Kilala si Frances Avellanosa bilang isang masigasig na Teresyana ng Saint Theresa’s College of Quezon City na may malawak na karanasan at tagumpay sa larangan ng sining. Siya ay naging miyembro ng SINAG Creative Writing at SINAG Instrumental Ensemble, naging Feature Writer sa Theresian Magazine, at nanalo rin sa paligsahan para sa pagsulat ng sanaysay: “iKabataan Ambasador sa Wika (iKAW): Maging iKAW para sa Katutubong Wika” noong Baitang Anim. Lantad rin siya sa pagganap sa entablado bilang miyembro ng bandang ‘Til the Break of Dawn na naging tagaganap sa taunang konsiyerto ng paaralan na naglilikom ng pondo para sa SEFI (Sambayanang Educational Foundation, Inc.) upang matulungan ang pang matrikula ng ibang Teresyana. Kasalukuyang parte siya ng komite ng Research and Writing ng LIKHA Media Team na may layunin ding maglahad ng mga panlipunang kaganapan o isyu. Siya ay namuno sa paggawa ng kanta noong Baitang Sampu na namamagatang “Luntiang Kapaligiran” na may mensaheng mulatin ang mga tao sa kalupitan at pagkasirang nagaganap sa kalikasan. Nakaangkla din sa kanyang pagiging Presidente ng klase ngayong taon bilang isang Ikalabindalawang Baitang estudyante at sa mga taon ng kanyang pagiging lider ang pagiging aktibo sa kanyang simbahan, kaakibat ng pagsisilbi para sa mga nangangailangan sa komunidad nito, tulad ng gawain ng pangkat niya KABALIKATAN na ReMEDial-TIKAS. Ang partisipasyon at serbisyo niya sa mga programang ito ay naghahasa sa kanyang panindigan para sa mga karapatan at pagpapaayos ng sitwasyon ng mga mahihirap, gayundin sa mga yamang gubat at hayop. Mula dito, ninanais ni Frances na makapagtapos ngayong taon at makilala bilang bokal na estudyanteng lider at masipag sa kanyang adbokasiya na pangabuluhan ang kahusayan sa sining para sa pagmulat sa pamayanan, at mamuno tungo sa kabutihan ng kapwa gayundin sa pangangalaga ng yamang gubat at hayop.
Si Khushdeep Kaur Bring ay isang mag-aaral mula sa Saint Theresa’s College, Quezon City. Inialay niya ang kanyang buhay bilang isang mag-aaral sa pag-aaral nang masigasig at may layunin, lalo na sa mga asignaturang Agham at Matematika.
Ipinakita niya ang kanyang kahusayan sa Agham sa pamamagitan ng kanyang mga pananaliksik gaya ng “Potential of Eggshell Wastes Derived Calcium in Removing Nitrates and Phosphates in Contaminated Water Sources,” na naglalayong tugunan ang mga suliraning pangkapaligiran tungkol sa polusyon sa tubig, at “Hazard-Resilient Balsa Wood and Bamboo House Model with an Automated Electricity Shut Down System”, isang proyektong nagsusulong ng kaligtasan para sa mga naninirahan sa rural areas, na kanyang ipinresenta sa PaScientahan 2024, isang malaking hakbang tungo sa kanyang ambisyon sa larangan ng Agham.
Hindi lamang sa Agham siya namamayani, kundi maging sa larangan din ng kultura. Bilang adbokasiya sa pagpapanatili ng kulturang Pilipino, siya ay bumuo ng isang salaysay ukol sa Mambabatok para sa kanyang inaasahang gawain sa asignaturang UCSP, na pinamagatang “Los Pintados: “. Sa gawaing ito, kanyang pinuri at ipinakita ang kahalagahan ng tradisyon bilang simbolo ng pagkakakilanlan at kasaysayan ng mga katutubong Pilipino.
Bukod sa pagiging isang Outstanding Student mula baitang 9, siya rin ay isang aktibong miyembro ng Nucleus, kung saan ang mga alalahanin sa kapaligiran ay binibigyang-pansin at pinagaaralan gamit ang agham. Dito nagsimula ang kanyang adbokasiyang pangkalikasan, na lalo niyang pinalalim sa pagsaali sa SEAZoNS, isang organisasyon sa ilalim ng KABALIKATAN. Sa tulong ng samahang ito, naging kabahagi siya sa iba’t ibang matagumpay na proyekto gaya ng STCQC Cleaning Program, Pet Day, at marami pang iba na patuloy niyang isinusulong habang siya ay nasa baitang 12.
