FLASH FICTION
Agosto 23, 2025
Akala niya’y sa wakas ay matitikman na niya ang tamis ng katahimikan at kapahingahan ngunit maging ang sarili niyang tahanan ay kulang sa pahinga. Nakakalat sa sahig ng sala ang mga damit na nagmamadaling itinambak, patong-patong sa lababo ang maruruming plato na nakasalansan sa pagitan ng bawat “bukas ko na gagawin” na palusot, at mga kagamitan na araw-araw ay tila gumagapang pa-kaliwa’t kanan.