Panganib sa mga Hayop at Yamang Kultura; Katarungan at Karapatan ng Katutubo
Ilaw ng kabataan sa kadiliman ng sistema ng hustisya at kalupitan sa preserbasyon para sa katutubong kultura't yamang kagubatan
Ilaw ng kabataan sa kadiliman ng sistema ng hustisya at kalupitan sa preserbasyon para sa katutubong kultura't yamang kagubatan
Pagbati sa ngalan ng Panginoon!
Kami ay mga mag-aaral ng Saint Theresa's College of Quezon City mula sa pangkat ng STEM, nananawagan para sa agarang pagtugon sa paglaganap ng kagyat na problema sa pangangalaga ng yamang kagubatan at kapakanan ng mga hayop. Kinikilala namin ito bilang kritikal na salik sa preserbasyon ng ting likas na yaman ng bansa, at higit na namulat sa karahasang nagaganap sa pagkasira at panganib na hinaharap ng ating kalikasan. Ang aming mga kaalamanan ay nalinang sa aming mga pagkatuto sa asignaturang Contemporary Arts from the Regions, at sa naging bisita namin sa National Museum na nagbukas ng aming isipan para sa pag-aksyon tungo sa pagligtas ng ating lokal na kultura.
Sa inyong mga pagsisikap, mga panukalang ipinatupad sa gabay ng gobyerno tulad ng RA 8371 para sa karapatan ng mga Indigenous Peoples, RA 9147 para sa proteksyon sa mga buhay-ilang, at mga proyektong sinusubaybayan lalo na kasama ang mga LGUs (Local Government Unit) sa pagpoprotekta sa mga Indigenous Peoples natin; natatamo pa rin namin na may malawak na puwang na nararapat na solusyonan patungkol sa sistema ng pangkatarungan sa pagbibigay ng hustong pagtrato at pagkalinga sa mga hayop at katutubo. Kasama dito ang mga karaniwang pagligaw ng mga hayop sa kalsada, pagmamalupit sa mga hayop na nakakulong lalo na sa relokasyon nito mula sa kanilang tirahan, at ang labis na kakulangan sa distribusyon at awtorisasyon sa mga tribo na nagdudulot ng madaling pananakop ng mga reklamasyon sa kanilang lugar dahil din sa pagkasalat nila sa mga balidong certipiko ng pagkakilala.
Ang Pilipinas ay kilala sa pagkakaroon ng mayamang likas at kultural na pamana, at kaya mas nangangailangan ng sistematikong pagproseso ng wastong pagpapanatili dito. Maraming uri ng halaman at hayop ang unti-unting nawawala dahil sa pagtotroso, polusyon, at pagkawala ng kanilang tirahan. Ang pagkamatay ni Lolong, ang pinakamalaking buwayang naitalang buhay sa pagkabihag, ay patunay kung gaano na kahina ang ating mga buhay-ilang. Ang ating mga katutubong pamayanan, na siyang tagapag-ingat ng ating mga tradisyon, ay namumuhay sa kahirapan, kakulangan sa suporta, at limitadong mga pinagkukunan tulad ng komunidad ng Sama Bajau at Butbut Tribe ng Kalinga ethnic group. Ang mga tinaguriang personalidad tulad ni Apo Whang-Od at Haja Amina Appi ay nagbukas sa aming diwa sa kahalagahan ng kultural at katutubong pagkakakilanlan, subalit ang kanilang mga kasanayan ay nalalagay sa panganib dahil sa mga modernisasyong kaganapan.
Kami ay taos-pusong nananawagan sa DENR na lalo pang paigtingin ang inyong mga hakbang para sa proteksyon ng mga nanganganib na yamang gubat at kultura. Ang pag-aaksyon dito ay sumasaklaw sa mas mahigpit na implementasyon ng mga batas at pagpataw buwis sa mga nagnanais magsagawa ng mga proyektong may kinalaman sa pag-aangkin ng ating likas-yaman, mas malakas na pakikipagtulungan sa pagitan ng mga LGUs at katutubong komunidad upang pamahalaan ang mga kagubatan at mga proyektong magaganap sa mga pook-kalikasan, gayundin ag pagpapatupad ng mga programa sa rehabilitasyon at konserbasyon tulad ng tamang pagbabahay sa mga hayop. Mungkahi din namin ang magtaguyod pa ng mas makatwirang pagpoproseso ng mga kasong ipinapataw sa mga hayop upang masigurado ang kabuoang kapakanan nila sa pagaakusa para sa mga uri ng pagkasala tulad ng pagpatay sa tao. Karagdagan din ay na pangabuluhan ang papel ng mga NGOs (Non-Governmental Organizations) sa tulong ng mga LGUs sa kanilang inisyatibo na ipaglaban ang mga Indigenous Peoples at pagpapanatili sa kalikasan sa paraan ng kolaborasyon sa mga proyektong mas magiging epektibo dahil sa paglaganap ng mga kampanya na magmumulat ng malay sa mga tao tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng ating kapaligiran.
Lahat ng ito ay hinihiling namin para sa kaligtasan ng kabukasan ng ating katutubong kultura at likas yaman bilang pamana ng ating mga ninuno. Umaasa kami sa inyong mabilis na pagtugon.
Lubos na gumagalang, mga kapwang alagad ng kalikasan