Si Jiana Denise Carpena ay isang estudyante mula sa St. Theresa’s College, Quezon City. Mula sa kanyang mga karanasan bilang mag-aaral, ipinapakita niya ang iba’t ibang anyo ng sining bilang daluyan ng kanyang pananampalataya, disiplina, at pagmamahal sa kapwa—isang paraan upang ipreserba ang mga pagpapahalaga at kulturang Pilipino.
Bilang isang Theresian Acolyte, naipapakita niya ang kahalagahan ng ritwal at pananampalataya bilang isang anyo ng sakral na sining, kung saan ang kanyang paglilingkod sa misa ay nagiging paraan ng pagdama at pagpapahayag ng espiritwal na karanasan. Sa larangan naman ng palakasan, siya ay parte ng football team sa kanyang paaralan at kasalukuyang co–team captain. Para kay Jiana, ang football ay hindi lamang laro kundi isang sinidhing pagsasanib ng galaw, disiplina, at pagkakaisa, na maituturing ding sining ng katawan at kolektibong ekspresyon. Kabilang sa kanyang mga tagumpay ang pagkamit ng 2nd Runner-Up sa RIFA Tournament, na nagsilbing patunay ng ganda ng pagsasanib ng tiyaga, pakikipagtulungan, at determinasyon. Hindi rin nalalayo si Jiana sa malikhaing larangan. Noong 2016–2017, siya ay naging bahagi ng SINAG Creative Writing, kung saan natutunan niyang gamitin ang wika at malikhaing pagsulat bilang midyum ng kanyang ideya, damdamin, at pagmumuni-muni. Para sa kanya, ang sining ng panitikan ay nagbibigay-daan upang ipahayag ang sarili at maging tinig para sa iba.
Sa lahat ng ito, ipinapamalas niya ang mga core values ng STC na faith, excellence, at service. Sa kanyang pananampalataya, naipapakita niya ang kahalagahan ng tradisyon at kultura; sa kanyang pag-aaral at sports, nahuhubog ang kanyang kahusayan at disiplina; at sa kanyang paglilingkod at sining, naisasabuhay niya ang malasakit at pagbibigay-serbisyo sa kapwa. Sa hinaharap, layunin ni Jiana na ipagpatuloy ang kanyang akademikong paglalakbay sa Ateneo de Manila University sa kursong BS Psychology, kung saan nakikita niya ang sarili na gagamitin ang agham at sining ng pag-unawa sa tao upang makapag-ambag sa lipunan at maging huwarang lider at lingkod-bayan.
Si Felicity Carrise Santos Chua ay isang estudyante mula sa St. Theresa’s College, Quezon City na kilala sa kanyang pagmamalasakit sa bayan at adbokasiya maging pinuno sa pagpapaunlad ng kultura at pag aalaga ng kapaligiran para sa kabataan. Mula sa kanyang karanasan bilang mag-aaral, pinakita niya sa mga iba’t ibang sining at PubMats bilang midyum upang ipagmalaki at ipreserba ang kulturang Pilipino.
Pinakita niya ang kahusayan niya sa mga mga pang-akademikong gawin bilang pagpapalalim ng kanyang dedikasyon sa kanyang adbokasiya. Noong Marso 2022, siya ay isa sa mga manunulat sa pananaliksik na pinamagatang “Comparing the Effectiveness of Using Banana Peels (Musa acuminata) and Orange Peels (Citrus sinensis) as Organic Fertilizer for Mung Beans (Vigna radiata)” na nakatuon sa pagpapanatili ng kalusugan ng mga halaman sa organikong pamamaraan. Samantalang para sa kanyang adbokasiya sa pagpapaunlad ng kultura, siya ay nakapagsulat ng sanaysay na pinamagatan “Harana as a Way to Move and Connect Hearts”, isang sanaysay na papel hinggil sa kahalagahan ng harana sa kasalukuyang panahon at kung paano ito sumasalamin sa pangangailangang ipreserba at ipagmalaki ang ating kultura.
Bukod dito, nakilahok siya sa mga grupo na may parehong layunin tulad ng iLead Program, kung saan sumama siya sa isang coastal cleanup noong 2024 kasama ang STC bilang hakbang upang linisin at pangalagaan ang kapaligiran. Noong 2016–2019, naging bahagi rin siya ng SINAG Theater Arts at nakilahok sa iba’t ibang pagtatanghal sa paaralan, kabilang ang isang contemporary performance noong 2017 na may temang What a Wonderful World bilang pagpapakita ng pagmamahal para sa mundo at sa kalikasan. Sa pamamagitan ng kanyang mga aksyon, patuloy niyang ipinagkaloob ang adbokasiya na magdulot ng pagbabago at pagprotekta sa kultura at kapaligiran ng kanyang bansa.
