nang huli, na sila ay gagawin para sa, iiwasan sa halagang wala, at lahat ng pagsisikap na kanilang ginawa upang makarating sa puntong ito ay walang kabuluhan.
Bilang isang komunidad, dapat nating suportahan ang iba sa kanilang paglalakbay sa buhay, na tumutulong sa pagpapagaan ng pasanin ng isang mahirap na desisyon sa pamamagitan ng pagpapahintulot sa kalayaan sa pagpapahayag. Sinasabi na ang tanging dahilan kung bakit malito ang isang tao sa kanilang pagkakakilanlan ay dahil sa pagkiling, na kung sila ay tunay na maging ang kanilang sarili, ang tunggalian na iyon ay lilitaw lamang kapag ang mga panahon ay naging mahirap, hindi kapag ito ay dapat na mas madali para sa kanila na mamuhay nang masaya sa paggawa ng kung ano ang gusto nila at maging kung sino ang kanilang pipiliin.
At, ang pagsisikap ng suporta ay palaging makikita sa pamamagitan ng pagpapagaling at mas madalas na mga ngiti, pagsabog ng kaligayahan dahil napagtanto ng isang tao na maaari nilang, sa katunayan, makamit kung sila ay masigasig sa kung ano ang kanilang ginagawa at kung sa una ay hindi nila kayang gawin ang mga gawain nang mag-isa, sa lalong madaling panahon ay bubuo sila ng kasanayan upang gawin ito nang nakapag-iisa, na nagbibigay daan sa tagumpay at higit na kalayaan upang galugarin, mas maraming mga gawain na dapat tapusin.
Sa huli, kahit na ang isang pagpipinta ay nananatiling hindi natapos dahil sa kawalan ng sapat na oras, ito ay palaging sapat para sa oras na ibinigay, dahil ang pinakamahusay na isa ay hindi kailanman magiging pamantayan ng lahat at ang mga iyon ay iba-iba sa bawat tao, ngunit ang gayong pagsisikap sa ganoong oras, ay sapat na. Iyon ay sapat na oras, ito ay palaging sapat na oras upang tapusin kung ano ang natapos. Ang kasaysayan na ating iniiwan noong ating buhay ay sapat sa oras na ibinigay saatin kahit mukhang “hindi sapat” tayo.
Gawa ni: Emmanuelle Louise "Yuan Kazuha" J. Sacamos