ENTERTAINMENT
Layout by Erizha Jane Santos
Sa bawat tusok ng fishball at bawat ngiting ibinibigay ng mga nagtitinda, masasalamin ang diwa ng sipag at pag-asa. Ang street food sa kampus ay hindi lamang pampuno ng tiyan—ito ay kuwento ng pangarap, pagsusumikap, at patuloy na pakikibaka ng karaniwang Pilipino.
Lights, Camera, Rebolusyon!
Ang industriya ng pelikula sa Pilipinas ay isang nagniningning na larawan na ipininta ng talento at maalab na pagmamahal sa pagtatanghal. Mula sa mapagpakumbabang simula hanggang sa kasalukuyang anyo ng pag-unlad, ang industriya ay sumasalamin sa kultura, pagsisikap, at tagumpay ng bansa.