Si Yara Ligel A. Marasigan ay isang grade 12 student na kumukuha ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics sa St. Theresa's College, Quezon City. Siya ay naghahangad na magbigay ng inspirasyon sa mga nakapaligid sa kanya na yakapin at ipagmalaki ang ating bansa at ang mayamang kultura nito. Gamit ang mga katangian at pagpapahalagang nabuo mula sa kaniyang mga nakaraang karanasan tulad ng disiplina, paglilingkod, pakikiramay, at paggalang, isa sa kaniyang adbokasiya ang ang pangangalaga ng kulturang Pilipino at pagtataguyod ng pambansang pagmamalaki sa pamamagitan ng pagbabago, pakikilahok sa komunidad, at artistikong pagpapahayag.
Ang kanyang adbokasiya ay ipinamalas sa pamamagitan ng kanyang mga aktibidad at tagumpay na kanyang karanasan nitong mga nakaraang taon bilang isang mag-aaral. Pinatunayan niya ang kanyang kahusayan sa larangan ng agham noong 2024 nang nagwagi bilang Most Innovative Research at Most Relevant Research ang pananaliksik ng kanyang grupo na pinamagatang "Smart Waste Segregation Using Arduino-based Trash Alarm with Sensors (TAWS) for Metal and Non-metal Detection" sa AGHAMON. Dito naipakita na ang kabataang Pilipino ay maaaring gumamit ng inobasyon upang maglingkod sa bayan, protektahan ang kapaligiran, at ipakita sa mundo ang pagkamalikhain at responsibilidad na nag ugat sa ating kultura. Noong taon ding iyon, nakibahagi si Yara sa isang coastal clean-up kung saan ipinakita niya ang pangangalaga sa kapaligiran at disiplina sa pag-aayos at paghihiwalay ng mga basura na kanyang nakolekta kasama ng kanyang mga kapwa Theresian.
Siya ay bahagi ng isang kampo ng volleyball kung saan siya ay patuloy na nagpapaunlad ng disiplina, pagtutulungan ng magkakasama, at katatagan, mga katangiang hatid niya sa kanyang pag-aaral at adbokasiya. Bilang karagdagan sa isports, sumulat siya ng isang reflective essay na nagha-highlight sa mga gawi ng penitential sa kanyang probinsya, na nagpapahalaga sa mga tradisyong Pilipino. Higit pang sumasalamin sa kanyang pagmamalaki sa pagkakakilanlan, bahagi rin siya ng Sining Teresa, isang pangkat ng pagpapayaman na nagbibigay-buhay sa yaman ng pagiging Pilipino, na ipinapahayag niya sa pamamagitan ng mga pagtatanghal sa paaralan sa pag-arte, pagkanta, at pagsasayaw.
Si Emmanuelle Louise “Yuan Kazuha” Jimenez Sacamos ay isang estudyante mula sa St. Theresa’s College, Quezon City na kilala sa kanyang aktibismo sa kawalang-katarungan na nangyayari sa bansa gaya ng Pilipinas at Palestine. Nagsasalita para sa karapatan ng iba at hindi lamang pagbibigay, kundi pati na rin ang pagpapalakas ng boses ng mga hindi naririnig. Siya rin ay isang miyembro ng Theresian Publication noong akademikong taon 2023-2024 at Theresian English Alliance miyembro sa tatlong taon 2023-2026 at Instrumental Ensemble miyembro sa taong 2024-2026. Gamit ang kanyang sining, pagsusulat, at musika— inilalarawan niya ang pagkakakilanlang Pilipino at tinutulungan niya ang kanyang mga kasamahan na alalahanin ang mga katutubong awit, sayaw, at lahat ng iba pa sa bawat output. Kabilang dito ang mga pakikibaka ng mga Katutubo at kolonisasyon panahon ng Pilipinas.
Siya, kasama ng Abante Agueda ay may Outreach program sa Pilipinas tungkol sa pag turuan at paalalahanan ang mga kababaihan na naapektuhan ng panggagahasa o iba pang isyung panlipunan sa kanilang mga karapatan at tulungan silang bigyan sila ng kumpiyansa na manindigan para sa kanilang sarili at posibleng magsampa ng mga kaso laban sa kanilang mga umaatake. At, Gumagawa din siya ng boluntaryong trabaho para sa gobyerno sa pamamagitan ng VAD (Voters' Assistance Desk) at iba't ibang feeding program para sa mga mahihirap. Bukod dito, parte siya sa Glocal: Pagsibol 2024 na proyekto sa pangangalaga sa daigdig at mga yaman nito.
Hindi siya lamang aktibisto, ngunit tapat at mapagkakatiwalaang kapanalig sa sansinukob.